Chapter 6
dominic's POV
tawang-tawa ako kanina hindi dahil natatakot ang mansanas na yun kundi sa mukhang loko ni Vmiguel, mga baliw talaga sila! hahahaha kaya naman pala na pupuntahan daw nila kami, dahil may big creepy suprise daw sila... yun naman pala tatakutin lang naman pala nila si mansanas! hahaha nakisabay din ako sa trip nila hahaha
Si Vmiguel Gonzales ay close friend ko mula pagkabata, barkada ko din siya! ang daddy niya ay owner ng isang airlines at ang mommy nya naman ay isang business woman, sya ang pinaka makulit sa aming barkada, siya din ang lakas mang trip kay pangit, kaya nga minsan napapadala nalang ako sa mga kalokohan niya haha at matinik din siya sa mga chix lahat hindi seryoso, magkaugali nga kaming dalawa pagdating sa babae.
Si Chester Chua ay kababata ko rin, ang parents niya ay nagmamay-ari ng Casino sa makati, bigtime din 'tong loko na toh! haha, dami din nagkakandarapa dito, pero sa barkada siya ang pinaka cute daw at pinaka seryoso pagdating sa babae.
Si Jervy Delos Reyes ay last year lang namin naging barkada dahil kay Vmiguel pero matagal ko na 'tong kilala, pero hindi kaming gaano ka close nito! di ko kasi siya feel at isa pa tinuturing ko siyang rival sa lahat ng bagay, tinitilian din siya ng mga babae, pero hindi niya ako malalamangan >:]
The last but not the least me, myself and I
Ako si Dominic Alcoran 18yrs. old isang mayamang lalake na ubod ng kagwapohan at tinitilian ng mga babae. Ang daddy ko ay owner ng isang International Mining corporation sa Australia, Scotland, Indonesia, at Germany. My mommy died because of heart failure, 10 yrs. old pa ko nun ng mamatay siya, ang family ko before na masaya ngayon nag ka leche-leche. My daddy dont care about me at kapag mababa nga grades ko at maykalokohan akong nagawa he scolded me, naalala ko pa nung 13yrs. old ako, iyak ako ng iyak dahil pinahiya niya ko sa harapan ng mga kaklase ko sa simpleng pagkakamali na nagawa ko, kaya galit na galit ako sa daddy ko, kaya lumayas ako sa bahay at tumira sa isang condo yung tita ko nagbibigay sakin ng allowance buti pa sya. feeling ko walang nagmamahal sakin kaya nag start akong maging playboy nung 15yrs. old palang ako, unang day ko palang ay may naka 10 dates agad ako sa isang araw at masaya siya pero nakokonsensya din ako minsan! kaya nung sinabi sakin ng panget na yun, parang na gui-guilty ako sa mga pinang gagawa ko at narealized ko ngang tama nga sya! "Ang pag-ibig ay hindi dapat paglaruan" naku naman! tsk... nagugulohan na ko!!!!
here @resto bar
"3 ngang tequilla, please!" sabi ni vmiguel sa waiter
nandito kasi kami ngayon sa isang resto bar, niyaya kasi ako nila, kaya umu-o nalang ako... iniisip ko pa rin kasi kung pano ko sisimulan mag bago
"O' bakit tulala ka dyan?" tanong ni vmiguel sakin
"Ah--eh wala! wag mo kong pansinin" pag de-deny ko
"hmm... migs! siguro tulala yan dahil walang babae" sabi ni Chester
"Ulol!"
"hahaha"
"ay oo nga pala! o' andyan na pala sila eh! sexy na maganda pa!" sabi ng manyak na vmiguel na yun
"hi boys!" sabi ng tatlong babae
nilapitan nila kami, yung isa pumunta kay Chester
"Oops... sorry! i already have a girlfriend" pagtataboy ni Chester sa babae
"sayang cute ka pa naman" napatabi nalang siya kay vmiguel
at ang panghuli tumabi sakin pero ako tulala pa rin at iniisip kung pano sisimulan mag bago
"umm.. pogi anong pangalan mo?" pa sweet na sabi ng babae
hindi ako umimik at tulala pa rin ako
"O' bakit dominic? akala ko ba gusto mo ng babae?" curious na sabi Vmiguel
"wala akong sinabi na gusto ko ng babae!"
"Woah! ikaw ba yan pre??"sabi ni chester
"sa tingin mo?" sungit kong sabi
Si Vmiguel naman pinuntahan ako at tumitig titig sakin
"may sakit ka ba pre?" tinapik nya yung kamay niya sa leeg ko, para malaman kung may sakit ako
"Gago! sa gwapo ko ba 'tong magkakasakit ako?? hello??" pagmamayabang ko sakanila
"hahaha siguro inlove ka noh?"
"anong pinagsasabi mo?"
"siguro inlove ka kay apple noh? aminin mo na kasi :)"
"Ulol! asa sya! hindi ako pumapatol sa katulad niya!"
"weh? ang ganda-ganda kaya niya.... maputi pa, makinis ang balat, matangos ang ilong, sexy at higit sa lahat virgin pa yun pre! so san ka pa HAHA"
"Alam mo! nasosobrahan kana yata sa kamanyakan mo eh noh? nakita mo ba 'tong kamao ko?"
"hoy! biro lang naman eh..."
"And one more thing pala, pwede bang alisin nyo itong babae sa tabi ko"
"woah! easy men! ms. halika ka... dito ka muna sakin baka kasi maging tigre yan at kakainin ka nyan RAWR!! hahaha" sabi ng loko na yun!
"and by the way nasan na yung jervy na yun!" tanong ko sakanila
"hindi daw siya makapunta dahil busy sa panliligaw kay cesca, alam mo naman patay na patay yun!" sabi ni chester
"oo nga pre! inlove nga yun si tsong jervy hahaha" sabi ni vmiguel
"buti nga.." sabi ko
pero titig na titig na may pagtatataka yung dalawa sakin
diba nila gets? gusto ko ng magbagong buhay!
"Sige pre uwi na kami!" sabi ni vmiguel
"uminom ka ng gamot pre ha! baka kasi may sakit ka haha" sabi ni chester
"Loko!" sabi ko
sumakay na ako sa kotse ko at ganun din sila at umalis..
BINABASA MO ANG
Yun ang masakit, not knowing the truth...
Novela Juvenil"Realize things before it's too late and love people before you loose them. Life comes just once, so love it while you have it." Ito ang katagang hindi nagawa ng isa sa ating bida, masakit isipin na hindi niya na sabi ang gusto niyang sabihin sa tao...