Special Chapter.

3.8K 184 36
                                    

Nandito kami ngayon sa sasakyan kasama ko yung dalawang bata. Susunduin kase namin si Joren, ang papa nila. Buti na lang at halfday sila ngayon kundi itatakas ko talaga siya hahaha.. Joke lang. Ganito kase kami everytime na may free time kami sa isa't-isa at kung wala naman, hahanap at hahanap talaga kami ng paraan para magka oras kami sa mga bata.

By the way, nilipat nga pala namin si joren ng ibang school. Iba na kase ang apelyido ng asawa ko. Syempre apelyido ko na ang binibitbit niya mga pare, totoong asawa ko na siya hahaha.. Ayieee.. Biruin niyo yun guys, nakapangasawa lang naman siya ng isang gwapo, sobrang gwapo. Masarap at sobrang sarap na tulad ko hihihi.. Baka kapag narinig niya yun. Naku! Mababatukan ako nun. Love na love ko pa naman yun.

Nilipat namin si joren ng ibang school dahil gusto namin siyang iiwas sa mga problema, sa mga toxic na tao at sa mga taong pwedeng bumully sa kanya. Syempre laking issue nun kung bakit naging Solomon si joren diba. Kaya minabuti nalang naming ilipat siya atleast kung meron mang makakilala sa asawa ko, Less problem.

Alam naman namin na malalaman at malalaman pa rin ng lahat na kinasal kami pero ang bata pa kasi namin para ipaliwanag sa kanila ang lahat lahat. Alam niyo naman ang curiousity ng mga kabataan ngayon. Kahit hindi nila problema pilit silang makikisawsaw at worst ija-judge ka nila agad. Kahit naipaliwanag mo na itatanong at itatanong parin nila. Saka may mga tao naman na kahit anong paliwanag mo kung hindi ka nila papakinggan hindi talaga. Kaya bakit mo iistress ang sarili mo diba?

Oo. Hindi pa kami ganun ka mature enough ni joren to handle big problems and to explain it well. Basta mahal ko siya kaya pinakasalan ko siya. Saka we want a private life at para na rin makapag focus siya ng maayos sa pag-aaral niya.

Uulitin ko. Hindi namin siya tinatago, hindi pa lang kami handang sagutin lahat ng katanungan nila. Gusto lang namin siyang makapagfocus sa pag-aaral lalo na at two years a head na ako sa kanya kaya hindi ko siya mababantayan ng maigi. Ang mahalaga, pumunta siya sa school para mag-aral at makapagtapos hindi para makipagtalo at ipaliwanag lahat.

Kaya naniniwala ako sa kasabihang, kapag maraming nakakaalam, maraming pwedeng makialam.

Nang makarating kami sa school nila joren ay agad kong binaba ang wind shield ng sasakyan ko. Tulog pa kase sa katabing upuan ko si baby bunso na dumedede. Yung dalawang bata naman sa likod ay bising busy sa paglalaro nila. Hays, mana nga talaga sila sa kakulitan ko. Ang energetic nila, naku pati si baby perth humabol na sa ate niyang makulit. Buti na lang at pina customize namin itong sasakyan para kahit papano kahit mag-isa ako at nagdadrive safe sila sa loob ng sasakyan.

Tinanggal ko lang ang seatbelt ko at kinamusta ang mga bata sa backseat.

"Mga anak relaks lang kayo diyan ha. Iispatan ko lang ang tata niyo" ang sabi ko sa kanila.

Bulol pa kase ang mga bata kaya sa halip na papa at daddy eh "tata at tati" ang tawag nila sa amin.

Ewan mga par! Kinikilig ako kapag tinatawag nila kaming ganun. Ang cute kase parang yung asawa ko sobrang cute hihihi...

Pagtingin ko sa gate ng school nila joren ay saktong palabas na ito. Ngingiti na sana ako para tawagin siya pero bigla itong nawala ng makita ko siyang may kasamang kaklase...Oo. Lalaking kaklase.

Hmmm..

Nagpaalaman na sila sa isa't-isa kaya agad ko itong Kinawayan at tinawag. Nang mapansin nito ang pagtawag ko ay agad itong tumakbo papalapit sa amin.

TMF 2: Sana Lahat Loyal (BoyxBoy) - MPREGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon