Thirty-seven

70.1K 1.4K 168
                                    

Please Read: Hi guys! Pwede po ba favor?

Sino po ang mga highschool students? Maaari po bang i-message niyo sakin yung mga title ng mga books ninyo kasama na ang author at publisher? Please! Kailangan ko po kasi sa library system na ginagawa namin. 100 records ang need. Thank you guys!

Or kung may college students at may naitago kayong book ninyo nung highschool, pwedeng pamessage din po sa'kin. It will be a big help po talaga. Thank you po!!!

--------------


Inip na inip na nakaupo si Erin habang hinihintay ang mga kaibigan niyang matapos sa salon na kinaroroonan nila.

Kung bakit naman kasi lahat ata ng services ng salon na ito ay inavail nilang apat. Siya kasi simpleng manicure,pedicure at hair spa lang ang inavail kaya heto siya at inip na inip na nakaupo sa waiting area habang iniinom ang tea na bigay ng receptionist sakanya.

"Ang tagal niyo naman!" reklamo niya sa mga kaibigan.

"Maghintay ka diyan. Sabi kasi sa'yong magpa-foot spa ka na rin at magpakulay ng buhok! May discount naman kasi tayo." sagot ni Mitch sakanya habang nasa bino-blowdry ang buhok.

"Eh ayoko eh." sabi nalang niya at muling sumimsim ng tea niya. Inabala nalang niya ang kanyang sarili sa pagbabasa ng mga magazines na nakita niya.

Hindi naman nagtagal ay umupo na sa tabi niya si Colyn. Nakahinga siya ng maluwag. Sa wakas, tatlo nalang ang hihintayin niya.

"Mukhang inip na inip ka na ah." puna sakanya ni Colyn.

"Malamang naman kasi 'di ba? Ikaw ang maghintay ng dalawang oras." irap niya rito.

Natawa si Colyn sa inasal niya. "Grabe ka naman. Dati naman kasi kapag salon day natin, ikaw pa ang nahuhuli kaya."

"Wala naman na kasi ako kailangang ipaayos. Maganda na kasi ako."

Hinila ni Colyn ang buhok niya dahilan para mapasubsob siya sa hita nito. "Aray! Masakit ah!"

"Ang yabang mo kasi. Bakit ba parang nagmamadali ka?" takang tanong nito sakanya.

"Baka namimiss na ang boyfriend." singit ni Adie na hinihipan-hipan pa ang bagong manicure na mga daliri.

"Eh, ano naman kung namimiss ko nga si Vin? Kayo ba hindi niyo namimiss ang mga asawa niyo?"

"Hindi." sabay na sagot ng dalawa na ikinagulat niya.

"Anong klaseng mga asawa kayo?!"

Tinawanan naman siya ng dalawa. "Erin, sa twenty-four hours naming magkasama ni Jeremiah siyempre minsan nagsasawa rin ako sa pagmumukha nun kaya nga may salon day tayo at girl-bonding day, 'di ba? Kailangan ko naman rin ng oras para sa sarili ko."

"Tsaka kakikita palang namin ng love ko kanina, kaya bakit ko siya mamimiss kaagad? Kailangan din naman ng mga lalaki ng oras para sa sarili nila, sige ka baka sa sobrang clingy mo, pagpalit ka ni Vin." takot sakanya ni Adie.

Bigla naman siyang natigilan. Hindi naman siguro siya ipagpapalit ni Vin. Sira-ulo lang talaga si Adie.

"Joke lang, Erin ah. Baka seryosohin mo." sabay bawi ni Adie at binuntutan ng tawa.

Inirapan niya ito. "Sira-ulo ka. Mahal ako ni Vin." sabi niya.

-------------

Halos piting oras silang nasa salon dahil kay Mitch. Ang tagal ng babaeng iyon! Nagpa-rebond pa kasi kaya halos pagabi na ng makalabas sila sa salon.

It Might Be You [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon