SLL 32

6.1K 264 48
                                    

Ivan's POV

Binugbog ko na talaga siya sa sobrang gigil ko hanggang sa hindi na ito makatayo.

"T*ng *na mo! Kapatid kita ikaw pa ang gumagago sa akin. Ano bang kasalanan ko sayo ha!"

"Mahal ko si Joren! Mahal ko siya!!" ang sigaw nito habang nakahiga parin sa sahig.

"Siraulo ka ba! Alam mong akin na yun. Boyfriend ko na yun! Gago ka ba ha!" gigil na sabi ko.

"Walang sayo kuya! Hindi pa kayo kasal!" dahil sa sinabi nito sinapak ko na naman siya sa mukha ng maliwanagan siya sa kanyang kahibangan.

"At sa tingin mo magiging kayo? Hindi ko siya ibibigay sayo o kahit kanino! Mangarap ka ng gising. Akin lang si joren!" ang masamang tingin ko dito. Tigas ng ulo.

"Hindi kayo bagay. Mas bagay kami. Manloloko ka! Iiwan mo rin si joren pagdating ng panahon!" ang sabi nito. Natawa lang ako sa paratang niya.

"Talaga ba? Sana nga manloloko ako, sana nga mang-iiwan ako para hindi ako nababaliw ng ganito sa kanya" ang sabi ko dito.

Putek! Iba talaga kapag inlove.

"Ish gumising ka. Hindi lang si joren ang tao sa mundong ito. Madaming tao diyan na pwede mong mahalin wag mong isiksik ang sarili mo sa alam mong hindi magiging sayo dahil hinding hindi ko na siya iiwan kahit kelan!"

Napaiwas lang ito ng tingin. Alam kong alam niya kapag sinabi ko gagawin ko.

"Kapatid kita. Mahal kita. Hindi man tayo galing sa iisang sinapupunan pero kapatid kita. Lagi mong tatandaan yan Ish. Bilang kuya mo. Alam kong marami tayong hindi pinagkakaunawaan. Alam kong pareho tayo ng pinagdaanan. Naging malayo tayo sa isa't-isa pero bilang kuya mo. Handa akong patawarin ka sa lahat ng ginawa mo. Ang hiling ko lang sayo ay hayaan mo na kami ni joren. Hayaan mo na kaming maging masaya. Ish, bumalik na tayo sa dati. Ako na kuya mo at ikaw na bunsong kapatid ko"

Napayuko lang ito habang nagpupunas ng luha.

Naiintindihan ko siya. Naiintindihan ko ang pinanggagalingan niya. Hindi dahil sinapak at binugbog ko siya ay wala na, tapos na lahat. Mahal ko yan dahil kapatid ko yan. Kundi dahil kay joren baka hindi ako nagbago, baka barumbado parin ako at gago. Kundi lang ako inlove hindi ko alam ang salitang patawad. Sa totoo lang.

"Ish, Hinding hindi ka magiging masaya kung parati na lang kasamaan ang tumatakbo sa isipan mo. Kung parating pagganti ang layunin mo. Alam kong mahal mo si joren, pero alam mo rin kung sino ang mahal niya. Ako yun at ako lang talaga. Pero tandaan mo. Nandito si kuya, sina mommy at daddy. Kami ang magmamahal sayo ng lubusan"

Iyak lang ito ng iyak.

Naaawa ako sa kanya. Alam ko ang bigat at pagmamahal na gusto niyang maranasan. Pero kahit kelan hindi solusyon ang pagganti at pag gawa ng kasalanan.

"Alam kong maraming gumugulo sa isipan mo ngayon. Alam kong malaki ang galit mo sa akin. Hindi kita pipilitin ngayon pero nandito lang ako kapag may problema ka"

Tumalikod na ako dito. Kelangan niya ng space. Nilamon siya ng galit kaya nakakagawa siya ng kasalanan, hindi na rin siya nagpapapasok. Alam kong pagagalitan ako nila mommy at daddy sa pagbugbog ko sa kanya. Ginawa ko lang yun para matauhan siya. Minsan hindi sapat ang salita lang, minsan kelangan mo rin masaktan pisikal at emosyonal para pareho silang matauhan.

Bumalik na ako sa school kahit ganito ang nangyari. Sa pang hapong klase na lang pumasok. Ayokong biguin sina mama at papa sa pangako ko para anak nila. Mahal na mahal ko yun kaya gagawin ko lahat para sa kanya.

Nagfocus at nakinig ako ng mabuti sa itinuturo ng guro namin. Hindi naman ako ganun kahina hindi lang talaga ako mahilig mag-aral, pero pag nagseryoso ako. Kabahan na ang top 10 namin hahaha.. Joke lang.

TMF 2: Sana Lahat Loyal (BoyxBoy) - MPREGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon