SLL 15

6.3K 331 81
                                    

Ivan's POV

Agad akong nagpaalam kay ma'am na kelangan ko ng umuwi ng hindi sinasabi ang dahilan. Basta ang sabi ko lang emergency. Hindi ko na rin hinintay pa ang sagot ni maam, kase payagan man ako o hindi. Aalis at aalis ako. Tinungo ko na agad parking lot at pinaharurot ang sasakyan ko papuntang Hospital. Nasa private room daw sila kung nasaan si joren.

Labis ang kaba, tuwa at takot na nararamdaman ko ngayon. Sobra akong kinakabahan para kay joren at sa baby namin.

First time ko ito. First time kong magkaroon ng anak. Sana healthy ang baby namin at sana ayos lang si joren.

Naging mabilis naman ang byahe ko papuntang hospital. Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at agad kong tinanong sa nurse kung nasaan ang room nila joren. Tinuro naman nito agad sa akin. Takbo agad ang ginawa ko dahil gusto kong masilayan ang panganganak ni joren. Kinakabahan ako. Sobra. Grabe!

Pagdating ko doon ay agad akong sinalubong ni papa.

"Papa si Joren po?" ang natatarantang tanong ko sa kanya.

"Nasa loob anak kasama ang mama niya"

"Gusto ko pong pumasok. Gusto ko pong makita si joren. Papa gusto ko po nasa tabi ako ni Joren please.." ang pakiusap ko sa kanya.

"Sige anak. Magbihis ka muna bago ka pumasok doon. Nasa kabilang kwarto yung susuotin mo"

"Sige po papa. Salamat po"

Agad kong tinungo ang kwartong sinabi ni papa at sinuot ang damit na sinabi nito. Ewan di ko alam kung anong tawag dito basta sinuot ko na lang at agad akong pumasok sa kwarto kung nasaan sila.

Nakita ko doon si joren na walang malay kasama si mama. Nandito din sila mommy at daddy. Ipinaliwanag nila sa akin ang gagawin nila kay joren ay through Caesaran, Caesarean section or Caeserean delivery. Under general anesthesia din siya ngayon dahil natatakot daw siyang operation kapag nasa malay ito kaya pinatulog muna nila.

Sana pala di na lang ako pumasok para palakasin ang loob ng mahal ko. Sana bago siya dalhin dito nasa tabi niya ako hayss.. Lumapit lang ako sa kanya at hinawakan ang kamay nito. Hindi ko maiwasang titigan siya at magdasal para sa kaligtasan niya at ng mga anak ko.

Dasal lang ako ng dasal habang ginagawa ang proseso sa kanya. Halos abutin kami ng isang oras bago ko marinig ang pag-iyak ng dalawang bata. Halos hindi ko maiwasang tumulo ang luha habang pinapakalong nila sa akin ang kambal ko.

Nanlalabong tinitigan ko sila. Sobrang saya ko. Sobra! Yung lahat ng kasiyahan ko hindi ko na maipaliwanag. Lumapit ako kay joren at pilit ipinapakita sa kanya ang anak namin. Under anesthesia pa rin siya pero gustong gusto ko nang masilayan niya ang anak namin.

Kinuha nila mommy at daddy sa akin yung kambal at nilinisan. Binigyan din nila ito agad ng gatas na especial para sa kanila. Hindi kaya ni joren mag breastfeed kaya naghanda na sila noon pa ng alternative way kung paano nila mapapadede ang mga bata. Sobrang laki ng pasasalamat ko sa mga magulang namin ni joren. Nandyan sila lagi para suportahan kami. Lalong lalo na ako sa mga magulang ko. Kung noon hindi ko talaga sila maintindihan pero ngayon mas naiintindihan ko na kung nakit sila ganito sa akin. Mahal nila ako.

Hindi pala lahat ng magulang ay showy sa kanilang mga anak. Alam kong mahirap at gusto natin na maipadama sa atin ang pagmamahal na gusto natin. Pero dahil hindi nga sila ganun, bilang anak. Kung hindi natin sisimulan, hindi din nila masisimulan. Tayo na ang gumawa ng paraan para di sila mahiyang ipadama ang pagmamahal na gusto natin. Kung isa sa inyo walang kikilos, walang mangayayari. Minsan nahihiya lang talaga silang ipakita dahil magulang sila. Minsan ganun din naman tayo sa kanila, ayaw natin na binebaby tayo pero paano nga nila malalaman kung anong klaseng pagmamahal ang gusto mo kung hindi mo ipaparating sa kanila diba?

TMF 2: Sana Lahat Loyal (BoyxBoy) - MPREGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon