SLL 1

12.1K 507 71
                                    

Joren's POV

As usual magpapakilala muna ako. Syempre cliché eh.. Sa dami ba naman ng kwento sa wattpad hindi mo na kami masisisi kung magkakapare-pareho kami ng simula o pattern. Saka saan ka ba naman nakakita na sa huli magpapakilala ang mga character o ang bida ng isang kwento diba? Eh, Kung meron man edi sorry wala pa kong nababasang ganun eh hahaha..

Saka ano naman kung cliché ang isang kwento. Basehan ba yun para hindi mo na siya basahin? Wala naman yan kung cliché eh, nasa kwento yan kung paano ka nito maapektuhan at kung paano siya tatatak sa puso at isipan mo. I know sawa na kayo sa ganoong pagkakapareho ng pattern pero try niyo munang tapusin yung kwento saka niyo siya husgahan.

Kung wala siyang kwenta edi sorry pero kung may kwenta at malaki ang impact nito sayo.. Do you still mind pa rin ba if yung kwentong binabasa mo ay cliché? No right? So what's the point of complaining and reading some cliché stories? Just leave and find some stories that suits your taste.

I dont understand some people na nagjujudge ng mga kwentong cliché. Oo, marami ang mga kwentong magkakapareho ng pattern pero magkakaiba ang nakapaloob at nilalaman ng bawat emosyon ng kwento. Mamili ka nalang doon kung kanino ka iiyak, tatawa, maiinlove at mangangarap na SANA LAHAT.

Back to my story.

O diba? Ang dami kong nasabi.

My name is Joren Castillo, 16 years old at Grade 11 student dito sa probinsya namin sa Quezon. Kainis nga eh, inabot pa ako ng K-12 pero ok lang. Matagal ko pang masusulyapan ang number 1 crush at mahal kong si Ivan Rusit Solomon.

Yap! You heard it right. Isa niya akong.. Stalker, admirer o kung ano pang gusto niyong itawag sa akin. Ganoon ako kabaliw sa kanya.

Ow, by the way. I'm gay. Yeah! Gay? Hindi dahil gay ako magdadamit na ako pambabae. Wala naman problema sa akin kung magdamit ako pambabae but i prefer magdamit normal lang. Doon ako komportable.. Basta kung saan ka komportable walang masama dun. Pero Gay ako.

Simula ata elementary walang araw na hindi ko siya iniiwanan ng love letter sa bag niya. Oo patago ko siyang ginagawa noon hanggang sa tumuntong kami ng High School. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagpakilala na ako sa kanya. Na ako ang stalker niya, admirer. Sinabi kong mahal ko siya pero pinagtabuyan niya lang ako.

Gwapo na siya noong first year High school pa lang, matangkad, matangos ang ilong, mapula ang labi. Athletic. Naging player siya ng volleyball at basketball depende ata sa trip niya kung saan niya gusto maglaro na lalong nagpa-gwapo sa kanya.

Siya din ang pinakasikat sa school namin. Lahat ng babae at sang kabaklaan, eh talaga namang sinasamba siya. Syempre kasama na ako doon. Hehehe..

Noong nalaman nga niya na ako yung naglalagay ng love letter sa bag niya ay doon na lumakas ang loob ko na bigyan siya lagi ng pagkain. Oo, nagpapabili talaga ako kay mama ng mga bago at magagandang tupper ware para lang paglagyan ng pinaluto kong pagkain para ibigay sa kanya.

Sobrang baliw at tanga ko pagdating sa kanya. Alam kong hindi niya ako gusto at malabo niya akong magugustuhan dahil mas prefer daw niya ang magmahal ng babae kesa ang pumatol sa tulad kong bakla. Masakit yun pero patuloy pa rin ako sa pagsuyo sa kanya. Patuloy ako sa kahibangan ko.

Grade 8, 9, 10 hanggang sa grumaduate kami wala akong pinalampas na pagkakataon para ipahayag sa kanya ang nararamdaman ko hanggang sa malaman ko na lang na nagkaroon siya girlfriend. Every year may bago siyang girlfriend. Pero bale wala sa akin yun. Tuloy ako sa pagbibigay sa kanya ng mga gifts para ipakitang mahal ko siya.

Nakakapagod? Oo minsan gusto ko na lang sumuko pero tuwing iisipin kong hindi siya mapupunta sa akin. Hindi ko ata kaya yun. Ang baliw ko sa kanya diba? Lahat ng mga kaklase ko at kabatch ko pinagtatawanan na nga ako eh. Pinagtatawanan nila ang kahibangan ko kay Ivan. Para daw akong pumasok sa isang butas ng karayon na mahirap pasukin. Lahat ng pangdadown nila nilunok ko, lahat yun binalewala ko kase mahal ko siya.

TMF 2: Sana Lahat Loyal (BoyxBoy) - MPREGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon