Twenty-seven

62K 1.3K 90
                                    

Sorry guys. Busy ako sa school kahit tapos na ang midterms ang daming projects. VB, SQL, HTML, Animation. Ang sakit sa utak po. Hahaha

Well, graduate naman na si Vin sa pagiging torpe eh. Hahaha. Hope you'll like this chapter. Don't forget to leave your COMMENTS. ;)

------------

Maagang tinapos ni Vin ang mga naiwan niyang mga trabaho sa opisina pagkatapos ay mabilis na umalis para umuwi at makapagpalit muli ng damit.

Tinext niya muna si Erin.

To: Erin Romuladez

Hey, pretty! I'll pick you up in an hour. I love you.

Habang tinatype ang message niya ay hindi maialis sa mukha ni Vin ang ngiti niya. Masayang-masaya siya ngayong nailahad niya na ang matagal na niyang nararamdaman kay Erin. Nakahinga siya ng maluwag nang hindi naman siya iniiwasan ni Erin.

Pero hindi ka mahal ni Erin.

Inialis niya ang biglaang pumasok sa isip niya. Eh ano ngayon kung hindi pa siya mahal ni Erin? He will make her fall for him deeply. Tutal, inamin naman ni Erin sakanya na nahuhulog na ito sakanya. Iyon naman ang importante 'di ba? Kahit papaano, may nararamdaman ito sakanya.

Bago puntahan si Erin ay napagdesisyunan niyang dumaan muna sa flower shop para bilhan ito ng bulaklak. Pagkatapos ay tsaka na niya sinundo si Erin.

--------

Huminga ng malalim si Erin nang may mag-door bell na sa unit niya. Alam niyang si Vin na iyon. Nakapag-ayos na siya at pinili niyang magsuot ng isang ivory long sleeve dress dahil gabi na at medyo malamig na ang panahon. Hinayaan niya lang ang bukok niya na nakalugay na aabot lang hanggang braso niya. She just applied some powder, fixed her eyebrows and lipstick.

Isa pang doorbell ang nagpapitlag sakanya. Kinuha niya ang bag niya at inisang pasada pa niya ng tingin ang kanyang sarili. Nang makuntento na ay lumabas na siya sa kanyang kwarto at pinagbuksan si Vin na sobrang gwapo sa suot nitong black V-neck shirt na may nakapatong na coat at cream-colored cargo pants. May hawak itong isang bouquet ng paborito niyang bulaklak na lilies.

"For the pretty lady infront of me." nakangiting bigay sakanya nito ng bouquet.

Masayang tinanggap niya iyon at kahit na nahihiya siya ay hinalikan niya si Vin sa pisngi bilang pasasalamat.

"Bakit?" nagtatakang tanong niya rito nang hindi man lang nagsalita pa si Vin nang halikan niya ito.

Hindi kaya nito nagustuhan ang ginawa niya?

Did she went overboard by kissing him?

She looked down the floor because of what she thought. But a soft hand caressed her cheek and tilted her head just to see a pair of dark-almond eyes looking at her intently.

Ilang sandali lang ay tinawid ni Vin ang pagitan ng kanilang mga mukha at hinalikan siya sa labi ng mabilis. Kusang pumikit ang kanyang mga mata nang tumama na ang malambot nitong labi sakanya.

"Napakasaya ko Erin. Sobrang saya ko dahil kasama kita ngayon." bulong nito sa kanya.

Napatitig lang siya sa maamong mukha nito. He's caressing her cheeks while saying those words. His touches just send multiple sensations to her body.

"Next time, sa labi mo na ako halikan para mas masarap." nakangising sabi nito.

Feeling niya namula ang mukha niya sa sinabi nito. Pinalo niya ito sa balikat. "Ang manyak mo!"

Vin's chuckles just made her stare at him. Ang dimple nitong lumalabas sa isang pisngi, ang pagpikit ng mata nito sa pagtawa. Tila ba slow motion lahat ng nakikita niya ngayon, hanggang sa tumigil sa mukha niya ang titig nito.

It Might Be You [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon