"Hello Vin? Pwede ba pumunta ka sa unit ko? May sasabihin sana ako sa'yo."
"I'm sorry Erin, may emergency kasi sa work ko ngayon. I was just about to call you, may flight ako papuntang HongKong this evening."
Napakagat sa labi si Erin. Napaka-wrong timing naman ng emergency. Pero, sige.. hihintayin nalang niya ang pagbalik ni Vin.
"Okay, sige. Sa pagbalik mo nalang. Kailan ka pala babalik?"
"Sa isang araw lang nakabalik na ako. Pero ano ba ang sasabihin mo? Hindi ba pwede sa phone mo nalang sabihin?"
Bumuntong-hininga si Erin. Ang panget naman kung sa phone niya sasabihin. Tsaka baka kapag sinabi na niya ang gusto niyang sabihin, makaapekto ito sa trabaho nito sa HongKong. Makakapaghintay naman siya.
"Sa pagbalik mo nalang sa isang araw."
Sandaling hindi nagsalita si Vin sa kabilang linya. Akala niya ay naputol ang tawag nila pero narinig niya ang paghugot ng hininga nito.
"Is there something wrong?" seryoso ang tono nito.
Napalunok siya at huminga ng malalim. "Wala. Pagod lang ako." pagsisinungaling niya rito.
Sandaling hindi nagsalita muli si Vin. Alam niyang naghihinala na ito ngayon. Baka nga nahalata na nito ang pagkamalungkot ng boses niya kaya bago pa man ito magsalita ay inunahan na ulit niya ito.
"I'm fine, Vin. Pagod lang talaga ako. Don't worry about me." pinasigla na niya ang boses niya nang sa gayon ay hindi na ito magtanong pa.
"Sigurado ka? Hindi ko naman kasi maiwasan ang hindi mag-alala sa'yo Erin. Importante ka sa'kin."
Sa mga sinasabi ni Vin ngayon sa kanya, tila ba'y gusto niyang maiyak. Kinagat niya nang madiin ang ibabang labi para pigilan ang pag-iyak niya. Nararamdaman na niya ang pagdugo nito, pero wala siyang pakialam.
"Ako... ako rin, importante ka sa'kin. Basta magkita nalang tayo sa isang araw." sabi nalang niya.
"Okay. Ikaw ang una kong pupuntahan pagkabalik ko. Kumain ka ng maayos, Erin. Wala ako ng higit isang araw para ma-monitor ka."
Umirap siya habang sinasabi ni Vin ang litanya niya. He really sounds like her grandmother. Minsan naiinis siya kapag bine-baby siya ni Vin, pero right now...nagugustuhan na niya iyon. She feels so...loved.
"Vin, I'm old enough to take care of myself. Huwag ka nang mag-alala sa'kin."
"I told you many times, hindi mo maiaalis sa'kin ang pag-aalala sa'yo. Nakatanim na ata sa sistema ko iyon." she can hear Vin laugh softly on the other line making her smile.
"Sige na, goodnight na. Have a safe trip." paalam niya.
"Bye Erin, I'll miss you."
Siya naman ngayon ang natawa. "Para namang mawawala ako."
Sandaling natigilan si Vin sa kabilang linya. Nagtaka naman siya kung bakit? Hindi naman naputol ang tawag, hindi naman rin siguro nakatulog ito.
"Vin?"
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. "Hindi natin masasabi ang pwedeng mangyari. Just...just wait for me."
Tumango si Erin kahit hindi naman siya nakikita ni Vin. "Yes, hihintayin kita."
"Goodnight, Erin. I love you."
Napatakip ng bibig si Erin. Alam naman niyang nagsasabihan talaga sila ni Vin ng 'I love you' at alam na alam niya na platonic lang ang I love you's nila.
BINABASA MO ANG
It Might Be You [Fin]
Storie d'amoreBarkada Series #5: Vin Fortez Ano nga ba ang kaya mong gawin para sa mahal mo? Vin Fortez is Erin Romualdez's own Superman. Lahat ng kapritso nito ay pinagbibigyan ni Vin. Para kay Erin, paano nga ba malalaman na kaharap mo na ang taong para sa'yo...