"Bagay sa'yo ang may anak." Untag ni Ellaine kay Erin.
Inirapan lang ni Erin ang kaibigan. Karga niya ngayon ang inaanak na si Elisha Min - ang anak nina Ellaine at ni Mico. Ngayon kasi ang araw ng binyag ng bata at heto at siya ang may hawak naman sa cute at maganda niyang inaanak.
"Pagod ka na ba? Akin na muna si Eli." Sabi ni Ellaine.
Hindi naman na siya nagreklamo at ibinigay na si Elisha sa nanay nito. Medyo nangangawit narin naman na kasi ang nga braso niya. Medyo may kabigatan kasi ang anak ng mga ito. Ang cute-cute at ang pula ng matatabang pisngi nito.
"Grabe ah! Ang bigat ng inaanak ko. Pitong buwan lang ba talaga iyan?" Natatawang sabi niya kay Ellaine na hinehele na ngayon ang anak.
"Malakas lang talaga sa gatas si Eli. Ganyan talaga kapag baby." Nakangiting sagot sakanya nito.
"Nasaan na ba ang asawa mo?" Tanong niya muli.
Nagpalinga-linga naman si Ellaine sa paligid marahil ay hinahanap ang asawa nitong si Mico. "Nandiyan lang iyon. Inaasikaso ang mga bisita."
Nag-uusap lang sila ni Ellaine habang nakaupo nang lumapit sakanila si Vin na may dalang isang plato na puno ng pagkain.
"Hey, hindi ka pa kumakain ah. Here, kumain ka na. Masama ang magpalipas ng gutom." Sabi ni Vin sakanya.
"Sus, nag-aalala na si Superman mo oh. Hay naku! Maiwan nga muna kayong dalawa,wala ang Mico ko eh. Hahanapin ko muna para mabuo may loveteam rin ako." Mapanudyong sabi ni Ellaine bago sila iniwan ni Vin sa lamesa.
"Sira-ulo talaga iyong si Ellaine. Parehas sila ng sira-ulo niyang asawa." Iiling-iling na sabi niya.
Ngumiti naman si Vin habang pinupunasan ng tissue ang kutsara't tinidor bago ibigay sakanya. "But don't deny tht they're perfect for each other."
Kinuha ni Erin ang kutsara't tinidor mula kay Vin at totoong ngang gutom na talaga siya dahil nang makita palang niya ang pagkain ay kumulo na agad ang tiyan niya. Medyo nawili kasi siya kay Elisha Min kaya nakalimutan niyang kumain. Mabuti nalang at dinalhan siya ni Vin
"Dahan-dahan lang, Erin. Sa'yo lang naman iyan." Natatawang sabi ni Vin sakanya dahil sa mabilis at sunud-sunod na pagsubo niya.
Imbis na tumugon ay nginitian niya lang si Vin at sumubo ulit.
"Tsk. Kulit talaga, come here." Iniangat ni Vin ang mukha niya nang hawakan nito ang kanyang baba gamit ang mga daliri at pinunasan nito ang gilid ng kanyang bibig. "You're so messy when you eat, Erin." Nakangiting sabi ni Vin habang pinupunasan ang magkabilang gilid ng kanyang labi. Ang lapit ng mukha nito sakanya, suddenly all she can hear is the loud thumps of her heart. Parang slow motion ang bawat galaw ni Vin, ang pagbuka ng bibig nito, ang pagngiti nito, ang pagkurap nito, lahat ay tila bumabagal sa paningin niya.
"Let me ask you, Erin. Para sa'yo, paano mo ba malalaman na kaharap mo na ang taong para sa'yo? Iyon tipong masasabi mo'ng 'It might be you!'"
Bigla niyang naalala ang sinabi sakanya ni Adie nang lumabas silang magkakaibigan.
"Siyempre mararamdaman ko iyon!"
At bigla naman niya naalala ang pagsagot niya sa sinabi ni Adie. Ito na ba iyon? Ito na ba iyong pakiramdam na sinasabi niya sa sarili?
Mabilis na lumayo siya mula kay Vin. Mukha namang nagulat ito sa biglaang paglayo niya. "Erin? Ayos ka lang ba?" Tanong ni Vin sakanya.

BINABASA MO ANG
It Might Be You [Fin]
RomanceBarkada Series #5: Vin Fortez Ano nga ba ang kaya mong gawin para sa mahal mo? Vin Fortez is Erin Romualdez's own Superman. Lahat ng kapritso nito ay pinagbibigyan ni Vin. Para kay Erin, paano nga ba malalaman na kaharap mo na ang taong para sa'yo...