Hindi parin umiimik si Vin kahit na kanina pa nakaalis si Leila. Ano ba ang problema nito? Simula nang sabihin niya sa harap nung Leola na iyon na girlfriend siya nito ay tumahimik nalang ito bigla.
Tama lang naman ang ginawa niya eh. Nasa harap rin sila ni Vaileen kaya kailangan din naman nila magpanggap nanaman bilang magkasintahan.
Kanina, gusto niyang tumawa ng malakas dahil sa naging reaksyon ni Leila nang sabihin niya na siya ang girlfriend ni Vin. Halata sa mukha nito ang pagkadismaya. She's a woman too. She knows when a woman likes a man. And she can tell that Leila likes her Vin.
Wait...
That came out wrong.
She can tell that Leila likes Vin.
Yeah... that's the right way to say it.
Mabuti nalang at madaldal itong si Vaileen kaya naman hindi masyadong tahimik ang table nila. Tinignan niya ng palihim si Vin at tahimik lang itong umiinom ng kape nito. Sumusulyap lang ito sakanya pero hindi na muli nagsalita.
"Ate, sabihin mo na kay kuya." bulong sakanya ni Vaileen.
"Kailan ba ang overnight mo?" bulong niya rin.
"Mamayang gabi."
Napakagat siya sa labi habang nag-iisip ng paraan kung paano kumbinsihin si Vin na payagan si Vaileen sa overnight nito. At seeing how Vin acts right now, mukhang mahihirapan pa siya.
She looked at her watch, it's still early pa naman. Kaya niya pang kausapin si Vin.
"Sige, I'll talk to him. Itetext kita para balitaan."
Ngumiti naman si Vaileen at mahinang napatili para hindi marinig ni Vin na may sarili ng mundo kasama ang kape nito.
"Thanks, ate. Sige, mauna na ako para makausap mo si kuya." sabi nito sabay tayo mula sa upuan. "Kuya! Alis na ako ah! Nagpasundo na ako sa driver. Bye!"
Hindi na nakasagot pa si Vin dahil mabilis na nawala si Vaileen sa café. Napapitlag siya nang magsalita na si Vin sa wakas.
"So, girlfriend huh?" nakangising sabi nito sakanya.
Tumaas ang kilay niya. "What? Hindi ba?"
Vin looked shocked but managed to keep his face normal again. "Akala ko ba, magpapanggap lang tayo sa family mo?"
Tumaas ang sulok ng labi niya at dinugtungan ang sinabi nito. "And family mo, nandito si Vaileen kanina 'di ba? Looks like, you're pretty occupied with your damsel in distress."
Kumunot ang noo ni Vin sa sinabi niya. "Damsel in distress? Are you talking about Leila?"
She made a face to him. "Duh. Alangan naman ako at si Vaileen, 'di ba?"
Vin leaned back to his seat and crossed his arms. "Aba, nagseselos ba si Ellen Rae Romualdez?"
Napanganga siya sa sinabi nito. Siya?! Nagseselos? Huh! As if!
"Kapal ah!" iyon lang ang nasabi niya at inirapan nalang ito.
Hindi naman na nagkomento si Vin pero malaki ang ngiti nito sa mukha. Obviously, hindi nito tinanggap ang pagtanggi niya. Bahala nalang ito sa buhay niya. Basta hindi siya nagseselos!
Hindi nga ba?
Nainis siya dahil umepal naman ang isang bahagi ng isip niya.
No! Hindi siya nagseselos. Period!
Tinignan niyang muli si Vin at nahalata niya na okay na ito kaya naman sinubukan na niya itong kausapin.
"Vin..." nagsisimula palang siyang magsalita nang unahan na siya ni Vin.
"Vaileen asked you for that overnight thing?" then he turned to her. Uh-oh, serious face again. Sa totoo lang, ayaw niyang nakikita si Vin sa serious face nito. Iilang beses niya palang ito nakikita sa serious face nito, one is when there are problems in his work and two is when he's scolding her. Ngayon, may dagdag na sa mga reasons na ginawa niya.
"Oo, payagan mo na kapatid mo. Malaki na iyon, and I think she learned her lesson naman na."
Huminga ng malalim si Vin pero naroon parin ang serious face nito. "The answer is still no, Erin. Sorry."
Bumuntong-hininga siya. Tinabihan niya si Vin at inihilig ang ulo sa balikat nito. Naramdaman niyang huminga muli ng malalim si Vin. Napangiti siya, mukhang alam na nito ang ginagawa niya.
"Erin, hindi uubra sa'kin ang paglalambing mo. It's still a no."
Tinignan niya si Vin, hindi ito nakangiti pero she can see amusement in his eyes. "Bakit ba kasi ayaw mo payagan si Vai? She's eighteen already. Hindi na dapat pinaghihigpitan masyado, baka mamaya magrebelde iyan."
"The last time na naging maluwag kami sakanya ay naging party animal ito to think she's just sixteen that time."
"Hay!" yumakap siya sa braso ni Vin at inihilig muli ang ulo sa balikat nito. "Alam mo, we all deserve second chances, huwag mo naman ipagkait iyon kay Vai. Okay, ganito nalang. Payagan mo na si Vai sa overnight niya but set some conditions and rules she has to follow. In that way, nakuha niya ang overnight niya at ikaw may panatag na ng loob."
Alam naman niyang kaya hindi mapayagan ni Vin si Vai ay dahil nag-aalala lang ito sa kapatid. Kahit naman siya ay nag-aalala kay Vai, wala kasi siyang kapatid na babae, pinsan meron pero gumaan na rin kasi ang loob niya kay Vaileen.
Narinig niyang bumuntong-hininga si Vin.
"Naiinis talaga ako kapag kinukuntsaba ka na ni Vaileen. You always say things na nakakapagpabago ng isip ko."
She looked at Vin again, halatang iritado ang mukha nito pero alam niyang hindi totoo iyon.
"Kasi nga, mahal mo ako!" biro niya rito.
Tinignan siya ng diretso ni Vin at ilang sandali lang ay may sumilay na ngiti sa labi nito. Kinabig siya nito at hinalikan sa noo. "Oo na, mahal kasi kita."
Napangiti siya nang sambitin iyon ni Vin sakanya. Wala namang malisya sakanya iyon. Madalas kasing sabihin ni Vin na mahal siya nito noon pa. Nung una niya iyon sinabi, nagulat talaga siya akala niya kung ano ang ibig sabihin nito pero iyon pala ay mahal siya nito bilang kaibigan. Nakahinga siya ng maluwag noon akala niya kasi ay totoong mahal siya nito. Hindi niya alam kung paano iha-handle ang ganoong sitwasyon.
Pero ngayon... bakit nalungkot siya sa kaisipang mahal lang siya ni Vin bilang kaibigan?
Is she inlove with Vin already?
-----------
Short Update. I need to review pa eh. :)
Vote and Comment please.
Follow me @kendeyss (twitter/instagram)
BINABASA MO ANG
It Might Be You [Fin]
Storie d'AmoreBarkada Series #5: Vin Fortez Ano nga ba ang kaya mong gawin para sa mahal mo? Vin Fortez is Erin Romualdez's own Superman. Lahat ng kapritso nito ay pinagbibigyan ni Vin. Para kay Erin, paano nga ba malalaman na kaharap mo na ang taong para sa'yo...
![It Might Be You [Fin]](https://img.wattpad.com/cover/18153682-64-k827683.jpg)