"Congratulations Ms. Romualdez, you're two and a half weeks pregnant."
Napasinghap si Erin sa narinig na balita mula sa OB niya. Tears started to form in her eyes. She immediately placed her hand on top of her tummy and tried to feel the life inside it.
She can't believe it. May baby na siya. Sila ni Vin. There's a life growing inside her. Magiging mommy na siya. Is she ready? Maybe not yet but she is sure she is happy.
"Congrats, couz! Naunahan mo pa ako!" bati sakanya ni Polly.
Kaninang umaga nang magsuka siya after smelling the food her cousin brought her, natigilan siya nang tanungin siya ni Polly kung buntis ba siya. Doon niya lang naalala na lagi siyang nahihilo at antukin. First time niyang masuka nung naamoy niya lang ang pagkain na dala ni Polly. Hindi nga niya napansin na delay na pala siya kasi irregular naman talaga siya.
"Please take care of yourself more. Eat properly and healthy. Huwag kang magpuyat, and also take some vitamins na irereseta ko sa'yo. Also, every month come back for your check-up." bilin sakanya ng doctor.
Tumango nalang siya at hinayaang si Polly na ang bumili ng mga nireseta sakanya ng doctor habang siya ay nakaupo lang sa benches na nakalagay sa may hallway habang hinihintay si Polly na bumalik.
Iniisip niya, sasabihin niya ba kay Vin? Dapat lang naman, 'di ba? Ito ang ama. Pero paano niya sasabihin? Galit ito sakanya, galit rin siya rito at galit din siya sa sarili niya. Masyadong marami ang iniisip niya. Maraming nagpapagulo sa mga desisyon niya.
"Halika na at kumain na tayo. Narinig mo naman ang doctor, kailangan mong kumain ng tama. Ayokong lumabas ng may sakit ang pamangkin ko." sermon sakanya ni Polly.
Napangiti siya sa pinsan. Who would thought that Polly - her number one rival in the family - would turn out the only pillar that she can lean to right now? Napakamaalaga ng pinsan niya sakanya. Kahit na hindi parin nito maiwasan ang pagsusungit, still she can see that she's only looking after her. Tsaka isa pa, immune na siya sa kasungitan ng pinsan niya. Pareho nga sila kasi.
Dahil masyado nang late, kaya naman pinili nalang nila kumain sa pinakamalapit na restaurant na nakita nila. They ordered so much food to think na dalawa lang naman silang kakain. She loved the smell of the lemon that was squeezed to her salad. She hated the smell of cheese in Polly's dish kaya naman pinatanggal iyon nila.
"Kailan mo sasabihin na buntis ka?" tanong ni Polly.
"Kanino?"
Polly rolled her eyes. "Kanino pa ba?"
She shrugged.
"You need to tell Vin, Erin. Anak niya rin iyan. Dapat siya ang nag-aalaga sa'yo, hindi ako."
She sighed. "Polly, kung ayaw mo naman na ako patuluyin sa unit mo sabihin mo lang naman. Aalis naman ako eh."
Biglang nawalan siya ng gana kumain pero pinagpatuloy parin niya dahil kailangan niyang bigyan ng laman ang tiyan niya dahil dalawa na sila ng baby niya. Hindi lang ang sarili niya palagi ang dapat isipin niya.
Napakamot sa ulo si Polly. "Hindi naman sa ganoon, Erin. Wala akong reklamo, pero si Vin dapat ang nasa tabi mo."
"Pero wala siya."
"It's because you pushed him away. And you kissed a random guy infront of him and it was a childish act, by the way."
"Alam ko. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at biglang hinalikan si Baro."
Napabuntong-hininga si Polly. "But still, you need to tell Vin. He deserves to know. The baby needs a father."
"I know." mahinang sagot niya.

BINABASA MO ANG
It Might Be You [Fin]
RomantizmBarkada Series #5: Vin Fortez Ano nga ba ang kaya mong gawin para sa mahal mo? Vin Fortez is Erin Romualdez's own Superman. Lahat ng kapritso nito ay pinagbibigyan ni Vin. Para kay Erin, paano nga ba malalaman na kaharap mo na ang taong para sa'yo...