"Pare!"
"Doooominic!"
Agad naman nilapitan ng dalawa si Dominic
"Pare!" Vmiguel
"Tulungan mo ko pare, dalhin natin siya sa ospital" sabi ni Chester na natataranta
Binuhat nila si Dominic at tsaka isinakay sa sasakyan ni Vmiguel. Ako naman ay nakasunod lang sakanila habang umiiyak, oo sinisisi ko talaga ang sarili ko kung bakit nangyari toh kay dominic, ang tanga ko!
Naiiyak parin ako habang nakasakay sa sasakyan... nang napansin ako ni Chester habang si Vmiguel ay busy sa pagmamaneho
"Tahan na Apple..."
"Eh kasi... *hikbi* di ko naman alam na mag gaganito siya... *hikbi* pero sorry talaga *hikbi* kung di ko lang sana siya pinahirapan pa para mapatunayan na mahal niya ako di sana nangyari toh *hikbi*" sabi ko at humagulgol ng iyak
"Shhh... tama na" Chester
"P-pero Apple mahal mo ba ang kaibigan namin?" Tanong ni Vmiguel sakin... bumilis bigla ang tibok ng puso ko, di ko alam kung sasagutin ko ang tanong niya... umiwas ako ng tinggin sakanya saka tumingin sa bintana
"Alam mo, di ko alam kung ano ang nararamdaman ko...ewan ko, pero... gusto ko siya... gusto ko siya parati sa tabi ko" pagkasabi ko nun tumulo ang mga luha ko at tiningnan ko si Dominic na walang malay.
"Ayiiiieeeeeeee" sabi ni Vmiguel saka binatokan naman ito ni Chester
Nakuha pang magbiro nitong Vmiguel na toh! -_-
"Tumahimik ka nga pare!"
Ngumuso lang si Vmiguel at napakamot ito ng ulo
Huminto ang sasakyan at napadpad kami sa isang Napakalaking bahay at tanaw na tanaw talaga ang view ng syudad dahil sa tuktok ito
Agad ko namang linibot ang tinggin ko kung asan kami... Ang ganda para ka lang tagaytay... ospital ba tong pinuntahan namin?
"May ospital pala dito?" Tanong ko sakanila... nagtitigan muna sila bago sila magsalita
Eh?
"Ah-oo bale private ospital ng pamilya nila Dominic" sabi ni Chester
"Kitams yaman ano?" Sabi ni Vmiguel saka kinindatan niya ko...
Tss.. bakit nangingidat itong unggoy na toh?
Binatokan ulit ito ni Chester buti nga sakanya
"Pag hindi ka umayos! Talagang matatamaan ka sakin" tiningnan ito ni Chester ng matalim kaya natahimik agad ang unggoy na toh!
Haha takot naman pala ito kay Chester, parang mag ama lang ha!
Biglang bumakas ang gate...
"A-automatic?" Tanong ko, namangha kasi ako parang high tech eh
Tumawa naman si Vmiguel. Anong tinatawatawa niya?
BINABASA MO ANG
Yun ang masakit, not knowing the truth...
Teen Fiction"Realize things before it's too late and love people before you loose them. Life comes just once, so love it while you have it." Ito ang katagang hindi nagawa ng isa sa ating bida, masakit isipin na hindi niya na sabi ang gusto niyang sabihin sa tao...