Chapter 14

105 2 0
                                    

Dominic's POV

Dito kami ngayon, nakasakay sa sasakyan ko dahil nga sa may gig ang kapatid niya. Astig ng kapatid niya ke bata-bata may pa gig-gig na, kainggit! Pero di katulad sa ate niya palaging nakababad sa cellphone niyang de apple bagay na bagay talaga sa pangalan niya... at mag selfie buong araw.

Nagmamadali nga siya pumunta sa kapatid niya kaya sinamahan ko na baka kasi ano pa ang mangyari sakanya dahil nga na sikat na sikat ito sa facebook at andaming lalake ang nagpapansin sakanya.

Nagkataon nga lang na inistalk ko ang fb account niya kanina, nakita ko ang status niya na "Kita kits sa MOA <3" at may selfie pang naka attached. She weared a Camo, natawa ako, parang isa siya sa mga militar na papadala sa Libya para isabak sa gyera sa suot niya. Ibang klaseng babae toh!

Nang makita ko na pupunta siya sa MOA Dali-dali akong nagbihis at pinuntahan siya, wala kasi akong magawa since ako lang mag isa sa condo. At timing-timing nakita ko siya, pinarada ko ang sasakyan ko sa harap niya. Nabigla naman ako dahil lumapit siya, akala ko bistado na ako pero mali pala ang akala ko, NAGSALAMIN pala ito sa side mirror ko haha grabe... pati side mirror ko pinagtritripan nya... wala na ba talaga siyang salamin?

At yun na nga hanggang sa nakita niya ko, sinipa niya yung sasakyan ko at hanggang sa lumabas ako ng sasakyan nakita kong may gasgas na ito. Namumutla ako nun! parang gusto ko siyang pisilin sa pisngi niyang makinis hanggang sa lumapad ito at magmukha siyang tabachoy... pero syempre hindi pwede, hindi ako physically nanakit ng babae noh!

At yun nga naka isip ako ng bright idea para pagtripan siya sinabi ko 300,000 ang bayad sa ginasgas niya, at siya naman na si Ms. Uto-uto naniwala naman agad. Eh hindi nga umaabot sa isang libo ang yung gasgas, espray lang naman yun.

hay... nakakatawa talaga siya, habang tinititigan ko siya naalala ko ang lahat ng mga nakakatawang pangyayari na ginawa ko sakanya, para siyang hilom sa mga sugat na nararamdaman ko dahil isang titig ko palang sakanya, nakakalimutan ko ang lahat na masasakit na nararanasan ko, natuto akong ngumiti kahit may problema ako at dahil iyon sakanya :)

Heh! ano ba tong iniisip ko! shinake ko nalang ulo ko para matauhan ako.

"Dito na tayo domeng Ba-bye salamat ha!" sabi niya bubuksan na nya sana ang pinto ng sasakyan ng pinigilan ko siya. Napalingon sya sakin at tiningnan ako ng maykapag curious

"Teka... so hindi ako sasama sa loob" sabi ko sakanya

"Akala ko ba ihahatid mo lang ako" sabi niya. Aba! kaya pala pumayag agad na ipasama ako dahil libre ang sakay... wow hanep wala ng libre-libre sa panahong toh! mahal ang gasolina sa panahong toh!

"Aba panget mahal ang gasolina! hinatid kita dito dahil gusto kong manuod!" pagpapaliwanag ko sakanya, minsan kasi ang Slow nito kaya minsan di niya na ge gets ang mga intension ko

"Hay... ang dami mo pang satsat ano pa ang hinintay mo?" inis niyang sabi at hinatak ako palabas ng sasakyan, this time hinawakan niya yung kamay ko at kinaladkad ako papunta sa loob. Aba naghihiganti ang isang toh! parang akong loko nakangiti habang hinahatak niya ko.

Pumasok kami sa loob at may mistulang may mini concert na gumaganap sa dami pa namang tao at halos hiyaw ng mga babae ang maririnig mo... wala pa nga si Joshen sobrang inggay na.

Ilang minuto pa ang nakalipas lumakas ang hiyaw ng mga tao ng lumabas na si Joshen sa lungga niya. Naka upo ito at may dala-dalang gitara at nagsimula na itong mag play.

Leave your Lover by Sam Smith

I don't have much to give , but I don't care for gold
What use is money, when you need someone to hold?
Don't have direction , i'm just rolling down this road
Waiting for you to bring me in from out the cold

Yun ang masakit, not knowing the truth...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon