Forty

81.4K 1.5K 71
                                        

Pinakiramdaman ni Erin ang malambot na telang dumausdos sa katawan niya. The smooth fabric feels smooth. The cuts of each fabric were perfectly done in order to make her gown suits her well.

"Ang ganda mo couz." puri sakanya ng pinsang si Polyanna.

Nginitian niya ito at tinignan ang sarili sa salamin. She also smiled at her reflection before turning to Polyanna.

"Thanks couz. Mas maganda ka."

"Nagbolahan pa kayong dalawa diyan." singit ng lola nilang si Gertrude.

Mas lalo silang natawang dalawa nang irapan pa sila ng lola nila. May kinuha lang ito sa loob ng kwartong bi-nook nila sa isang hotel dahil mas malapit ito sa simbahang paggaganapan ng kasal.

"Ready ka na?" tanong ni Polly sakanya.

"I think so." kinakabahang sagot niya.

Huminga ng malalim si Polly. "It's time."

Ngumiti siya at tumango rito. Sabay silang lumabas ng kwarto at bumaba na sa lobby ng hotel kung saan naghihintay sakanila ang bridal car. Marami siyang naririnig mula sa mga tao sa lobby na nagcocongratulate. May mga nakita rin siyang mga pumapalakpak at kumukuha ng litrato.

Mga fifteen minutes ay narating na nila ang simbahan kung saan gaganapin ang kasal. Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ni Polly. Kumatok sa kotse ang wedding coordinator na si Toni.

"Bumaba na kayo. Nakaayos na ang entourage, kayo nalang ang kulang." nakangiting bilin nito.

Dahan-dahan siyang bumaba sa kotse dahil narin sa pag-iingat na baka madapa siya sa gown niya. Kasunod niya si Polly na inaayos ang bulaklak nito kaya naman hinintay niya ito.

"Ayusin mo ang hair piece mo! Tabingi!" sabi sakanya ni Polly.

Natawa siya sa pagkakataranta nito pero para hindi na ito ma-stress ay iniayos na niya ang hair piece niya.

"Okay! Places everyone!" sigaw ni Toni bago buksan ang pintuan ng simbahan at isa-isa nang naglakad sa aisle ang mga abay.

When it's her turn already, isang malalim na hininga muna ang ginawa niya at tsaka dahan-dahang naglakad palapit sa altar. The moment she stepped inside the church, her eyes automatically found a set of dark brown eyes intently looking at her. Hindi rin niya magawang alisin ang titig niya rito. True in fact that Vin is the most handsome man inside the church, for her obviously.

She smiled when Vin smiled at her and mouthed 'I love you'. She can't help but to giggle at his cute act. Gusto niya sanang yakapin ito at pugpugin ng maraming halik kaya lang kinailangan niya nang lumiko sa kaliwang bahagi ng simbahan, opposite at Vin's side.

Tumayo ang lahat nang nag-iba na ang musika at tumugtog ang paboritong kanta ni Polyanna na "My love".

Nakita niya ang kasiyahan sa mukha ng pinsan. Natuwa siya nang ibalita sakanya nito na siya ang napiling maid of honor ng kasal nila ni Bobby. Saksi siya kung paano plinano ng pinsan ang pinakaimportanteng araw sa buhay ng mga ito. Kahit na ba na nagkaproblema siya, hindi parin siya iniwan ng pinsan.

Polly is so beautiful in her wedding dress. Simple lang ito just like the way her cousin likes it. May flower crown itong suot na may white lace tail na aabot lang hanggang kalahati ng likod nito. Ayaw ng pinsan niyang may belo dahil baka raw madapa ito.

She turned to Bobby who was smiling at his cousin. May hawak itong panyo na ginagamit upang punasan ang butil ng pawis sa mukha at natawa siya nang mahuli niyang pinunasan nito ang mga mata na sa hula niya ay umiiyak ito.

Napahawak siya sa kanyang tiyan na magiisa't kalahati na. Hindi niya mapigilang mainggit sa pinsan niya dahil kasal na ito sa lalaking mahal nito.

It Might Be You [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon