SLL 9

8.2K 442 151
                                    

Sabaw po itong update na ito. Enjoy reading :)

______________________________________

Ivan's POV

"Joren? A-anong ginagawa mo dito?"

F*ck! Bakit ba nauutal ako. Hindi naman ako ganito dati ah.

Tumingin muna siya sa kaliwa at kanan saka biglang lumapit sa akin at bumulong.

"Nakasupport kami ni baby sayo" ang nahihiyang sabi nito.

Putek! Yung boses niya. Ang init. Ang daming kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko.

Ni Wala nga akong nasabi eh. Nabahag ang buntot ko. First time to. First time na may nakagawa sa akin nito.

Hindi siya makatingin sa akin. Namumula siya. Ako rin namumula.

"Ahmm.. S-sige na Ivan. Babalik na ako doon. Pananoorin kita ha. Galingan mo... Susu na Khap, P' Ivan" ang nakangiting sabi nito saka ito umalis.

Habang tinatanaw ko siya ay bigla na lang gumuhit ang ngiti sa labi ko.

F*ck!

Para akong tanga dito kakangiti.

"Ang sarap sa pakiramdam na may sumusuporta sayo noh?"

Hala. Saan galing yun?

Paglingon ko sa likod ko ay nakita ko ang nakangiting si Francis.

"Chismoso!" sabi ko sa kanya. Tinawanan niya lang ako.

"Anong nangyari pare? Bakit parang ang bilis mo atang nagbago?"

"Ha? Nagbago ng ano?" nakakunot noong tanong ko sa kanya.

"Nagbago ng feelings" sabay ngiti pa nito ng malaki. Nang-aasar ba siya?

"Ulol. Walang nagbago saka hindi ko siya crush"

"May sinabi ba akong crush mo siya? Napakadefensive mo naman pare hahaha"

Ha? Wala ba siyang sinabi? Sh*t! Ano ba talagang nangyayari sa akin.

"Ewan ko sayo g*go!" inis na sabi ko.

Hindi rin naman nagtagal at nagsimula na ang game namin. Puro tilian ng mga babae at kabaklaan ang maririnig mo tuwing nakakapuntos ako. Ano bang bago eh Ako lang naman ang crush ng lahat. Saka inspired eh kaya sarap maglaro. Inspired ba kanino? Shet. Kanino nga ba? Hay.

Natapos ang first at second quarter na kami ang lamang.

Nakaupo kami ngayon sa bench habang umiinom ng tubig ng bigla na lang may nag-abot sa akin ng towel.

"Heto oh, pamunas mo ng pawis" pagtingin ko si Ariana pala.

"S-salamat Ariana" ang nakangiting sabi ko.

Kinantyawan naman ako ng mga kateammate ko.

"Iba ka talaga pare. Ang swerte mo naman!" tukso nila sa akin.

"Oo nga pare. Ambunan mo naman kami ng swerte" tukso pa ng iba saka sila nagtawanan.

"Mga ulol. Manahimik kayo diyan" inis na sabi ko saka ako tumingin kay Ariana. "Pagpasensyahan mo na sila ha. Mga takas kase sila sa mental"

"Ok lang" ang nakangiting sabi nito. "Basta galingan mo sa game ha"

Napatitig lang ako sa kanya. Bakit parang gusto ko si Joren ang magsabi nun sa akin? Aixt. Eto na Ivan oh. Babae na yan. Maganda pa. Siya na yung pangarap mo. Pangarap na sinasabi mo kay Joren. Bakit siya ngayon ang iniisip mo.

TMF 2: Sana Lahat Loyal (BoyxBoy) - MPREGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon