Jervy Delos Reyes pic. Above
*yawn* ganda ng tulog ko ha! teka si dominic pala... wala na siya sa tabi ko...
ginising ko naman ang kapatid ko
"Joshen! gising na may klase pa tayo!"
"A-ate..."
"hoy gising na!"
binuklas ko yung kumot niya kaya napa upo ito bigla
"ito naman... gigising na!" sabat naman ni joshen haha
hinanap ko si dominic kung saan... sang lupalop ng pluto ba siya pumunta
pumasok ako sa kusina at nakita ko siya
nakasuot siya ng apron, pot holder at may dalang kawali... nilagay niya yung niluto niya sa pinggan at nilapag sa mesa
habang ako ay napatulala sa kanya... ang hot niya grabe... O///O
"Oh! Good morning apple!" sabi niya at nakangiti na walang mata...
huh??
"paki-ulit nga?"
"goodmorning! bakit?"
"hindi yung una mong sinabi!"
napakamot siya ng ulo
"ayun ba??? Bahala ka! kasalan mo yan dahil ang bingi mo! magpa hearing aid ka nga sayang naman kasi ang mga bihira kong sinasabi kong pa bingi-bingi-an mo lang"
"ganun? lang ya -_- "
hindi ako bingi gusto ko lang ulitin mo, minsan mo na nga lang sinasabi ang pangalan ko, dadamutan mo pa tsk... nakakasawa na kasi ang mga tinatawag mong panget, mansanas! May pangalan naman ako ha!!
"dito na kayo mag almusal ng kapatid mo, gumising pa naman ako ng maaga para matikman niyo yung niluto ko..."
"Wow... nag abala ka pa sa amin!"
pero infairness mukhang masarap naman itong beef loaf niya
"Joshen!"
"yes ate?
"dito nalang tayo kakain ng almusal sabi ni kuya dominic mo" sabi ko kay joshen
"Wow kuya agad? di pa nga tayo kasal eh haha"
Ano?!!!! >__<
"tara Joshen kumain na tayo baka itong tinidor na toh masaksak ko pa sa nagluto nito"
"haha ate naman eh!"
"haha ikaw naman jo---"
joke nanaman??
"ump" O_O
nilagyan ko ng beefloaf ang bunganga niya, ang galing kasing mag joke ang tindi grabe!! -_-
"kainin mo yan! baka kasi lumala na yang pagkatopakin mo at ano pa ang masabi mo!"
"hehe" ngitian niya lang ako
tindi ng sira ng ulo nito -__-
Pagkatapos naming kumain, tinulungan namin siya ni Joshen at magligpit
"sige dominic! salamat pala sa pagtuloy mo sa amin sa condo mo at sa pagpapakain pala sa amin :)"
"ano ka ba, wala yun..."
aba ang tindi! may nangyari ba kagabi sa amin kung bakit ang saya niya ngayon?
"Kuya dominic! para sakin pasado kana!"
BINABASA MO ANG
Yun ang masakit, not knowing the truth...
Fiksi Remaja"Realize things before it's too late and love people before you loose them. Life comes just once, so love it while you have it." Ito ang katagang hindi nagawa ng isa sa ating bida, masakit isipin na hindi niya na sabi ang gusto niyang sabihin sa tao...