"Anong ginawa m-" magsasalita pa sana ako pero hinawakan niya ko at hinatak
"Hoy! San mo ko dadalhin ha?" Sabay piglas sakanya "hoy bitawan mo ko sabi eh... errrr!" Inis na inis na ako sakanya san ba niya ako dadalhin? Ni hindi man lang ako sinagot napaka Langya talaga nito! Pano na si Jervy?
Sinubukan ko ulit na pumiglas sakanya kaya napahinto kami malapit sa swimming pool
"Ano ba! Bitawan mo ko! Unggas ka!" Pagkasabi ko nun pumiglas ito sa kamay ko...
"Ano ba ang problema mo ha? Magsalita ka nga!" Inis na sabi ko sakanya gusto ko siyang sampalin sa ginawa niya kay Jervy...
"Bakit kayo magkayakap ha?" Nakakunot ang mukha nito sa pagkasabi niya... paki niya? Bakit masama bang yumakap? Langya! aish... konti nalang makakatikim kana sakin unggas ka!
"Bestfriend ko yun noh! Na miss lang namin kaya ang isa't isa! May mali ba dun ha? Eh friendly hug lang naman yun!" Pagpapaliwanag ko sakanya... anong pumapasok sa isip nito? Gulo niya
Hindi ito umimik... problema niya? Napipi na ba si Dominic? Langya pagkatapos niya akong ihatak dito magtatahimik nalang ba siya?
"Hoy! Magsalita ka! Sagutin mo ang tanong ko!"
"Magsalita ka Dominic!!"
Sabi ko ulit sakanya... nakaka bwesit, aalis na nga ako! Kailangan ko pang puntahan si Jervy baka ano pa ang nangyari sakanya wala akong oras sa katahimakan ng isang toh!
Maka-ilang hakbang palang ako ng magsalita ito... mahina man ito pero narinig ko
"Apple..." napatigil ako sa paglalakad at liningon siya
"Ano?" Naka kunot ang mukha ko ng humarap sakanya samantala siya ay nakayuko
Naghihintay ako sa sagot niya pero di pa rin umimik
Nakaka bwesit na! Pina painit niya ang ulo ko! Haixt... Iwan na kita diyan! Patabog akong lumakad kainis naman kasi! Tinatanong mo! Di naman sumasagot!
"NAGSESELOS AKO!" napahinto ako bigla sa sinabi niya
O.O ANO?!!!!!!!!!!!
biglang nag sink in sa akin ang sinabi niya
NAGSESELOS AKO
NAGSESELOS AKO
NAGSESELOS AKO
NAGSESELOS AKO
NAGSESELOS A--
PWEDE BA! TAMA NA! UNLI MO NA HA?
liningon ko siya at nakaharap na ito sa akin
"P-paki u-ulit nga ng s-sinabi mo?" Sabi ko gusto kong siguraduhin kong tama nga ang narinig ko
Nagbuntong hininga muna siya bago siya nagsalita "Apple nagseselos ako..." sabi niya nakatingin na sakin. bigla naman namula ang mukha ko at tumitibok ang puso ko!
Bakit Ganito??? Oh please wag! Wag!!!!
Lumapit ito bigla sakin... bigla naman akong kinakabahan... tama na sabi eh! Mahuhulog na talaga ako! PLEASE
"Apple... nagseselos ako" sabi niya... talagang inulit mo pa ha? Eh ano ngayon? Mag pa-party na ba tayo?
Tanga ko! Sa isip ko wala akong paki sa sinabi niya pero grabe ang epekto sa puso ng sinabi niya! Waaaah
BINABASA MO ANG
Yun ang masakit, not knowing the truth...
Teen Fiction"Realize things before it's too late and love people before you loose them. Life comes just once, so love it while you have it." Ito ang katagang hindi nagawa ng isa sa ating bida, masakit isipin na hindi niya na sabi ang gusto niyang sabihin sa tao...