Chapter 11

108 3 2
                                    


@7eleven

"Di mo alam dahil sayo, ako'y di makakain, di rin makatulog buhat ng iyong LOKOHIN kung ako'y muling iibig sana'y hindi katulad MO tulad mo na may PUSONG BATO... woah... yeah yeah"

"Para kang sira -_____-"

"Anong sira? Kumakanta ako noh! Bakit pangit ba yung kinanta ko?" Nakangisi kong tanong sakanya... alam ko naman kasi tinamaan siya sa pusong bato haha yan! Yan kasi babaero, kaya yan ang napala nya sampal ouch!

"Sinabi mo pa"

"Weh? Ang sabihin mo NATAMAAN KA!!"

"Haixt...lilibre pa sana kita, kaso nga lang pinapasama mo lang ang loob ko eh!"

Lilibre niya ko? Waaaahh... swerte naman! Pero, parang nagdalawang isip pa siya ha

"Totoo ba yan ha?"

"Sana nga diba?" Ito naman parang hindi mabiro... ang malas ko naman kasi... naiwan ko pa yung bag ko sa kotse

"Uyy... edi sorry na! Sorry po... biro lang naman yun eh!" Pag be-beg ko sakanya... nagugutom na kasi ako at isa pa nakakasawa ng tikman ang laway kong walang lasa...

"Sige na nga, pasalamat ka" nakanguso niyang sabi... kahit konti may pusong mamon parin siya :)

Umorder na siya at ako'y naiwan sa table namin na parang sira na naalala ang nangyari kanina

"Sana wag mo siyang lokohin, look at her she's so angelic"

>\\\< ano ba kanina ka pa ha?! Ayaw mong ma get over? Leche! Bakit hindi mawala yung tumitig si dominic sakin ha?? Eh maka ilang beses na kaya siyang tumitig sakin ha! Tsk... bakit ha?? May topak na siguro tong utak ko... kailangan lang nito na umpugin ko, katulad nalang sa walang signal na tv na hinahampas hampas ganun yun!

At sinumulan kong inumpog-umpog ang ulo ko sa mesa para bumalik sa katinuan ang utak ko

*boog* *boog*

"Anong ginagawa mo ha?" Nagulat ako dahil nakita niya, oh men nakakahiya!

"Ah-eh hehe... nag e-exercise lang ng utak" pag dadahilan ko, ayus ba? Sana maniwala siya dahil baliw lang ang naniniwala nito

"May ganun pala? Ngayon ko lang nalaman na may brain exercise pala, sino ang nagturo sayo niyan?"

"Ah-eh" sino ba?

"Si ano...... si Sisa, pinsan ko"

"Ahh pala... kaya naman pala eh" sabi niya na may pag insulto

"Ngitian ko lang siya" lang ya siya

"O heto para sayo" ibinigay niya sakin yun at nagulat ako dahil isang perasong LOLLIPOP?! lang ang binigay niya ni hindi naman chupa chups, hindi rin imported... yun bang piso yung presyo na mabibili sa ibat ibang tiange

"Salamat ha, mabubusog talaga ako sa lollipop... mabubusog talaga!" inis na sabi ko ang hanep nya talaga, anak mayaman nga siya!!

Samantala sakanya ay large na slurpee at isang hotdog with buns.

Binuksan ko nalang yung lollipop at kinain yun... habang nakatitig sakanya, na takam na takam sa kinakain niya

"Ang sarap, sarap talaga ng hotdog.. mmm"

-____- ipamukha ba naman sakin na masarap ang kinakain niya..  haixt..  sarap batukan! Titig na titig lang ako sakanya na parang pulubi

"Nakaka-awa ka?"

"Anong sabi mo?"

"Sabi ko mukha kang kawawa... you look like a 3 yrs. Old na gustong kumain sa Jollibee" aba! Kinumpara pa ako sa bata?!

