Thirty-eight

67.2K 1.4K 183
                                    

Tatlong linggo na ang nakakaraan magmula nang umalis si Erin. Tatlong linggo narin naghahanap si Vin sa kasintahan. Tinrack niya na ng ilang beses ang phone ni Erin pero wala siyang nakuha. Pati ang kotse nito ay nasa parking lang ng condo building nito. Makailang beses narin siyang naghintay magdamag sa tapat ng unit nito pero walang tao. Nang magtanong siya sa guard ay ang sabi lang nito, matagal na raw na hindi umuuwi si Erin.

Pati sa compound ng mga Romualdez ay hinanap niya si Erin. Nagulat pa nga ang mga ito na nagkaproblema sila ni Erin at sinuguro naman siya na tatawagan siya kung pupunta doon si Erin.

"Pahinga ka na muna, pare." sabi sakanya ni Marco na nagprisintang samahan siya sa maghanap kay Erin na madalas nitong tambayan.

Umiling siya. "Hindi ako pwede tumigil."


Tinapik siya ni Marco sa balikat. Kasalukuyan kasi silang kumakain sa isang fastfood dahil tanghali na. "Baka magkasakit ka."

Natawa siya. "Baka magselos sa'kin si Adie kapag narinig niya iyang sinabi mo. Sensitive pa naman ang buntis."


Nakwento nga nito na buntis si Adie ng dalawang linggo na. Pati si Mitch ay buntis narin kasabayan ni Adie. Nakaramdam siya ng inggit sa mga kaibigan. Siya kaya? Kailan kaya siya magkakapamilya kay Erin?


Desidido siya na kay Erin niya gustong magkapamilya. Parang nakatatak na sa puso't isip niya na kay Erin na ang future niya.


"Ulol mo. Nag-aalala lang din kaming mga kaibigan mo. Seryoso pare, kung pati sarili mo pababayaan mo...paano mo mahahanap si Erin?"

Napabuga siya ng hangin. "Tanga ko kasi eh."

"Bobo rin." pagdadagdag ni Marco.

Sinamaan niya ito ng tingin.

Itinaas nito ang magkabilang kamay. "Totoo naman. Huwag mong ikaila."

Napabuntong-hininga siya. "Oo na. Ilang beses nang ipinagduldulan ng mga asawa ninyo sa mukha ko iyan."

Kinuha nito ang fries at isa-isa nang sinubo. "Alam mo kasi Vin, problema sa'yo, masyado kang mabait na sa sobrang bait mo naaabuso na. Oo na, ganoon ka nga pinalaki pero pare, hindi ka santo. May limitasyon din dapat. Oo nga at sobrang bait mo pero iyang lintik na kabaitan mo ang sisira sainyo ni Erin."


Napabuntong-hininga nanaman siya. Ilang beses na ba niya narinig ang mga salitang iyan? Maski mula kay Erin ay narinig na niya na sa sobrang bait niya ay naaabuso na siya. Pero hindi naman kasi niya nararamdaman iyon. Pero tama nga sila, napagtanto niyang tama ang mga kaibigan niya at si Erin lalo na nang makita niyang maglumuhod si Leila sa harapan niya para lang mahalin niya ito.


He thought it was a desperate move. Pero inspite of that, naaawa siya kay Leila. Alam niyang hindi ito inlove sakanya. She was just blinded by his 'prince charming' image na handang sumagip sa bawat damsels in distress, which he is not. Maybe Leila craves for someone that will love and respect her unlike her ex-boyfriend who hurt her physically and emotionally.


Hindi nga lang siya iyong lalaking iyon. Dahil na kay Erin na ang puso niya. Erin is a fine and independent woman. She knows what she wants. She sometimes acts like a man and thinks like a woman. She knows when to be nice.

"Hoy! Vin! Kanina pa may tumatawag sa'yo." untag sakanya ni Marco.

Tinignan niya ang phone niya at sinagot.

"Hello?"

"Vin,pwede bang mag-usap tayo? Magkita tayo sa Flaming Wings."

------------

It Might Be You [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon