It should be just an ordinary day for Erin ngayon sa café niya pero hindi ata ngayong araw.
"Ma'am, hindi na po kasya iyong iba." nakangiwing sabi sakanya ng guard sa café niya.
Huminga siya ng malalim. "Ilagay mo lang sa tapat ng café. Ipahilera mo ng maayos para hindi maistorbo ang mga customers." bilin niya sa guard.
Napapindot nalang si Erin sa nose bridge niya. Inis na kinuha niya ang cellphone at tinawag ang may salarin sa nangyayari sa café niya.
"Hello?" sagot ng nasa kabilang linya.
"Vicente Fortez!!! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" bulyaw niya rito.
"Uhm, nagtatrabaho?" sagot nito pero alam na alam niyang nakangisi na ito sa kabilang linya.
"Ha-ha-ha. Answer me!" naiinis na siya.
"Do you like them?" tanong nito.
Huminga siya ng malalim. Walang mangyayari kung bubulyawan niya lang ito sa kabilang linya. Napatingin siya sa kabuuan ng café niya. Napapikit siya ng mariin nang magmistulang flower shop ang café niya. May mga lobo pa ang iba.
Kanina nang dumating ang magdedeliver ng bulaklak ay natuwa siya kasi inabutan siya nito ng isang bouquet ng lilies. Kaya lang biglang nagsipasukan ang iba pang kasama nito at sandamukal na mga bulaklak ang ipinasok.
"Vin, dapat isa lang ang ibinigay mo. Hindi iyong buong flower shop!"
Narinig niyang natawa si Vin sa kabilang linya. "Sorry. I just want to shower you with flowers. Iba't ibang klase iyang mga binigay ko para sa'yo, with different meanings too."
Napapalatak siya. "You don't have to do this."
"But I want too." naging seryoso na ang boses nito. Shocks! Sobrang manly talaga ng boses ni Vin lalo na kapag nagseseryoso na. It really sounds so sexy, iyong animo'y sineseduce ka.
"Hindi iyong ganito kagarbo. Ano ngayon ang gagawin ko sa mga bulaklak na ito?"
May panghihinayang siya sa dami ng bulaklak. Malalanta lang ang mga ito.
"Ikaw na ang bahala. Sa'yo ang mga iyan."
Inis na napapalatak nanaman siya. "Kasi eh! Ako tuloy ang namomroblema! Hindi mo kasi talaga kailangan gawin ito!"
"I've told you many times that I want to do this. I've warned you, 'di ba? Liligawan kita kaya humanda ka sa mga gagawin ko."
"Oo na, oo na. Ako na talaga ang bahala sa mga bulaklak? Ibalik nalang kaya natin sa flower shop na pinagbilan mo?" tanong niya.
"They won't accept refunds. Sige na Erin, I have to go. I hope you liked the flowers. Bye! I love you!" sabi nito tapos ay ibinaba na ang tawag.
Bumuntong-hininga si Erin. Pwede naman kasing isang bouquet lang ang ibigay nito eh. Naiinis siya kasi nagaaksaya ito ng pera sa mga hindi naman kailangan. Mabilis na nag-type ng message si Erin.
To: Vin Fortez
Hey. Thanks for the flowers. I love them. Kaya lang next time, a bouquet will do. :)
Pagkatapos niyang mai-send ang message ay tinawag niya muli ang guard.
"Bigyan mo ng mga bulaklak ang mga babaeng customers natin."
Kesa naman itapon niya o hayaang malanta ang mga bulaklak na bigay ni Vin, ibibigay nalang niya ang mga iyon sa mga customers. Kumuha lang siya ng isang piraso sa bawat arrangement ng bulaklak then pinatulong niya ang ibang crew niya sa guard para ipamigay na ang mga bulaklak. Kinuha niya ang bouquet niya ng lilies at pumasok na sa loob ng office niya sa café.
BINABASA MO ANG
It Might Be You [Fin]
RomanceBarkada Series #5: Vin Fortez Ano nga ba ang kaya mong gawin para sa mahal mo? Vin Fortez is Erin Romualdez's own Superman. Lahat ng kapritso nito ay pinagbibigyan ni Vin. Para kay Erin, paano nga ba malalaman na kaharap mo na ang taong para sa'yo...