"Ah ganun? Hiyang-hiya naman ako sa libre mo? Naglibre ka pa! Sana di mo nalang ako dito sinama!" Galit kong sabi, di ko matiis ang ugali niya parang ha-highbloodin ako sakanya

"O heto! Baka umiyak ka pa at magsumbong ka pa sa mommy mo" inabot niya sakin yung isang box ng pocky at coke na nasa can

Natuwa naman ako sa ibinigay niya paborito ko kasi yung chocolate na pocky

"Pocky! I love pocky!" Dali-dali ko yun binuksan at kinain

"Mmm.. thank you ha" parang patay gutom ako sa inaasal ko, yung feeling nagutom nga eh. Diba?

"Para ka ngang bata! Sige ubusin mo na yan ang dami pa dun"  manglilibre siya ulit? Tanungin ko kaya

"Ililibre mo ko ulit?" Sabi ko na nagpapacute sa kanya

"Of course... HINDI! Bumili ka ng sayo bleh :p" aba! Binelatan pa niya ko! Ang damot talaga, pero ok na tong isang pocky atleast happy na ako

"Haixt.. sarap mong sipain"

"Haha joke lang naman yun"

"HA-HA... nakakatawa -___-" anong klaseng tao toh? Di mo minsan malaman ang mood nya, minsan suplado, minsan naman topakin, minsan loko loko. Hay kay hirap pakisamahan nito!

"Ah by the way salamat pala kanina" o see sabi ko na eh... di talaga malalaman ang ugali nya...

"Para saan?"

"Ah-eh nevermind na nga!" Yan na nga ang sinasabi ko, gulo niya!

"Ikaw talaga ang engot mo!"

"Hehehe ikaw din... pero mas mukha kang engot kesa sakin... tingnan mo nga toh oy! May chocolate ka pa sa bibig mo!"

"Umm... dito ba?"

"Haixt" mukhang inis na inis siya, noh problema niya? Nagtatanong lang naman ako ha

Nabigla nalang ako na pinunasan niya ng panyo niya yung bibig ko O///O.

Paulit-ulit ko man sabihin sa inyo na ANG GULO NIYA! Ang gulo ng inaasal niya!

---

Nang matapos na kaming kumain at dumaldal... sinabi ko sakanya yung tungkol sa kontrata

"So i guess tapos na tong crazy thingy contract natin, malaya na ba ako?"

"Are your out of your mind?" Nabigla naman ako sa inasal nya..  eh leche pala to eh! Tapos na yung conflict-conflict sa mga ex niya at tsaka sabi niya pag natapos na yun papakawalan na nya ako, eh ano na naman toh?

"Napag isip-isip mo din ba kung ano nalang ang sasabihin ni Jervy ha?

"At bakit naman napapunta si jervy sa usapan natin ha?"

"Alam ko ang takbo ng isip mo... gusto mong gantihan siya diba?" Pano niya nalaman ha? Pero ganun nga yung iniisip ko, gusto ko gantihan siya sa pag-iwan niya sakin, ni hindi man lang ako naalala nang makahanap na ng girlfriend

"Tama ka nga" napabuntong hininga nalang ako, dahil yan din ang gusto ko kaya wala na akong magagawa ang dapat ko lang natandaan na hinding hindi ako maiinlove sa domeng na toh, kahit ano pa ang mangyari

"Kung ako sayo, keep this contract as a sign of your revenge. Kaya nagpapasalamat ako sayo kanina dahil sayo nagkasundo kami at natapos na yung kalbaryo ko, kaya as a sign of appreciation ikaw naman ang tutulungan ko"

"Sige..." tipid kong sabi

Ang task ko lang ngayon ay ibalik ang sakit kay jervy, sisikapin ko rin maka move on sakanya... alang alang sa buhay ko




The-Kei-ren:
First time ha? XD pero taos puso po akong nagpapasalamat sa nagbabasa ng YAMNKTT, salamat po talaga sa inyo super happy ako dahil umaabot na sa 100+ yung nagbabasa. At Feel free to comment po, kahit ano basta comment. At Bahala kayo kung i vote nyo to o hindi basta keep reading lang kayo... ang daming kaganapan pa ang mangyayari kaya Abangan nyo yan.

:)

Yun ang masakit, not knowing the truth...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon