SLL 12

7.5K 394 61
                                    

Joren's POV

"Bes, last month mo na pala ngayon sa school noh?" ang malungkot na sabi ni Aseya sa akin.

"Oo nga eh. Mamimiss ko kayo. Lalong lalo ka nang gaga ka" ang sabi ko sa kanya.

Medyo nalungkot naman ako doon. Nasanay na kase ako na sila Coco at Aseya ang lagi kong kasama simula 1st year high school hanggang ngayon. Eto ang first time na mahihiwalay kaming tatlo. Ang bilis na kasing lumaki ng tyan ko. Sabi kase ni Dok may mga buntis daw talagang mabilis lumaki ang tyan at may mga buntis na hindi lakihin ang tyan. Buti na lang at bumili si mama ng malaking polo para sa akin kaya hindi masyadong halata na buntis ako.

"Uy bisitahin niyo ko sa bahay minsan ah" ang sabi ko sa kanila.

"Oo naman basta maraming pagkain kahit araw araw pa yan" ang nakangiting sabi ni Coco.

"Ay naku Coco puro ka pagkain. Tingnan mo nga yang katawan mo malapit ka ng lumubo" ang pang-aasar ni Aseya dito. Natawa naman ako ng bahagya.

"Hindi kaya" ang nakasimangot na sabi ni Coco. Hahaha..

"By the way. Kamusta naman ang pagsasama niyo ni Ivan?" ang tanong sa akin ni Aseya.

Napabuntong hininga lang ako at nagpalumbaba sabay nguso.

"Ayon. Magulo ang taong yun.. Sobrang gulo niya hay!" ang nakangusong sabi ko.

"Ha? Paanong magulo?"

"Maiistress ka sa kanya kaya wag mo nang alamin"

"Sus di pa sabihin. Sa dami ng mga pinagdaanan natin ngayon ka pa ba magtatago ng sikreto sa amin? Kaibigan mo kami joren" ang simangot nito habang si Coco nag thumbs up lang.

"Oo na sasabihin ko na!" ang naiinis na pagsuko ko. Ayoko sana sabihin sa kanila kase alam ko naman ang ipapayo nila.

"Yun naman pala eh ang dami pang pasakalye. Jeske!" Natawa lang ako sa itsura ni Aseya hahaha..

"Ayon nga. Naguguluhan na ako sa kanya. Hindi lang pala sa kanya pati na rin kay Ish. Umamin siya sa akin kahapon na gusto niya daw ako at gusto niya akong ligawan" pagkukwento ko sa kanila.

"Gaga. Anong bago doon? Matagal na naming alam na may gusto sayo si Ish. Ang obvious kaya ng lalaking yun" ani ni Aseya.

"Talaga ba? Alam niyo na noon pa lang? Akala ko kase gusto niya lang ako bilang kaibigan"

Well sa totoo lang noong una akala ko friends lang talaga ang intensyon ni Ish sa akin diba nga bulag na bulag pa ako kay Ivan para tumingin sa iba pero simula ng pagpahingahin ko ang sarili ko kay Ivan. Nagkaroon ako ng pagkakataong tingnan ang ibang lalaki at mula kay Ish nagka hint ako. Kaya lang ayoko munang mag-assume baka ma hiopia na naman ako diba. Dahan dahan lang.

"Eh teka. Anong magulo kay Ivan?" ang tanong ni Aseya. Si Coco taga pakinig lang talaga yan.

"Umamin din siya sa akin kahapon na gusto niya akong ligawan. Hindi lang basta ligawan binabakuran na niya ako" ang nakasimangot na sabi ko.

"Naniwala ka naman?"

"Hindi noh, pero kase, parang totoo. Ay ewan. Pati ako naguguluhan na rin" ang sabi ko.

"Bes alam kong wala ako sa lugar para magpayo sayo which is lagi ka naman naming pinapayuhan pero wag kang umasa ng hindi ka masaktang muli ha"

"Alam ko yun pero hindi ba masamang maniwala ulit?"

"Bes, taga payo lang kami pero hindi namin hawak ang desisyon mo. Kung ano man ang maging desisyon mo at kung ano man ang kalabasan nito, wala kang ibang sisisihin kundi ang sarili mo" napayuko lang ako sa sinabi ni Aseya. Tama siya.

TMF 2: Sana Lahat Loyal (BoyxBoy) - MPREGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon