SLL 16

5.7K 265 53
                                    

Joren's POV

"Kamusta insan? Parang nakakita ka ata ng multo. Mukha na ba akong multo?" ang nakangising sabi nito.

"Anong ginagawa mo dito?" ang walang ganang sabi ko.

"Hindi mo man lang ba ako papapasukin? Ganyan kana ba bumati sa pinsan mo?" hindi pa rin nawawala ang ngisi niya.

"Umalis kana"

"Grabe ka naman insan" pumasok ito sa loob at naupo sa sofa. Nilibot niya ang kanyang paningin. "In fairness ha, hindi na rin masama"

Inirapan ko lang siya. Palibhasa mayaman sila.

"Wala ka bang juice o kahit tubig man lang?

"Wala. Hindi ka welcome dito"

"Ouch! Ang sakit mo naman magsalita couz. Porket may jowa kana ooopss.. Or should I say na may baby na rin" sabay ngiti nito.

Napangiti rin ako.

"Tigilan na nga natin ang kalokohang ito leo" ang sabi ko sa kanya.

"Hahaha.. Ang galing kong umarte noh?" pagmamalaki niya.

Asus.

"Medyo. Pero ang galing mo sa part na yun. Mag-aartista ka ba couz?" ang tanong ko dito.

"Maybe. But for now masaya ako sa buhay ko"

"Sa buhay niyo ni...?" ang nakangiting tanong ko.

"Alam mo napaka tsismosa mo insan. Patingin na nga lang sa mga pamangkin ko" ang sabi nito.

Wag kayong ano sa amin ha. Ganyan lang talaga kaming dalawa magbatian. Akala mo laging naghahanap ng away. Mataray kase yan kaya masanay na kayo.

Tumayo ito at naglakad paakyat ng hagdan. Nanatili lang ako sa baba. Nang makarating siya sa taas ay bigla ko itong tinawag.

"Insan!" tawag ko sa kaya. Lumingon naman ito sa akin.

"Oh? Ano yun insan?"

"Wala lang. Hindi lang talaga ako makapaniwala na pumatol ka sa kanya. Kilalang kilala kita insan, hindi ka ganyan. Sobrang arte mo at sobrang taas ng standard mo sa lalaki. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig noh?"

Napairap lang ito at tumango sa akin.

Mukhang inlove na inlove talaga siya sa lalaking yun.

"Sabi ni Miguel at Phun 'Love conquers all especially fears'. Kaya kahit alam niyang ganito ako, ganito ang ugali ko at ganito ako kayaman hindi siya natakot na mahalin ako kahit ano pang sabihin nila sa kanya. Saka couz, wala naman sa estado ng buhay yan. Nasa paninindigan mo kung paano mo papatunayan na pagmamahal ang habol mo at hindi ang yaman nito" sabay walk out papasok ng kwarto.

Naiwan akong nakatulala. Ang ganda ng sinabi niya ah. Alam kong mahirap ipaglaban ang pagmamahal sa tulad namin pero dahil sa pag-ibig na yan nakakaya nitong labanan ang lahat ng takot mo. Parang ako lang, kahit alam kong walang patutunguhan ang pagkabaliw ko noon kay Ivan hindi ako natakot at sumuko na ipaglaban siya kahit paulit-ulit pa ito. Tingnan niyo ko ngayon siya na ang baliw na baliw sa akin.

Ganda ko eh. Charot.

Nagulat na lang ako ng bigla na lang may pumulupot na kamay sa bewang ko. Hinalik halikan niya din ako sa leeg.

"Ang lalim ata ng iniisip ng mahal ko ah. Ako ba yan?" ang tanong nito. Ramdam na ramdam ko ang mainit na hininga nito sa tenga ko.

"Hindi noh. Bakit naman kita iisipin?" habang nagpipigil ako ng tawa. Napasimangot lang siya hahaha..

TMF 2: Sana Lahat Loyal (BoyxBoy) - MPREGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon