VMIGUEL POV
VMIGUEL POV
Hey yo! First time kong mag POV ha! Hahaha anyways... as if naman kilala niyo na ako noh? Sa hindi nakikilala sakin ako lang naman si VMIGUEL GONZALES ang pinaka GWAPONG nilalang na ipinanganak sa mundong ito hahaha yabang ko eh noh? Hahaha walang basagan ng trip pre. Ok masyado na akong madaldal, O sige na nga magkwe-kwento na ko!
Flashback:
"Pare..."
Tawag sakin ni Dominic. Malalim yata ang iniisp nito ha. Dito kami ngayon sa bahay, niyaya ko kasi makipa inuman pero wala namang balak naman itong dalawang ito, kaya ako na lang umiinom."Oh bakit?" Tanong ko at uminom ng vodka
"I think I'm in love..." Halos mabuhos ko ang iniinom ko na vodka sa damit ni Chester, naglalaro kasi ito sa Iphone niya sa harapan ko. Leche nagulat ako dun ha!
"Anak ng unggoy naman to oh! Basagin ko kaya yang bote ng vodka sa ulo mo? Kadiri ka!" Kailan pa naging maarte toh si Chester? Upakan ko to eh!
"Ang arte mo Chester! Wag ka ng mag iinarte may damit dun sa kwarto ko, kumuha ka ng kahit ilan na damit at isaksak mo sa abs mo! Haha"
"Gago!" Bulyaw niya at tinapunan ako ng unan at pumunta na sa itaas. Buti nalang naka ilag ako.
"Hahaha" tinawanan ko siya. Tiningnan niya ko ng masama
kaming dalawa na lang ang natitira dito, tulala parin kasi si Pare Dom's. Parang adik ha! Haha... Magulat nga
"HOY PARE!!" Sigaw ko kaya natauhan ito bigla
"Ah-"
"Kay sino ka naman inlove ha?" Tanong ko. Habang inaabangan ang pagsagot niya. Siya na ba?
"Kay... Apple pare" ﴾͡๏̯͡๏﴿ tama ba ang narinig ko? Apple? Hindi Orange? Hindi Saging?
"Weh? Seryoso pare?" Tumango lang ito... Hahaha Yes!! Ayieee... Sabi ko na eh
"Oh! WOAH HAHAHAHA! Seryoso? Paano Pare?" Tama nga ang hinala ko haha, sa wakas ang plano ko nagtagumpay.
"Di ko alam basta... Ang bilis ng tibok ng puso ko kapag nakikita ko siya. Parang namimiss ko bigla siya, ay ewan, unexplainable eh" aba talaga love na nga yan. Sabi nga nila love cannot be explain.
Tinap ko naman ang balikat ni Pare Dom's. First time to sa kasaysayan ng Pilipinas. Hahaha siya nainlove? Haha hindi parin ako makapaniwala.. Ang Mr. Playboy nakilala namin nainlove sa pinaka inisan niyang babae... Nang dahil sa kontrata nag ka developan nga ang dalawa haha. Kung yan naman pala ang makapagbabago kay Pare Dom's sana ginawa ko na ito sa mula't sapol. Bagay na bagay naman kasi sila ni Apple eh. Haha pang MMK na toh!
Nangyari na nga ang gusto kong mangyari ^_^ isa na lang hindi pa niya nagawa
"Alam mo Pare bakit di mo siya ligawan?"
"Ligawan? Pero paano?"
"Di mo alam pare?" Gulat na tanong ko sakanya. Tanga ba siya o masyadong walang alam sa pag ibig? Ligaw di pa marunong? Eh humanap nga ng chix expert pa kesa sakin eh haha. Ligaw? awtsu... Tuturuan kita XD
"Kaya nga nagtatanong diba? Paano ba?"
Nag isip muna ako ng magandang paraan para mapa oo si Apple. Gusto ko kasi may thrill may excitement tsaka romantic hmm... Ano kaya?
BINABASA MO ANG
Yun ang masakit, not knowing the truth...
Ficção Adolescente"Realize things before it's too late and love people before you loose them. Life comes just once, so love it while you have it." Ito ang katagang hindi nagawa ng isa sa ating bida, masakit isipin na hindi niya na sabi ang gusto niyang sabihin sa tao...