SLL 11

8.5K 396 76
                                    

Joren's POV

"AKO!" sigaw niya.

Hindi ko alam ang isasagot ko. Seryoso ba siya? Alam ba niya ang sinasabi niya? Akala ko ba yung kaklase niya ang gustong manligaw sa akin bakit ngayon siya na? Ano ba talaga Ivan?

Nakatitig lang ako sa kanya at pilit na pinaprocess sa utak ko ang sinabi niya.

Halos hindi rin ito makatingin ng diretso sa akin after niyang sabihin iyon.

"Wala akong panahon para makipagbiruan sayo Ivan. Sabihin mo diyan sa kaklase mo kung gusto niya akong ligawan---"

"Joren gusto kitang ligawan!" pagputol nito sa sasabihin ko.

Ano daw? Natawa naman ako bigla.

"Tapos kana bang magjoke?"

"Hindi ako nagjojoke joren! Mahal na kita. H-hindi ko alam kung paano at kung kelan pero putek! Mamatay na ako sa selos kapag nakikita kita sa piling ng iba" Ang seryosong sabi nito.

"Mahal? Mahal agad? Agad agad? Wow. Tatawa na ba ako niyan Ivan, ha?" ang nakangiting sabi ko pero ang totoo inis na inis na ako.

Halong pagtataka at pagkainis lang ang mababanaag mo sa mukha nito. Kinuyom nito ang kanyang kamay at tumingin sa akin ng masama.

"Bakit ba ayaw mong maniwala ha!" ang naiinis na sigaw nito sa akin.

Hindi ako nagpatinag o nagpasindak sa kanya. Walang emosyong tingin lang ang ipinakita ko.

"Anong gusto mong gawin ko? Matuwa? Umasa? O masaktang muli? Ivan tama na. Tama na yung maraming taon na sinaktan mo ako.. Please wag mo ng dagdagan pa" ang saad ko. Napailing lang ang ulo nito.

"Dahil ba kay Ish? Dahil ba sa kanya kaya ka nagkakaganyan Ha? Joren!"

"Matutulog na ako" ang walang ganang sabi ko. Alam ko namang walang patutunguhan ang usapang ito eh.

Tatalikod na sana ako ng bigla itong tumakbo papalapit sa akin at hinawakan ako sa braso at pinigilan.

"Bakit hindi mo masabi sa akin ha, Joren! Bakit? Dahil mahal mo na siya? Ganun? Sabihin mo!" tiningnan ko lang ito sa mata pero sa halip na tingnan niya rin ako sa mata ay umiwas lang ito.

"Paano nga kung sabihin ko sayong mahal ko na siya magagalit ka.. Ivan?"

Natahimik lang ito. Ilang segundo rin siyang hindi nakapagsalita.

"O-oo" sagot niya.

"Eh paano kung sabihin kong ibang iba siya sayo. Gag* ka, mabait siya. Magagalit ka pa rin ba?"

"Oo naman"

"Bakit?" tanong ko.

"Dahil ako at ikaw para sa isa't-isa lang" ang seryosong sabi nito.

Halos hindi ako makakibo sa sinabi niya. Biglang namula ang tenga nito. Ako rin hindi ko mapigilang mamula. Pero mali ito. Mali.

"Masarap sanang pakinggan. Masarap sanang paniwalaan pero Ivan napagod na ang puso ko. Hindi ko na alam kung maniniwala pa ako sayo o hindi"

"Hindi mo naman kelangan maniwala agad. Ang kelangan mo lang hayaan mo akong mahalin ka. Mahalin hanggang maging akin ka"

Inirapan ko lang siya.

"Wag mo kong daan daanin sa mga pa ganyan ganyan mo Ivan. Hindi ako yung babaeng pinapangarap mo"

"Alam ko. Sinabi ko bang ikaw?" ang nakangiting sabi nito.

Nang-aasar ba siya? Nakakainis ha.

"Alam ko" simangot ko sabay tingin sa malayo. Hinawakan naman nito ang mukha ko at hinarap sa kanya.

TMF 2: Sana Lahat Loyal (BoyxBoy) - MPREGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon