Chapter 8
"pinapangako mo ba na tutulungan mo ako dito?" seryosong tanong niya
"promise! basta tuparin mo rin ang kondisyon ko!"
Si Mr. holdaper naman ah-este Vmiguel naka face palm lang at nakikinig lang saamin, pero mga tao wala paring paki-alam
"hay oo na! pero kung sa tingin mong gusto ko ang kondisyon mo nagkakamali ka! gusto ko lang iligtas ang sarili ko! at sana wag mong malisyahan ito! kasi di kita gusto!!! tandaan mo yan!"
"i understand! di rin kasi kita gusto"
"tapos na ba ang dal-dalan nyong dalawa ha?" tanong ni vmiguel haha naboboring na yata toh eh!
"gaya ng pangako ko sayo panget..."
inabot ko yung wallet ko sa mokong vmiguel na yun
"holdaper! sayo na 'tong wallet ko!" sabay wink sakanya
"balik mo maya saken yan ha!" sinyas ko sakanya, at nag thumbs up siya, buti nga lang hindi nakita ng panget na yun
"aalis na ako! bantayan mo yang magiging girlfriend mo ha! hahaha!" at dali-daling umalis
"bakit may balak pa ba syang balikan ako?" tanong ng panget na yun
"hahaha binibiro ka lang nun hahaha"
"anong binibiro?! muntik na nga akong patayin ng holdpaer na yun at sasabihin mo na biro lang yun?! lecheng holdaper yun! may pera naman ako ha? ba't yung kailangan niya ang pera mo? tsss... ano ba tingin niya sa pera ko dahon?" inis na inis na sabi niya
"hahaha wag ka ng magalet kung yung pera ko pa ang gusto niya"
"lecheng yun! ginawa pa akong bihag! isipan niya pang balikan ako dahil bugbugin ko na talaga sya!!! grrr.."
hahaha grabe talaga siya... inis na inis talaga siya, pano pa kaya kung malalaman nya yun na si vmiguel yun? di ko hahayaang malaman niya yun!
"wag kang mag-alala, pro-protektahan kita sa holdaper na yun"
naging maaliwalas ang mukha niya nung narinig niya yun... ewan ko nga eh??
"weh?? napaka sinungaling mo talaga!"
aba! hindi pa naniwala!!!
"bahala ka! kung ayaw mo, edi wag!" sungit kong sabi! siya na nga yung tinutulungan, ayaw pang maniwala
"ewan ko sayo!" sabi niya
tss..
"ito tissue, pirmahan mo toh!" sabi ko
"para san toh ha?"
"para sa kasunduan na dapat mong tuparin!"
"tsk.. ang O.A mo!" pero pinirmahan niya din naman...
pagkatapos niyang pirmahan, pinirmahan ko din
"ito ang ebidensya ha! pag di mo sinunod ang kondisyon! papa chop-chop kita sa holdaper na yun!" pagbibiro ko sakanya
"ay ganun?? close kayo?"
"oo close kami!" eh close naman talaga kami eh haha!
"ang hanep mo din noh?" sarcastico niyang sabi
"malay mo, balikan niya pa ako, may calling card kasi ako dun sa wallet ko, malay mo hihingi pa siya ng pera sakin... see?"
"oo na! tinutupad ko naman ang mga promise eh!"
"good... so wala ka bang sasabihin saken?"
"may dapat pa ba akong sabihin sayo?"
nakalimutan niya agad???
"wala ba talaga??"
"ah--eh... salamat pala sa pagligtas mo saakin"
oh yan naman pala eh! buti nga
"ok... wala yun!"
at lumabas na kami ng 7eleven at sumakay na sya sa sasakyan niya at umuwi man lang na walang paalam sakin!
"talagang babaeng yun! saan na kaya yung best actor na yun? (VMIGUEL)"
"I'm here dude!!
"anak ng... ginulat mo ko dun ha!" diyan lang naman siya sa sasakyan niya
"sakay na" sumakay din ako
"ayos ba ang trip ko ha?" tanong niya
"sinabi mo pa pre! pang hollywood na nga yung acting mo!" hahaha biro ko sakanya
"hahaha ako pa! may pa kondisyon ka pang nalalaman ha! para san yun?"
"ah--eh sa totoo lang gusto ko na sana mag bagong buhay, nakokonsensya na kasi ako sa mga pinanggagawa ko"
"nakaka panibago ka naman pre! nakokonsensya ka rin pala, akalain mo yun!"
"syempre naman pare! at isa pa gagamitin ko yung mansanas na yun para maka escape ako sa mga ex ko!"
"ah ganun ha? pustahan tayo maiinlove yan sayo"
"tangeks! hindi! hinding- hindi yun maiinlove saken, eh ang laki ng galet nun saken!"
"bro! yan kaya ang nangyayari sa tv...pa panggab-panggab sa una-una pero magkakatuluyan din sa huli!"
"ulol ka talaga! di yun mangyayari!!!"
"pupusta ako ng 20,000 call?"
"masama yan pare!"
"hay... sige na! malay mo mainlove sya sayo! edi may 20,000 kana... sabi mo nga kailangan mo ngayon ng pera pambayad ng condo unit mo? diba?"
"oo nga... eh pano kung hindi sya mainlove?"
"edi wala!"
"eh wala palang patutunguhan toh eh!"
"sige na! malay mo mainlove sya sayo, bibigyan kita ng 20,000 kung hindi.. edi wala!"
"grabe ka talaga! eh! pano kung ako ang mainlove?"
"nainlove ka na ba sa buong buhay mo?"
"hindi pa!"
"eh ganun naman pala... di ka nga nainlove sa mga gf's mo sa kanya pa kaya na kinaiinisan mo?"
"oo nga noh?? hmmm... bahala na nga! bahala na si batman! ang importante makabayad ako ng upa ko!"
BINABASA MO ANG
Yun ang masakit, not knowing the truth...
Teen Fiction"Realize things before it's too late and love people before you loose them. Life comes just once, so love it while you have it." Ito ang katagang hindi nagawa ng isa sa ating bida, masakit isipin na hindi niya na sabi ang gusto niyang sabihin sa tao...