Fourteen

65.2K 1.2K 159
                                    

"Naguguluhan ako sa nararamdaman ko kay Vin." Amin ni Erin sa dalawang kaibigan.

Pakiramdam niya kasi mababaliw na siya kakaisip kapag hindi pa siya humingi ng tulong sa mga kaibigan niya. Hindi naman siya tanga at manhid para hindi malamang parang nag-iiba na ang damdamin niya kay Vin. Nagkailang boyfriend naman narin siya noong college siya, pero ang hindi niya lubos maintindihan ay kung normal pa ba itong kilig na nararamdaman niya.

Inaamin naman niya na kinikilig talaga siya kay Vin dati pa. Sino ba naman kasi ang hindi 'di ba? Likas na mabait at gentleman ito. Perfect catch na nga, kumbaga. Pero dati alam niyang platonic lang ang lahat. Iyong kinikilig nga siya pero maya-maya lang ay huhupa na. Pero nitong nakaraang buwan, lagi nalang bumabagabag sa kaibuturan niya ang mga sweet na ginagawa ni Vin.

"Paanong naguguluhan?" Lapit sakanya ni Ellaine. Alam niyang nakuha na niya ang buong atensyon ng mga kaibigan niya dahil tumigil sa pag-aayos ng pinagkaininan ni Calix si Colyn at tumigil sa paglantak ng mangga si Ellaine.

Napabuga nalang siya ng hangin. "Hindi ko alam! Ewan! Hindi ko ma-explain!" Nahihirapang sabi niya.

"Paanong ewan? Paano ka namin maiintindihan kung puro hindi ko alam at ewan iyang isasagot mo sa'min?" Tanong sakanya ni Colyn.

Umiling-iling siya dahil maski siya ay naguguluhan talaga sa nararamdaman niya. Ang hirap naman kasi maging babae! "Basta ang alam ko lang naguguluhan na ako sa nararamdaman ko kay Vin."

"Like you're falling for Vin?" Nakangiting tanong sakanya ni Ellaine. Kita mo 'tong kaibigan niya, nakuha pang ngumiti gayong nakikita na siyang nahihirapan sa sitwasyon niya.


"Bakit nakangiti ka pa diyan?!" Mataray na sabi niya kay Ellaine na lalo lang nito ikinangiti.

"Nakakatuwa ka lang tignan. Ganyan din ang sweetie ko nung naguguluhan siya kung inlove na ba siya sa'kin o hindi." Kinikilig na sabi nito kaya naman inirapan nalang niya si Ellaine.

"Are you falling for Vin?" Mahinahong tanong ni Colyn sakanya pero dahil kilalang-kilala na niya ang pilipit ng mga bituka ng mga kaibigan niya, alam niyang interesado talaga ang mga ito sa sagot niya at kitang-kita niya sa mga mata ng mga ito ang pananabik at amusement.

Natigilan siya. Is she falling for Vin? Sa huli'y umiling siya. "Hindi ko alam. Hindi naman siguro. Best friend ko iyon! Hindi maaring mahulog ako doon." Tanggi niya.

Tama, hinding-hindi siya mahuhulog kay Vin. Sanay naman na talaga siya sa ka-sweetan ni Vin sakanya, baka ino-overthink niya lang talaga ang mga bagay-bagay. O kaya dahil sa sobrang inggit niya sa relasyon ng pinsan niyang si Polly ay binibigyan niya na ng malisya ang mga ginagawa nila ni Vin na pagpapanggap.

"Bawal na ba ma-inlove sa kaibigan? Ngayon ko lang ata narinig ang batas na iyon." Nakangising wika ni Ellaine.

"Hindi ako inlove kay Vin!" Pahayag niya.

"Hindi nga ba?" Hamon sakanya ni Ellaine.

She held her chin high. "Hindi talaga."

"Eh, ano iyong sinasabi mong naguguluhan ka sa nararamdaman mo kay Vin? Ano iyon? False alarm?" Mapanuksong dagdag ni Ellaine.

"Wala iyon! Joke lang iyon!" Naiinis na wika niya.

"Naku! Nasa first stage ka na Erin!" Tili ni Ellaine at nagpapalakpak pa.

"Ano ba iyang pinagsasasabi mo?"

"First stage of being inlove." Si Colyn na kanina pa tahimik ang sumagot sa tanong niya.

It Might Be You [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon