SLL 34 (End of the story)

4.6K 252 73
                                    

Bill's POV

Masaya ako para sa kinahinatnan ng kaibigan ko. Pero sa buhay namin, sa tulad namin. Mahirap ng makahanap ng lalaking seseryoso at mag-iistay sayo.

Yung iba susuko na lang sa pagmamahal, hindi na maniniwala na may lalaking magmamahal sa kanila ng totoo. Babalik na lang sila kung saan tama sa paningin ng lahat at kung saan sa tingin nila doon may tatagal.

Yung ipinaglalaban namin na may lalaking magmamahal samin ng totoo. Lahat yun mababalewala. Lahat yun isasantabi. Pera lang naman kase ang habol nila samin, panandaliang kasiyahan, panandaliang sarap. Hindi kase kami pang matagalan at hindi kami pang pamilya. Hindi pwedeng ipagmalaki at hindi pwedeng ipakilala. Kaya bakit ka pa magmamahal ng lalaki kung sa babae magagawa mo lahat yan diba?

Lahat yan, narinig ko na. Lahat yan sinukuan nila. Yung ipinaglalaban mo, minsan maiisip mo. Tama pa bang ipaglaban ang pagmamahalang ito kung sa huli alam mong hindi parin ikaw ang hanap nito?

Nakakapagod diba? Pero minsan kahit nakakapagod patuloy parin tayong lumalaban, patuloy parin nating pinapatunayan sa buong mundo na kahit ganito tayo kaya nila tayong mahalin ng totoo. Na kaya nila tayong ipagmalaki. Na hindi lang tayo pang kama kundi pang matagalan.

"Babe tara dali" hila ko dito.

"Ha? Saan tayo pupunta?" ang tanong nito. Basta hinila ko siya doon sa harap kung saan nagpalitan ng Vows sina joren at Ivan.

"Doon nga sa unahan"

"Ha? Eh nagsisialisan na sila eh. Papunta na sila sa reception area"

"Hayaan mo sila. May sasakyan naman tayo eh. Sumunod lang tayo after nito. Mabilis lang to pramis" ang sabi ko sa kanya.

Wala siyang nagawa kundi ang magpadala sa akin. Hindi ko kase alam ang tawag dun. Hindi naman ito altar. Wala naman kase kami sa simbahan basta sa may center kung saan kinasal sina joren at Ivan. Yun na yun hahaha..

Pagkarating namin doon ay nilibot ko lang ang paningin ko. Iniimagine ko na maraming tao sa harapan namin tulad ng kasal ni joren at ikakasal din kami ni Francis.

Nagharap kami ni Francis at hinawakan ko siya sa kamay niya. Nakangiti ko siyang tinitigan sa mata.

"Babe. Umiiyak ka ba?" ang tanong nito sa akin.

"Tears of joy lang babe. I'm happy for joren. Ganito pala ang feeling ng ikakasal noh. Para tuloy akong kinasal"

Naramdaman kong pinunasan niya ang luha ko.

"Bill..."

"Ahmm... Francis Sigurado kana ba na papakasalan mo ako?" tanong ko sa kanya.

"Oo naman. Hindi na nga ako makapaghintay eh"

"What if.."

"No what if's ok. Sure ako sa desisyong pinili ko, sa buhay na pinili ko. Kung napatunayan nila Ivan at Joren ang pagmamahalang mahirap tanggapin. Papatunayan ko rin sayo at ibibigay ang buhay na kasama ka. If iisipin mo na iiwan kita. No! Because I love you"

"2 years ka pang maghihintay. Ok lang ba sayo?"

"Oo naman. 2 years lang yun pero after nun. Lifetime na ang kapalit diba. Mas mahaba yun babe" sabay ngiti nito.

"Magtropa nga kayo ni Ivan" ang sabi ko sa kanya.

"Di kaya. Mas gwapo ako dun"

Hay. Eto na naman po tayo. Ayaw niya talagang magpatalo sa tropa niya hahaha..

"Tara na nga. Gutom na ako" ang sabi ko sa kanya aktong aalis na ako ng bigla siyang magsalita.

"Wait" pigil niya sa akin at mapusok niya akong hinalikan sa labi. After niyang humiwalay sa halikan namin ay bigla niyang ginulo ang buhok ko. "Bill from now on. This is the start of our journey bilang future husband mo"

TMF 2: Sana Lahat Loyal (BoyxBoy) - MPREGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon