SLL 28

4.5K 292 84
                                    

Joren's POV

Takbo lang ako ng takbo hanggang mawala sa paningin ko si Ivan. Ang sakit. Sobrang sakit. Ayoko ng magmahal. Ayoko na!

Sumakay ako ng tricycle at nagpahatid sa amin.

Sa mga oras na ito. Sa mga pagkakataong ito. Wala na akong ibang alam kundi ang lumayo at kalimutan siya. Tama na. Tama na yung mga taon na ginugol ko sa kanya. Yung mga taon na nagpakatanga at naniwalang mamahalin niya ako. Lahat yun isang kasinungalingan at lahat ng yun walang katotohanan.

Ako si tanga. Ako si gaga. Lahat ng pinapakita niya akala ko totoo. Akala ko ako lang. Yun pala ako lang kapag kami lang pero kapag wala na ako sa tabi niya kung sinu-sino na lang.

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng desisyon kong ito pero ang alam ko lang pagod na ako. Pagod na talaga.

"Dito na po tayo"

Nagising na lang ang diwa ko ng magsalita si manong.

"Ah, eh.. S-sige po" kumuha ako ng pera sa bag ko at binayad sa kanya.

"Ok ka lang ba?" tanong ni manong sa akin.

"Ok lang po ako Salamat" ang nakangiting sabi ko kay manong.

Matapos kong magbayad ay umalis na ito. Huminga lang ako ng malalim at pinakalma ang sarili. Naiiyak parin ako. Sobrang sakit parin. Wala na. Nagdesisyon na ako. Nasaktan ko siya at nasaktan niya rin ako.

Papasok na sana ako sa bakuran namin ng makita ko ang imahe ni Carl papalapit sa akin.

Nakangisi itong lumapit sa akin at tiningnan ng nang-aasar.

"Hi couz?" ang may pangungutyang bati nito. "I heard na nag kiss daw si Trish at Ivan kanina kaya dumiretso ako dito. Ahmmm.. Masakit bang lokohin ka ng taong mahal mo? Sabi ko naman kase sayo diba. Walang magmamahal sa at----"

Niyakap ko siya ng mahigpit at umiyak ako ng umiyak sa balikat niya. Ayoko munang makipag away sa kanya. Gusto ko muna ng taong makakapitan at maiiyakan ko.

Alam kong nagulat siya sa ginawa ko. Alam ko yun pero ang sakit talaga. Mahal na mahal ko si Ivan eh. Mahal na mahal ko siya.

Unti-unti kong naramdaman ang paghagod nito sa likod ko.

"I-insan" ang humahagulgol kong sabi. "Pwede bang hayaan mo muna akong umiyak sa balikat mo kahit ngayon lang. Saka mo na lang ako ulit awayin kapag nailabas ko na lahat ng sakit dito sa puso ko ha" ang parang batang sabi ko.

Kahit wala siyang sinasabi alam ko at ramdam ko na naiintindihan niya ako. Halos ilang minuto din akong nakayakap sa pinsan ko. Namiss ko siya. Namiss ko lahat ng ginagawa namin tuwing magkasama kami.

Sisinghot singhot akong humiwalay sa kanya at nagpunas ng luha.

"Salamat couz.. Salamat" ang paulit-ulit kong sabi. Nakatitig lang ito sa akin saka umiwas ng tingin.

"Tara na sa loob" ang walang ganang sabi nito. Napangiti lang ako sa kanya saka tumango. Sabay kaming pumasok ng bahay.

Nagulat ako ng makita ko sina mama at papa.

"A-ano pong ginagawa niyo dito?" ang gulat na gulat kong tanong sa kanila.

"Wala kase kaming pasok ng papa mo bukas kaya naisipan naming bisitahin kayo" ang sabi ni mama. "Umiyak ka ba anak?"

Kinuyom ko lang ang kamao ko at pinipigilan ang sariling wag umiyak.

"M-ma..." tumingin ako dito saka ngumiti. "Wala na po kami. Tapos na. End na. Walang forever" ang tumutulong luhang sabi ko.

TMF 2: Sana Lahat Loyal (BoyxBoy) - MPREGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon