Naghahanda na yung kapatid ko para sa gig niya mamayang gabi sa isang bar sa Makati. O! ang tindi noh? kay bata- bata, pero may pa gig-gig na! astig niya talaga, palibhasa maganda ang boses niya. di katulad sakin na parang babalik si Yolanda pag ako ang kumakanta pero joke lang, syempre maganda naman talaga ang boses ko haha ang yabang ko talaga... Sayang dahil hindi pa umuuwi si Mommy di niya makikita ang bunso niyang anak na gi-gitara sa stage, may business meeting naman siya kasi sa Spain hay parati nalang
"Ate I have to go, punta ka maya ha" syempre ako pa, dadalhan ko maya siya ng banner bilang suporta ko sa kanya kahit mag mukha akong baliw sa kaka cheer sa kanya gagawin ko yun para sa kapatid ko
"Surebol yan dude! promise!"
"wag kang ma le-late ha, lagot ka sakin pag nalate ka" grabe naman toh makapag sermon... pagbigyan ko na nga
"oo na, ikaw naman parang walang tiwala sakin"
"o siya ate aalis na ako"
"sige take care dude!" anggas kong sabi at sumakay na siya sa sasakyan namin at umalis.
Ako naman ay parang ewan na nagmumukmok dito sa bahay, walang magawa, panonood ng tv ang ginagawa ang baduy naman ng palabas
"Leche lang! wala na kong magawa!" kung pwede lang puntahan si Joshen ginawa ko na, ang tanong anong gagawin ko dun eh gabi pa yun at ang masaklap pa dun umaga pa lang, hay buhay parang life.
"ba't di kaya mag shopping ako? oo nga!" ang slow ko talaga, ngayon lang umandar ang utak ko... haha
Dali dali akong naligo at pagkatapos ay bumihis agad ako, I wear a camo style na shirt, a black jeans and a pair of black converse shoes at tumingin ako sa salamin na kasing haba ko, at nilabandera ang outfit ko, nag selfie selfie pa ako at agad ko itong pinost sa fb ko at sa IG with caption na: Kita kits sa MOA <3
tumingin ulit ako sa salamin at nag pose pose na ala modelo
"Oh i love my fashion haha!" pagmamayabang ko ulit sa salamin. Nang matapos na 'kong mag ayos, umalis na ako ng bahay at nag para ng taxi, ilang minuto man lang ay nakarating na ko sa MOA . Inabot ko na ang bayad at bumaba na ko pagkababa ko palang andami agad tumitingin sakin. Nagsimula na 'kong maglakad pero nahalata ko na andaming lalaki na nakatingin sakin, para bang artista ang tinggin nila sakin
"Ang sexy pare" narinig kong sabi ng lalaki sa kasama niya
"oo nga pare ang ganda ganda niya" na flattered ako dun sa narinig ko ha haha, pero binalewala ko lang sila, hirap na baka ma rape victim ako, wag naman sana
Wait muna before akong pumasok, i should check my face, dating kagawian ko hanggang ngayon parin pala haha. Hinanap ko yung salamin ko sa bag ko, halos mahulog na yung laman ng bag ko pero wala eh! langya naiwan ko yata... buti nalang may nakita akong sasakyan na pumarada sa harap ko at tumingin ako sa side mirror at pinagmasdan ang itsura ko
"Kahit wala akong make up, maganda pa rin ako, bulag lang yung domeng na yun hindi marunong mag appreciate ng kagandahan ko!" teka ba't naman napasama siya sa usapan natin side mirror? langya wag mong sabihin nag aapekto ka sakanya? ako nag aapekto? asa siya mukha niyang unggoy na gusto kong i- sadsad sa lupa hmp! baliw na yata ako ang side mirror pa ang kinakausap ko hahaha tawanan ko lang sarili ko hahaha -__- baliw
pinagmasdan ko ulit ang itsura ko sa side mirror
"tapos ka na ba?"
"sandali na la---" teka... nagsasalita ang side mirror?? nakita ko nalang bumukas yung winshield at gumalantang sakin ang itsura na sinusumpa ko sa lahat at na nakangisi sakin
"hey you! saan bakbakan mo panget?" lintek 'tong kolokoy na toh sakanya pala tong sasakyan, kung alam ko lang, kanina ko pa tong binasag itong side mirror niya
BINABASA MO ANG
Yun ang masakit, not knowing the truth...
Teen Fiction"Realize things before it's too late and love people before you loose them. Life comes just once, so love it while you have it." Ito ang katagang hindi nagawa ng isa sa ating bida, masakit isipin na hindi niya na sabi ang gusto niyang sabihin sa tao...