Thirty-one

61K 1.2K 59
                                    

"Good Afternoon, sir Vin."


"Good Afternoon, Emie." ganting bati ni Vin sa empleyada.


"Sir Vin! Ninong kayo ah?" Inabot sakanya ni Ron - isa sa mga empleyado rin niya - ang isang invitation. Marahil siguro'y binyag na ng anak nito, nabalitaan niya kasing nakapanganak na ang asawa nito noong nakaraang buwan.



"Oo ba. Pero titignan ko kung makakarating ako, kung hindi man ay magpapadala nalang ako ng proxy ko." nakangiting sagot niya rito.


"Have a nice day ahead, sir." nakangiting bati sakanya ni Kyla nang madaan siya sa cubicle nito.


"Have a nice day too, Kyla." bati niya rin.



"Grabe! Ang gwapo talaga ni Sir!"


"Truelalu, sister! Sobrang bait pa!"


"Kaya nga hindi ko maiwan itong trabaho ko eh, bihira lang ang boss na sobrang gwapo at ang bait pa!"


Napangiti nalang si Vin sa narinig na usapan ng mga empleyado niya. Nang nasa pumasok na siya sa opisina niya ay agad siyang sinalubong ng sekretarya niya.


"Sir, nandiyan na po si Mr. Ford and Mr. Joaquin."


Tumango na siya. "Okay, please send us some coffee."


Tinignan niya na muna ang phone niya bago pumasok sa conference room kung saan naghihintay sina Dylan at Baro. Kanina pa niya tinext si Erin pero hindi ito nagrereply, kahit na tinatawagan niya ito ay hindi ito sumasagot. Kagabi pa niya ito sinusubukang kontakin pero wala siyang nakukuhang sagot. Hindi niya tuloy mapigilang isipin na baka iniiwasan na siya nito dahil sa nangyari sakanila sa loob ng opisina nito sa café noong isang araw.


Bigong itinago niya muli ang kanyang phone sa bulsa at pumasok na sa opisina. Pag-uusapan lang naman nila ang tungkol sa deal nila na ang kompanya niya ang magsusupply ng mga kakailanganin sa security system sa mga bagong tayong hotels ni Dylan at si Baro ay isa sa mga major stockholder ng kompanya ni Dylan kaya ito kasama. Kahit na hindi parin siya masyadong palagay kay Baro, ika nga nila business is business.



"Ang tagal, leche!" bungad sakanya ni Dylan na nakaupo sa lamesa.


"Get off of my table, Dylan. Let's start." sabi niya.


"Vin?" tawag ng isang babaeng boses sakanya.


Nilingon niya ang pwesto ni Baro at nagulat siya nang makita niya si Leila sa tabi nito.


"Leila." he acknowledged her.


"Magkakilala kayo?" takang tanong ni Baro.


He saw Leila tugged Baro's arm. "Kuya! Siya yung sinasabi ko sa'yo na prince charming ko."


Napansin niyang mabilis na tinignan siya ni Dylan na may paglalaro sa mata nito. He cleared his throat bago pa mapasukan ng kung ano'ng false information ang utak ng kaibigan. Baka isumbong pa siya kay Mitch at makarating kay Erin.



"It's just one time. Tsaka kahit siguro namang makakita ng ginawa sa'yo ng boyfriend mo ay gagawin din ang ginawa ko."



Nagulat siya nang mabilis na nilapitan siya ni Leila at hinawakan ang magkabilang kamay niya. "But still, you're the one who saved me! Oh my God! Buti nalang pala sumama ako sa pinsan ko, nagkita tayo. This must be destiny."


Biglang nasamid si Dylan kaya napatingin sila rito. "Don't mind me, go on." sabi nito at ikinumpas ang kamay.


Bumalik ang atensyon niya kay Leila na hawak parin ang mga kamay niya. Dahan-dahan niyang binawi ang kanyang mga kamay. "Uh, it's nice seeing you too, Leila."


It Might Be You [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon