"Maganda kana ate! Tama na! Isang oras kana nakaharap diyan, para kanang sira diyan eh!"
"Grabe ka naman Joshen! Ayaw mo bang makita ang ate mo na maganda ngayon?"
"Tsk... ate maganda kana ok?"
*beep beep*
"O andyan na pala ang prinsipe mo eh!"
"MANSANAS! BUMABA KANA DIYAN!" Tss.. excited ang mokong toh! Well, well
"Im beautiful no matter what they say, words can bring you dow--" hindi ko pa napatapos ang pagkanta ko... pinutol naman agad nito ng kapatid ko!
"Ate!!!!"
"Oo na!" Ito namang si Joshen mas excited pa kesa sakin eh! Siya nalang kaya pumunta dun! Haixt...
Bumaba na ako dahil naghihintay na sakin si Dominic, ano kaya ang itsura niya? Tao pa rin ba kaya??? Hmmm...
Paglabas ko pala ng bahay... nakita ko siya... nakasandal ito sa sasakyan niya at tiningnan ko siya... ulo hanggang paa
"Ang tagal mo ha?"
*dug... dug...* ang bilis nanaman ng pempem ko... napalunok ako tuloy...
Bakit ayaw umiwas ng mata ko sakanya?
Bakit parang nanenerbyos ako?
"Apple!" Tawag niya sakin pero tulala parin ako sakanya
"D-dominic...."
"Halika kana!" Gusto kong bumalik ulit sa bahay... di kasi ako makahinga... ano ba ang nangyayari sakin?
"Oops... san ka pa pupunta?"
"Ah-eh p-pasok ulit"
"Huh? Halika ka na nga! Ang tagal kaya nanghintay ko sayo" bigla niya akong hinawakan at pinagbuksan ng pinto ng kotse niya... kaya sumakay nalang ako
"Seat back and relax ok?"
"Okay..."
Ano ba ang nangyari sakin? Hinawakan ko ang dibdib ko.. bigla kasing sumikip ang pakiramdam ko... hoo... inhale exhale... ok lang ako! Oo relax apple si Dominic lang yan.. di pwede diba? Hindi pwede...
Nakarating na kami sa bahay ni Cesca kung san ginanap ang debut niya... Hindi ko ikinakaila na maganda nga ang bahay nila... so what?
Bumaba na kami sa sasakyan niya at pumasok na kami...
"Wow ang bongga ng Debut nitong Cesca na toh ano? Haha pang JS Prom ang peg!"
"Haha ikaw talaga!"
"Hey dude, Dominic!"
"Andito din sila?"
"Syempre kung andyan ako andun din sila"
Mga kapit tuko talaga tong tatlong ugok na toh! Andito rin pala sina Vmiguel at Chester infairness gwapo nila ngayon...
"Kamusta kayo mga pare? Lalo kayong gumagwapo ha?" Sabi naman ni dominic sabay hawak sa suit ni Vmiguel at ang isa naman toh pinagyayabang ba naman ang suot niya..
"Syempre! Nung umulan kasi ng ka gwapuhan syempre napasama kami diyan ni Chester.. haha" Yabang ni Vmiguel... astig ha naka shades pa siya, Where's the moon aber????
"Yabang mo naman pare!" Sabi naman ni Chester... buti pa siya
"Eh kayong dalawa kamusta na kayo?" Dagdag pa nito... at tumingin siya sakin...
"Your beautiful tonight... Apple"
"Ah-eh salamat..."
"Were okay.. stay strong parin" sabi naman ni Dominic, biglang uminit ang mukha ko sa sinabi niya
"Kapal..." bulong ko sakanya
"Haha narinig ko yun... haha Bro tara punta tayo dun! Let's have some drink" sabi naman ni Vmiguel di pa nga nagsisimula inom agad ang atupag nito!
"Sige ba!" Sumang ayon din ang isang toh!
"Sandali lang Apple ha! Hihiramin lang namin itong boyfriend mo" sabi ni Chester
"Bahala kayo!" Inis na sabi ko...
"Babalik din ako" sabi ni dominic at umalis
Sige iwan niyo ko dito! Langya ka talaga Dominic! Tsk...
Sinundan ko lang ng tinggin ang tatlo habang lumalakad ito... habang dumadaan sila, halos lahat ng mga babae nakatunganga sakanila, lalo na kay Dominic
"Sana magkabali-bali yang leeg niyo sa katutunganga hmp!"
Kainis naman eh! Iniwan ba naman akong mag isa dito! Sana di nalang ako pumunta kung iiwan niya din naman pala ako...
Nagsimula na nga debut niya... lumabas na Cesca sa Sky blue niyang Ball Gown... tss... oo na maganda na! Pagbigyan na natin Birthday niya eh...
Nagsimula na din ang 18 roses... at sino ba ang ine expect niyong maging 18th roses niya... edi ang bestfriend kong si Jervy, bagay na bagay nga sila, naka smile silang dalawa habang nag sasayaw sila sa smooth music... talagang gustong gusto nila ang isa't isa, parang nakonsensya ako tuloy sa mga pinanggawa ko sakanila, halata naman na masaya sila sa relasyon nila...
Pagkatapos nang mga cherva ek-ek natapos na din ang program syempre hindi mawawala ang kainan!
Kanina pa akong naka upo dito, bakit di ba bumalik ang isang yun? Dominic san kana??? Para akong maluha luha habang naglakad lakad sa garden nina Cesca at hinahanap ko siya... DOMINIC!!!!
"Hi apple!" Humarap ako sa tumawag sakin...
"Jervy?" O.O kina usap niya ko? Parang maiyak iyak ako... namiss ko na kasi itong bestfriend ko ilang buwan na din kaming di nag uusap nito
"Alam mo Apple... sobra kitang namiss.." Joke ba toh? "Sorry kung bakit iniwan nalang kita basta basta ng makahanap ako ng girlfriend..." bigla tuloy napa luha ako "di ko man lang inisip na andiyan ka pa pala para sakin... sorry kung naging pabaya ako, pasensya kana sa lahat... namimiss ko parin yung dati nating samahan, sana bumalik ulit ang pagiging bestfriend natin..."
"Yan tuloy napa luha ako! Haha... ano ka ba! alam ko naman eh, naiintindihan din kita kaso nga lang nasaktan ako ng lubos... nagsinungaling ka din sakin.. di mo man lang sinabi na may barkada ka pala dati"
"Dati yun apple... pero ngayon hindi na.. pero pasensya kana kung inilihim ko yun sayo... sila kasi yung tumulong sa akin ng may nagtangkang pagtripan ako kaya ayun naging kabarkada ko sila..."
"Alam mo Jervy... namiss din kita, namiss ko yung dati nating samahan"
"Di pa naman huli ang lahat... pwede pa tayong mag simula ulit... diba?"
"I'm very happy na andiyan ka pa pala para sakin... you still cares for me..."
"Syempre kasi mahal kita, at bestfriend pa rin kita... apple?"
"Yes?"
"Pa hug nga..." ibinigyan ko siya ng kay higpit higpit na yakap para bang ilang years kami nagkawalay sa isa't isa, namiss lang namin kasi ang isa't isa... i hate to say this pero may natitira pa siyang pagmamahal sa puso ko...
"STAY AWAY FROM MY GIRLFRIEND!"
O_O
"Dominic???"
Nakita ko nalang na napabagsak sa lupa si Jervy.... habang ako ay nabigla sa mga pangyayari
The-kei-ren:
Abangan ang Chapter 20
Salamat sa pagbabasa ng YAMNKTT :)
BINABASA MO ANG
Yun ang masakit, not knowing the truth...
Teen Fiction"Realize things before it's too late and love people before you loose them. Life comes just once, so love it while you have it." Ito ang katagang hindi nagawa ng isa sa ating bida, masakit isipin na hindi niya na sabi ang gusto niyang sabihin sa tao...