SLL 20

4.3K 240 34
                                    

May nagbabasa pa ba ng kwentong ito? Sana meron at sana wag kayo magsawang sumuporta at mag Vote dito kahit ang tagal minsan ng update ko. Hirap pong ma-writers block.

Enjoy reading :)

______________________________________

Bill's POV

Kasama ko ngayon si mama sa kusina. Napagkasunduan kase naming ipagluto sina papa at Francis ng hapunan. Excited na nga ako eh dahil alam kong matutuwa na naman si mokong nito. Tuwang tuwa kase yan kapag ipinagluluto ko siya ng paborito niyang ulam.

Ewan ko ba diyan pero gustong gusto niya talaga ang luto kong adobo. Iilan lang ang may gusto ng adobo ko. Parents ko at si Francis lang. Yung iba ang sabi hindi daw masarap. Hay.. Aminado naman talaga ako na wala akong talent sa pagluluto. Prito at instant noodles lang talaga ang kaya kong lutuin. Buti nga napagtatyagaan ni loko ang adobo ko eh. Mahal lang siguro ako ni francis hihihi..

"Anak, saan kayo matutulog ni Francis?" tanong ni mama habang nagsasaklang ito ng sinaing.

"Diko pa po sure mama pero ang sabi niya susunduin niya daw po ako eh baka doon po sa kanila"

"Ah, ganun ba"

"Bakit po Ma?" tanong ko.

"Wala naman anak. Natutuwa lang ako kase dalawang bahay na ang inuuwian mo. Sa amin at sa kanila" ang nakangiting sabi ni mama. Napangiti rin ako.

"Ma' naman eh. Syempre swerte din naman po sa inyo ang boyfriend ko at swerte din ako kanila kase tanggap niyo kami"

"Asus... Nagdadrama ka na naman. Syempre basta lahat ng ikasasaya mo anak ok sa amin ng papa mo. Alam mo naman yun diba?" lumapit ako kay mama at yumakap dito.

May gusto akong sabihin sa kanya. Gusto ko lang kase malaman ang suhestyon niya.

"Ma' ahmm, ano po kase.. Ahmm.. Alam ko pong bata pa po kami ni Francis pero paano po kung dumating yung panahon na gusto na niya akong pakasalan. Ok lang po ba sa inyo?"

"Kasal agad anak? Ni hindi pa nga siya nagpopropose sayo eh" simangot ni mama.

"Ma' naman eh.." natawa lang si mama.

"Ok lang naman sa amin anak pero ang bata niyo pa ha. Ang dami niyo pang pagdadaanan sa buhay. Ni hindi pa nga kayo tumutuntong ng kolehiyo yun na agad ang iniisip niyo. Napag-uusapan niyo na ba talaga ni francis ang bagay na ito?" tumango lang ako kay mama.

"Sure na sure na daw po kase sa akin si francis mama. Yun po ang sabi niya" inosenteng sabi ko. Ginulo lang ni mama ang buhok ko.

"Hay naku. Kabataan nga naman ngayon" napasimangot lang ako at naupo sa lamesa. Nilaro ko lang yung pinggang nasa harapan ko.

"Anak. Alam mo naman kung gaano ka namin kamahal ng papa mo diba at kung gaano namin kamahal si francis para sayo" tumango lang ako. Nagpatuloy si mama sa pagsasalita.

"Anak walang masama kung yan na ang iniisip niyong dalawa. Ang tagal niyo na rin naman. Siya ang first mo.. As in sa love siya lahat. At alam mo naman na hindi ka pa rin nakakaranas ng heartbreaks diba?" tumango lang ako kay mama habang nakikinig sa kanya. Humarap ito sa akin at itinigil ang kanyang ginagawa.

Bumuntong hininga ito.

"Anak, I dont want to offend you at malaki ang tiwala namin kay francis at sayo pero sana magtira ka ng kahit kontinh poryento sa sarili mo ha. Ayaw naming dumating yung panahon na pareho na kayong nagkakasakitan. Hindi sa lahat ng pagkakataon masaya kayo, hindi lahat tumatagal anak. Hindi sa hinuhusgahan ko ang pagmamahalang meron kayo pero anak, hinahanda ko lang ang kaisipan mo at ang sarili mo sa pwedeng mangyari sa hinaharap niyo. I love you anak at alam mo naman yan diba? Kaya lagi mo yang tatandaan ha" ngumiting lumapit ako kay mama at hinalikan ito sa pisnge.

TMF 2: Sana Lahat Loyal (BoyxBoy) - MPREGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon