SLL 33 (Finale)

5.3K 262 66
                                    

Joren's POV

Habang lumilipas ang mga araw ay hindi namin namalayan na magtatapos na pala ng pag-aaral si Ivan. Parang kahapon lang eh kakapropose lang nito sa akin kung pwede ko ba daw siyang pakasalan tapos ngayon gagraduate na siya.

Masaya ako para sa future husband ko. Oo, kineclaim ko na, na asawa ko na siya. Wala na talaga akong ibang nakikitang lalaki na pwede kong pakasalan kundi siya at siya lang talaga.

Hindi man kami sabay grumaduate masaya ako na nakapagtapos siya ng pag-aaral.

Hay! Ang bilis ng panahon noh?

Heto ngayon siya, masayang tinititigan ang sarili sa salamin habang inaayos ang buhok niya.

"Mahal gusto ko sanang makita mo akong umaakyat sa stage habang kinukuha ko ang diploma at ang karangalan ko. Para sa inyong lahat ito" ang sabi ni Ivan.

Opo. Nakakagulat man pakinggan pero nagtapos po siya ng may karangalan. Nagsipag po siyang pumasok kahit puyat ito sa pag-aalaga sa anak namin. Opo, ipinasa niya lahat ng exam kahit na lumaki pa ang eyebags nito. Opo, nagsumikap siya para sa amin kahit nahihirapan na siya. Kahit na hindi ito ang Ivan na nakilala niyo. Siya po yung taong handang magbago, handang ipakita na totoo siya sa sinasabi niya.

"Kung pwede lang mahal pero alam mo namang hindi pwede diba?"

Manganganak na kase ako anytime soon saka bawal akong lumabas noh. Syempre anong iisipin nila.

Humarap ito sa akin at nilapitan ako. Hay! Sobrang gwapo niya talaga.

"Alam ko naman eh. Kase naman eh.." simangot nito.

"Ok na yun. Pag-uwi mo naman nandito parin ako. Kami ng mga anak mo at nitong baby na ipapanganak ko" ang sabi ko kay Ivan. Hinawakan niya ang tyan ko at hinalikan ito saka kinausap.

"Sige na nga. Basta baby ah. Wag mong papahirap si papa mo dito. Papaluin ka ni daddy" ang sabi nito sa tiyan ko. Hindi ko alam kung matatawa ako o ano. Hay, umiiral na naman po ang pagiging-isip bata niya.

"Sige na at baka ma late pa kayo ni mommy" ang sabi ko dito. Nakatitig lang siya sa akin.

"Bakit?" ang tanong ko. Bigla siyang umiling.

"W-wala lang. Hindi na ako makapaghintay pa" ang sabi niya.

Ha?

"Kaya nga bumaba kana dun at baka ma late pa kayo" nagulat ako ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit.

"Hindi na ako makapaghintay joren na pakasalan ka. Gusto ko akin kana. Yung totoong akin kana"

Dahan dahan akong ngumiti at yumakap din sa kanya pabalik.

"Ako rin naman eh" ang sabi ko dito. Humiwalay siya sa yakapan namin at hinawakan ako sa pisnge.

"Alam mo ang cute cute mo talaga. Kung pwede lang kitang posasan ginawa ko na para hindi ka makuha ng iba" ang sabi nito.

"Che. Ginawa mo pa akong kriminal" pagtataray ko sa kanya. Pagbigyan niyo na buntis eh. Mood swing hehehe..

"Hindi ba? Eh bakit nasayo ang puso ko at mahal na mahal ka?" sabay ngisi nito.

"Ewan ko sayo Ivan. Nambola ka pa" natatawang sabi ko. "Wag mo nga akong titigan" simangot ko dito. Kung makatitig kase nakakatunaw.

"Eh bakit ba. Parang titig lang eh" ang sabi niya. Nagulat ako ng ikiss niya ako sa noo, sa ilong, sa pisnge, sa baba at sa lips.

"I love you" ang sabi ni Ivan. Simple pero tagos sa puso.

"I love you too"

-----

TMF 2: Sana Lahat Loyal (BoyxBoy) - MPREGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon