SLL 4

5.9K 314 46
                                    

Otor's Note: Guys pagpasensyahan niyo na si otor kung hindi mag mukhang doktor yung nagsasalita ha. Wala kase akong kaibigang doktor at hindi ko alam kung paano sila makipag-usap sa pasenyente.

Ayoko po talaga sa Hospital hahaha.. Kaya sana intindihin niyo na lang. At yung mga nakalathala po diyan ay based on my research at may mga totoong case po siya bale pinagbasehan ko lang. Btw. Hope na-explain ko siya ng malinaw.

Enjoy reading :)

______________________________________

Joren's POV

Nagising na lang ako na nandito na ako sa loob ng school clinic namin.

Wait. Yung praktis namin. Agad akong bumangon pero bigla nalang may pumigil sa akin.

"Teka dahan dahan" ang sabi ng lalaki. Pagtingin ko si Bill pala kasama sina Coco at Aseya.

Inalalayan niya akong makaupo.

"Ok kana ba?"

"Ok na ako. Kamusta yung praktis natin?" pag-aalala ko.

"Gaga ka. Nahimatay kana't lahat yung pagsasayaw parin ang inaalala mo kesa sa kalagayan mo" ang sermon sa akin ni Aseya.

"Sorry naman po. Hindi ba pwedeng nagtatanong lang?" sabay ngiti ko dito. Inirapan niya lang ako.

Bigla namang pumasok si nurse kasama si Francis saka ito lumapit kay Bill at umakbay.

Ang laya nila noh? Ang swerte ni Bill dahil kaya siyang ipagmalaki ni Francis sa iba.

Hay... Ivan ko kelan na tayo? Ano na? Nga nga na lang?

"Kamusta po si Joren?" ang tanong ni Bill sa nurse.

"Ok na naman siya. Kelangan niya lang magpahinga. May praktis pa ba kayo?"

"Meron po pero hindi na po namin papayagan si Joren. Pwede na po ba siyang pauwiin" Ang sabi ni Bill.

Wow ha! Siya na ba ang principal ngayon at siya na ang nagdedisisyon para sa akin.

"Mabuti pa nga" pagsang-ayon naman ni nurse saka ito tumingin sa akin.

"Kung magpatuloy man ang pagkahilo at pagsusuka mo Mister Castillo ay mas mabuting sa doctor kana magpatingin para mamonitor ka nila ng maayos ok ba yun?"

"Sige po nurse salamat po" ang nakangiting sabi ko. Hindi na rin ako makatanggi dahil medyo nanghihina pa rin ako. Gusto ko ng umuwi at magpahinga emotionally at physically.

"O siya sige. Buti na lang at nandito pa ako sa school at naasikaso kita" ang sabi pa ni nurse sa amin.

Sabay sabay na kaming lumabas ng school clinic at nagpaalam na sa isa't-isa. Ganun din si nurse sa amin.

Tumingin naman ako sa mga kaibigan ko at nagpasalamat sa kanila.

"Guys salamat nga pala sa tulong niyo ha" ang sabi ko sa kanila.

"Ano ka ba wala yun" ang sabi ni Coco. Ngumiti lang si Aseya.

"Teka. Sino nga palang nagbuhat sa akin kanina?"

"Si Francis" ang nakangiting sagot ni Bill. Kaya pala. Hmmm.. Nahiya naman ako.

"Salamat Francis ah" ang nakangiting sabi ko.

TMF 2: Sana Lahat Loyal (BoyxBoy) - MPREGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon