Chapter 13

119 3 0
                                    

Pagkatapos ng sawayan portion namin... yan na naman siya sa pagiging kaladkarin mode niya. kainis na nga eh! ginawa ba naman akong kaladkarin na babae, parang aso na nga talaga ako eh!

Napahinto siya bigla sa KFC at nakangiti ito

"Nakaramdam ka rin pala ng gutom?" sarcastic kong sabi sa kanya narinig ko nalang kasi ang pag tunog ng tiyan niya na hudyat na nagugutom siya

"syempre, kaya nga dinala kita rito eh!" pumasok na siya at umorder

"Dalawang Krusher yung large po, Dalawang Fully Loaded meal din at Chicken Fillet na burger for two din, Dine in" kuminang-kinang ang mata ko sa order niya at parang babagsak na ang laway ko sa sahig sa inorder niya. Lumapad ang ngiti ko :)))

"Domeng…… ummm..." sweet kong sabi

"Oh bakit?"

"umm... thank you..." sabay kong ngiti sakanya, yung feeling na wala pa nga eh, nagpapasalamat kana... advanced eh

"huh??? bakit ka nagpapasalamat?" curious niyang sabi. Bakit ayaw niya? ako na nga yung nagpapasalamat, tatangihan pa?

"Syempre... dahil nilibre mo ko ulit" hinhin kong sabi at nakangiti na abot tenga. Nabigla nalang ako na humalakhak siya ng malakas. Huh? problema niya?

"Wahahaha kahit kelan ang panget mo talaga!! haha"

"Ako na nga yung nagpapasalamat!! Pasalamat ka dahil may konting bait pang natira sakin!"

sumeryoso ang mukha niya at ako naman ay parang tanga na hindi alam ang pumapasok sa isip ng kolokoy na toh! titig na titig siya sakin, yung bang mangangain ng tao, mala tiger look niya kong tinigan... at ako naman ay napa step back sa anong maari niyang gawin sakin

"Alam mo apple, humihina na yata yang utak mo eh, siguro napa sobrahan ka yata sa pagpaganda at kaka selfie" sabi nya habang na katitig pa rin sakin at humakbang siya ng ilang steps papunta sakin... at ako naman ay parang nakakita ng multo sa kaka step back sa bawat hakbang niya sakin, at hanggang pader na yung nasandalan ko, Tulungan nyo ko!!! napapiyok ako at nanginginig ang paa ko sa takot, para siyang demonyong makatitig sakin, huminga ako ng malalim at naghugot ng lakas para tanungin siya.

"A-ano b-ba p-problema m-mo?" utal na utal na sabi ko

Tinapik niya ang kamay niya sa pader at nilapit saking mukha ang mukha niyang demonyo na para bang hahalikan ako... Nanlaki ang mata ko at tumingin sa labi niya na parang idadampi niya ang labi niya sakin O////O  Tulungan nyo ko sabi eh!!! di ko na keri toh!!!

"Nakalimutan mo na ba ang atraso mo ha? o sadya mo lang kinakalimutan, na parang balewalain mo nalang ang nangyari, ganun ba yun?" sabi niya na may pag ka seductive nilapit niya pa ang mukha niya sakin, kaya napapikit ako ng mata, pero manga ilang segundo ay minulat ko ang mata ko sa kadahilanan na wala namang may dumampi sa labi ko, kaya tumingin ako sa kanya na naka ngisi na siya, pero ang nag pa get ng attention ko, ay halos lahat ng tao pati Crew at Cashier ng KFC ay napatingin samin at ang narinig ko lang ay inggay ng aircon... napatingin naman si domeng sa tinitingnan ko. Nagmistulang kaming nag te-taping dito

30 seconds na katahimikan... peste namumula na ako sa kahihiyan at nanigas pa rin dito sa pader. At Buti nalang may bumasag ng katahimikan

"532.00 pesos po sir" sabi ng cashier, laking pasasalamat ko sayo teh! dahil sayo natauhan kami, thank you, thank you. Tiningnan naman ako ni Domeng na mala demonyo niyang itsura, kaya na papiyok ako

"You know what to do" bulong niya sakin, at para naman akong robot na agad-agad na binayaran yung inorder niya, yun bang Ginayuma niya ko para mapasunod nalang ako sa utos niya, ewan ko nga eh kung bat nangyari toh...

Yun ang masakit, not knowing the truth...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon