Prologue

130K 1.7K 72
                                    

Masayang nagke-kwentuhan si Vin at ang kanyang mga kaibigan sa loob ng restaurant na pagmamay-ari ng kaibigan niyang si Jeremiah Santillan.

"Pakshet! Ikakasal ka na? Ikaw? Talaga?" Hindi paring makapaniwalang sabi ni Mico kay Dylan. Iiling-iling pa ito habang sumusubo ng pagkain.


Binato naman sila ni Dylan ng tag-iisang green peas. "Oo nga! Bakit ba hindi kayo makapaniwala? Sa gwapo kong ito?"

Napaismid naman si Marco sa sinabi ng hambog niyang kaibigan. "Talaga! Look dude, you're a playboy. And it's Mitch that were talking here, paano mo nagayuma iyon?"

"Isa pa, akala ko ba wala sa bokubolaryo mo ang magpakasal?" Nakangising tanong ni Jeremiah.

Not that they were against Dylan getting married, it's just that they really enjoy seeing Dylan getting pissed. Tsaka, sila pa nga ang tumulong para rito na magkabati sila ni Mitch - ang fiancé ni Dylan. Plus, magkakaanak narin ang mga ito.


"Alam niyo mga ugok, kapag natamaan ka na ng baby na may diaper, wala ka ng kawala. Hindi niyo pa kasi nararanasan, well pwera kay Jeremiah na basted lagi kay Colyn!" Wika ni Dylan sabay sinundan ng tawa.

Binato ni Jeremiah ng tissue paper si Dylan sa mukha. "Gago!"

Napuno ng tawanan ang lamesa nila. He's happy for Dylan. Sa kanilang lima, silang dalawa talaga ni Dylan ang mas close, at masaya siya na nakita na nito ang babaeng para rito.

"Ano'ng oras ba dadating si Mitch?" Tanong niya kay Dylan.

Hinihintay rin nila sina Mitch at Colyn na galing sa mall. Nag-girl bonding daw ang mga ito.

"Papunta na raw sila." Sagot sakanya ni Dylan habang hawak ang cellphone.

"Eh, bakit tatlo ang pinadagdag mong plato? Akala ko ba sina Mitch at Colyn lang ang darating?" Tanong ni Mico.

Oo nga, ano. Ngayon niya lang rin napansin na tatlo ang pinadagdag ni Dylan na mga plato.

Umiling si Dylan sakanila. "Kasama nila si Erin."

Napakunot ang noo niya. Erin? "Iyong empleyado mo?" Tanong niya. Kilala niya iyong Erin dahil madalas siya sa kompanya ni Dylan at nakikita nga niya si Erin na madalas kasama si Mitch.

"Dati. Nag-resign na siya last week pa. Close friend siya ni Mitch." Aniya.

Tumango nalang siya at pinagpatuloy ang pagkain. Hindi nagtagal ay dumating narin ang mga babae.

"Hi, babe!" Bati agad ni Dylan at inalalayang umupo si Mitch sa tabi nito.

Si Colyn naman ay pinaupo nina Mico at Marco sa tabi ni Jeremiah. As usual, inaasar nanaman nila si Colyn. Pikon kasi ang babae.

"Erin, dito ka!" Tawag ni Mitch sa kaibigan at tinapik ang upuan sa tabi nito at nasa tabi rin ni Vin.

Umupo naman ang babae, lumingon ito sakanya at nagkatagpo ang kanilang mga tingin.

Tila napako ang titig niya rito. Pinagmasdan niya ang mukha nito. Maliit ang mukha ni Erin ngunit perpekto ang pagkakalagay ng bawat parte ng mukha nito. Ang mga mata nitong may sariling kinang, ang maliit na ilong nito, ang manipis na labi. Walang maipipintas rito.

"Ano'ng tinitingin mo diyan?" Tanong nito sakanya.

Tila nakarinig siya ng pagkabasag mula sa pagpapantasya niya sa mukha nito. Napatawa siya ng sandali.

"Nothing. Hi, I'm Vin." Sabay lahad niya ng kamay.

Tinignan lang nito ang kamay niya. Ilang sandali lang ay inabot narin nito iyon.

"Akala ko hindi mo tatanggapin ang pakikipag-kamay ko." Sabi niya.

"Siyempre, pinag-isipan ko muna. Mukha ka namang mabait."

"Mabait talaga iyang si Vin!" Singit ni Dylan sa usapan nila ni Erin.

Napaismid naman si Erin. "Kung kasing-bait mo siya Dylan, magsusuka ako ngayon."

Napatawa naman silang lahat sa lamesa. This woman has wit.

"Erin, okay na nga kami ni Dyl." Sabi ni Mitch sa kaibigan.

Napanguso si Erin sa tabi niya. "Still,sinaktan ka niya."

"I think that's part of loving someone." Komento niya.

Napalingon naman ito sakanya. "Ano?"

Tinignan niya ito at nginitian. "Patawarin mo na ang kaibigan ko. Siguro nga'y nasaktan niya si Mitch, pero pinagsisihan na niya iyon at bumabawi na siya. Tsaka ang pagmamahal naman ay hindi laging puro saya, hindi ba?"

Tinitigan lang muna siya ni Erin bago nagsalita. "Are you speaking from your heart? Bakit nasaktan ka na ba dati?" Prankang tanong nito.

Napangiti siya rito. "Yes. Iniwan ako ng babaeng mahal ko dati. Pero teengager pa ako nun. I heard she's married now and gave birth."

"Stalker ka pala." Komento nito.

"What? No!" Napatawa siya pagkatapos. "What I'm trying to say is, kaakibat ng saya ay sakit. That's just how it is. Ganito nalang, kapag sinaktan ulit ni Dylan si Mitch, bugbugin natin. Sasamahan pa kita. Ako pa ang bahala sa getaway place mo kung sakaling mapatay mo man siya."

Napatawa naman si Erin sa sinabi niya. "You're funny. Sige na nga. Basta, promise mo iyan!"

Tumango siya at itinaas pa ang kanang kamay. "I promise."

Binalingan naman ni Erin si Dylan. "Hoy, lalaki! Sige. Pinapatawad na kita! Pasalamat ka kay Vin!"

Pagkatapos sabihin iyon ni Erin ay nginitian siya nito.

And that time, parang may kung ano'ng kumiliti sa kaibuturan niya.

Is it possible that he is already attracted to Erin that much?

-------

VOTE AND COMMENT.
FOLLOW ME @kendeyss

It Might Be You [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon