SLL 14

7.4K 402 81
                                    

Pasensya na po sa matagal na update at sa mga naghintay at sa patuloy na sumusuporta. Sa mga silent readers ko dyan paramdam naman kayo hehehe.. Free to leave a comment. Enjoy reading :)

______________________________________

Joren's POV

False alarm. Hindi pa pala ako manganganak. Ang sabi sa akin ni mommy buti na lang daw at hindi natuloy ang panganganak ko dahil hindi yun makakabuti sa baby namin. Hindi pa daw kase ito ang kabuwanan ko sa susunod pang buwan. Baka sumabay lang sa pagsipa ni baby ang pagkahilo ko kaya muntik na akong matumba kanina.

Lahat nga sila ay natakot at naalarma sa nangyari kanina eh. Gayun pa man ay nagpatuloy ang aming kasiyahan.

Nagkwentuhan, biruan, at nag-inuman. Magkakainom sila papa, daddy, mama at mommy. Dahil nandito na daw silang pare-pareho ay susulitin na nila ang kanilang bonding habang sina Coco, Aseya, Bill, francis at Ivan naman ay nag set din ng kanilang lamesa.

Pero bago sila magsimula ay pinagsabihan nila mommy at mama si Ivan na wag masyadong maglasing dahil kelangan niya akong bantayang maigi lalo na at malapit na akong manganak. Kelangan lagi daw siyang handa sa panganganak ko. Sinang-ayunan naman nito.

Doon sa kusina nag-inuman ang mga magulang namin habang ang mga kaibigan ko at si Ivan naman ay sa sala. Magkatabi sina Aseya at Coco, syempre ang magjowang si Bill at francis at kami naman ni Ivan. Medyo ok na si Ivan sa mga kaibigan ko. Remember ayaw nila kay Ivan noon dahil nga sa pagtataboy nito sa akin pero dahil nakikita naman nila ang pagbabago nito at pagmamahal sa akin naging ok din.. Saka Always lang daw silang nakasupport sa akin.

Minsan talaga nakakabwisit ang mga kaibigan natin noh. Minsan sila pa ang unang tatawa sayo kapag nagkamali ka, sila pa ang mambubuli sayo pero kahit ganun sila. Sila ang unang magtatanggol at lalapit sayo kapag may problema ka.

Alam kong mabilis lang makahanap ng kaibigan pero ang hirap makahanap ng totoong kaibigan. Naniniwala kase ako na ang pagkakaibigan ay parang isang relasyon. Wag kang magtitiwala hangga't hindi pa kayo tumatagal. Dahil hindi mo alam na ang kaibigan mo pa pala minsan ang unang aahas sayo. But in my case. Ang swerte ko sa kanila.

Napangiti lang ako habang pinagmamasdan sila. Masaya silang nagkukwentuhan at nagtatawanan. Ang sarap lang nilang pagmasdan. Napatingin sa akin si Aseya.

"Bes, may pangalan na ba kayo ni Ivan sa baby niyo?" ang tanong nito.

"Ahmmm.. Meron na kaya lang hindi pa kami sure. Gusto kase namin kakaiba" ang sabi ko dito.

"Gusto mo bang mag suggest ako?" ang sabi nito.

"Aseya alam mo namang kaibigan kita pero it's a No for me!" ang natatawang sabi ko. Pati sila natawa din.

"Ay grabe siya oh. Ang ganda kaya ng pangalan ko. Aseya" simangot nito.

"Oo nga yung pangalan mo maganda pero yung suggestion mo mukhang hindi hahaha.."

"Heh! Ewan ko sayo" napikon ata hahaha..

Nagulat na lang ako ng hawakan ako ni Ivan sa bewang at mas lalong idinikit sa kanya.

Bumulong ito sa akin.

"Mahal ang bango mo po" papuri nito sa akin. Lagi naman akong mabango ah. Ano kayang problema ng lalaking ito?

Lumapit din ako sa kanya at bumulong.

"Che! Wag kang ano dyan. Wag kang masyadong magpakalasing ah lagot ka talaga kana mama" pananakot ko sa kanya.

"Opo mahal ko. Sayo pa nga lang eh takot na takot na ako eh hehehe.. Saka Hindi kita pababayaan noh. Ikaw pa, eh mahal na kita" ang nakangiting sabi nito habang nakatitig sa mata ko.

TMF 2: Sana Lahat Loyal (BoyxBoy) - MPREGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon