Thirteen

70.5K 1.2K 101
                                    

PLEASE READ: Hi guys! Gusto ko lang po sabihin na na-postponed ang Pa-game ng mga admin ko sa FB Group kasi nawalan ng kuryente si Ellaine. Haha. So, ipagpapatuloy po ang game this Saturday ata. 8pm parin. For more info, punta nalang po kayo sa group ko. YGDARA STORIES WATTPAD.

Lumaki po ang prizes! FIRST PRIZE ATA AY NAGING 200pesos load plus a chance to be the next heroine/hero sa next story ko. Sali po kayo sa Saturday! Be sure na online kayo ng 8pm :)

Thanks po pala sa mga comments niyo last chapter. Karamihan ay ito ang sabi. "Sana may isang VIN din ako sa buhay." hahaha! I know right! Sana ako rin! :D

---------

Isang mainit na palad ang humawak sa kamay ni Erin na nagpakalma sakanya. "Okay lang ba talaga sa'yo ito?" Tanong niya.

Isang ngiti ang isinagot ni Vin sakanya. "Kinakabahan ka parin? Ang tagal na natin itong ginagawa, kinakabahan ka parin." Biro sakanya ni Vin.

Nandito ulit sila sa compound ng mga Romualdez dahil family day nila ngayon. Hanep din kasi itong Lola Gertrude niya dahil sa mga naiisip nito. Hindi naman sila nagrereklamo dahil masaya naman ang Lola nila. Kaya nga kahapon ay tinawagan siya ng Tita Vickie niya at pinaalala ang family day nila at isama nga raw niya si Vin sabi daw ng Lola niya.

Halos magdadalawang buwan narin nilang pinaninindigan ang pagiging magkasintahan nila ni Vin sa harap ng pamilya niya at sa pamilya nito at hindi niya alam kung hanggang kailan nila gagawin ang pagpapanggap nila.

"Tulala ka nanaman. I told you several times to stop overthinking. Just enjoy every single day without thinking too much." Sermon sakanya ni Vin.

Napapalatak siya at bumuntong-hininga. Tama ito, bakit ba kasi lagi nalang siyang nag-iisip kung ano ang mangyayari bukas o sa mga susunod na araw? Tamang-tama si Vin. Well, lagi naman talaga itong tama.

"Halika na." Nakangiting aya niya na rito.

Hinawakan naman siya ni Vin sa kamay. "Let's go. Namimiss ko na si Lola!" Masayang pahayag nito.

"Minsan talaga, iniisip ko kung sino ba sa ating dalawa ang apo ni Lola eh. Mukha kasing mas hinahanap ka na niya kesa sa'kin." Irap niya rito.

Humalakhak naman si Vin sa tabi niya habang naglalakad sila at naramdaman niyang mas humigpit ang hawak nito sa kamay niya. Nagulat siya nang bigla siya nitong hilahin para yakapin ng patagilid at halikan sa may ulo. "Okay lang iyon. At least sa'kin ikaw lang ang hinahanap ko."

Natigilan siya sa sinabi ni Vin. Biglang nakaramdam siya ng kung anong kalabit sa puso niya tapos tila'y may mga paru-parong nagwawala sa loob ng tiyan niya. Lagi nalang ganito ang nararamdaman niya sa tuwing may sinasabi si Vin na ikinakikilig niya.

Para matago ang kilig niya ay siniko niya ito sa tagiliran. "Umayos ka nga." Masungit na sabi niya rito.

Hindi naman na sumagot pa si Vin at nanatiling nakahawak lang ito sa kamay niya ng mahigpit hanggang sa makapasok na sila sa loob ng covered court sa loob ng compound nila. Dahil nga halos lalaki ang nasa pamilya nila ay naisipan ng mga ito na gawing covered court nalang ang bakanteng lupa sa may tabi ng bahay ng Lola Gertrude niya at doon nga nagpapalipas oras ang mga lalaking pinsan niya maski narin ang mga tito niya.

Pagkapasok na pagkapasok nila ay rinig na rinig na ang tawanan ng mga pinsan niyang lalaki. Ang mga tito't tita nila ay nasa gilid at nag-aayos ng mga pagkain.


"Vin hijo!" Masayang tawag ni Lola Gertrude nang makita sila ni Vin. Inirapan niya si Vin dahilan upang matawa ito.

Lumapit ang lola niya sakanila at niyakap kaagad si Vin.

It Might Be You [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon