Eleven

71.6K 1.2K 87
                                    

Tahimik lang ang biyahe nina Erin at Vin papunta sa mall which is nakakapanibago lalo na kay Erin dahil parang pakiramdam niya ang awkward. Tanging mahinang tugtog lang na nagmumula sa radyo ang naririnig niya sa loob ng sasakyan ni Vin. Nang sulyapan naman niya ang lalaki ay nakatuon lang naman ang tingin nito sa kalsada at tinatapik-tapik lang nito ang daliri sa manibela upang sabayan ang tugtog sa radyo.

Siya lang ata ang nakakaramdam ng awkwardness dahil tingin naman niya ay wala namang napapansin si Vin na kakaiba sa kanilang dalawa. Siya lang itong paranoid at nagiisip ng kung ano


"Ano'ng gusto mong panuorin ngayon?" Untag sakanya ni Vin.

Kararating lang nila sa mall at naghahanap nalang ng parking space.

"Hindi ko alam. Ano ba ang mga palabas ngayon?" Sagot niya rito.

"Tignan nalang natin pagpasok." Aniya.

Nang makahanap na sila ng parking space ay kinuha muna ni Erin ang kanyang bag at naglagay ng kaunting make-up. Hindi kasi siya nakapag-ayos kanina dahil nakakahiya naman kay Vin kung paghihintayin niya ito ng matagal.

At kailan ka pa nahiya kay Vin, aber? Tudyo ng isang bahagi ng kanyang utak.

Pilit na tinanggal nalang niya ang naisip bigla.

"Okay ka na?" Tanong sakanya ni Vin nang pagbuksan siya nito ng pinto ng sasakyan.

Itinaas niya ang hintuturo sa harap nito habang naglalagay siya ng lipstick sa labi. Nang masigurong maayos at pantay na ang paglagay niya ng lipstick ay nginitian niya si Vin.

"Okay na." Sagot niya rito at bumaba na mula sa kotse. "Ayos lang ba ang hitsura ko?" Tanong niya sa lalaki.

Inilagay ni Vin ang dalawang daliri sa ilalim ng baba at tsaka siya tinignan na animo'y sinusuri siya. Natawa naman siya sa hitsura nito kaya tinulak niya ito ng mahina sa balikat. "Huwag ka na nga! Halika na." Sabi nalang niya at naunang naglakad.

Hindi naman nagtagal at naramdaman niya ang kamay ni Vin sa ilalim ng likuran niya. "Maganda ka."

Nilingon niya ito at kinurot ang tagiliran nito pero hindi naman madiin. "Oo na! Ililibre na kita ng pagkain mamaya."

Tumawa ng malakas si Vin. "Hindi ako nagbibiro!" Maya-maya'y humupa ang tawa nito at nanatiling nakangiti nalang hanggang sa makapasok na sila sa entrance kung saan hiwalay ang lane ng babae sa lalaki pero bago pumunta si Vin sa kabilang lane ay nagsalita pa ito.

"Lagi kang maganda sa mga mata ko, Erin." Nakangiting sabi nito bago lumipat ng kabilang lane.

Narinig niya ang impit na tili ng grupo ng mga babae sa may likuran niya at nakita rin niya ang pagngiti ng lady guard sakanya.

"Ang sweet naman ng boyfriend niyo, ma'am." Komento ng lady guard habang chine-check ang bag niya.

"He's not my boyfriend." Nakangiting sagot niya.

Nang matapos siyang kapkapan ay nakita niya si Vin na naghihintay sakanya. Inilahad nito ang sariling kamay at hindi naman siya nagdalawang-isip na kunin iyon. Ipinagsiklop ni Vin ang kanilang ma daliri. "Let's go?"

"Sige." Mahinang tugon niya habang nakatingin sa magkasiklop na mga kamay nila. Nagsimula na silang maglakad papunta sa movie house at hindi niya maiwasang sulyapan ang magkahugpong mga kamay nila ni Vin. Pakiramdam niya na para sa kamay ni Vin ang kamay niya.

Ay! Ano ba itong iniisip niya?!

"What movie do you want to watch?" Tanong ni Vin sakanya habang nakatingin sila sa malaking flat screen na pinapakita ang mga showing na movies.

It Might Be You [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon