Prologue

414 11 3
                                    


"Broken Heart "

"I now pronounce you husband and wife. Mr Acxies and Mrs Zhaira Sofia Ocampo. You may now kiss the bride."

Deklara ng Pari.

Officially married na ang babaeng gabi gabing nagpapahirap kay Kristoff. Wala na siyang laban dahil already taken na ang pinakamamahal niya. Kaya kahit mabigat man sa puso niya ngunit kailangan niyang tanggapin.

Bago pa man matapos ang seremonya ng kasal ay minabuti na ng binata na lumabas na nang simbahan. Bago pa siya makita ng sino man at paghinalaan siya ng masama.

Hangad lang niya ngayon na makita ang dalaga na tuloyang maging masaya sa pinaka importanteng araw sa tanang buhay nito.

Masaya siya para kay Zhaira Sofia kahit na masakit para sa kanya ang naging katapusan ng relasyon nila. 

Palabas na siya ng simbahan at patungo na siya sa kotse niya. Nang marating ito'y ramdam niya nanparang hinihiwa ang puso niya ng paulit-ulit. Ngunit ganoon pa man ay napabuntong hininga na lang siya at pumasok na sa loob ng kotse.

Huminga siya ng malalim bago pina-andar ang makina. Matapos pa'y walang bahalang pinaharorot ang kotse ng kay lakas.

Gusto niyang magwala, mang gulo, tumalon sa sa pinakamataas na twin tower sa buong mundo. Malabas lang niya ang sakit sa puso niya.

Kung pwede lang niya tutulan ang kasalan ginawa na sana niya. Pero alam niyang hindi parin siya sasaya kung gagawin niya ito.

Kahit pa nga sabihin niya siguro
na siya ang dahilan kung bakit gumaling si Zaphie sa sakit nito, ay hindi pa rin sapat para piliin siya ng dalaga. Kaya hindi na lang niya pinaalam sa lahat na siya ang blood donor ng dalaga, at naging dahilan para sa fast recovery nito.

Ayaw niyang ipaalam ang buong detalye kung paano nalunasan ang sakit ng dalaga. Dahil ayon pananaliksi ng mga dalubhasang mga doctor sa lugar na kinalakihan nila. May pambihirang klaseng dugo raw si Kristoff na pwedeng gawing host ng isang blood enhancer para palakasin ang immune system at e boost ang red blood cell para sat kapag na transfuse ang dugo ni Kristoff  kay Zaphie, ay mabilis nitong matulongan ang nanghihinang dugo nito na bumalik sa normal.

It was Kristoff who undergo some expermental blood test at napagaling sa lumalalang sakit ni Zaphie. Ilang besis niyang isinalang ang sarili sa walang kasiguraduang experment na maaring ikamatay niya. Ngunit buo ang loob niya na magpresenta sa medical treatment na ito. Hanggang sa tuloyan na ngang nagamot ang dalaga.

Walang ni isang nakakaalam sa katotoohanang ito, maliban sa mga foreign doctor na sumagawa ng eksperymento.

Wala ring balak ang binata na ipa-alam ito sa lahat. Itatago niya ito hanggat maari at lalayo na lang siyang para sa kaligayahan ng dalawa.

Masakit para sa kanya ang bagay na ito. Kaya naman wala na siyang pakiaalam ano man ang mangyari sa kanya. Buong lakas niyang pinatakbo ng mabilis sa koste niya sa mahabang daan. Wari  pa'y may ari  na siya ngayon ng mundo at nag-iisa lang siya dito sa daan.

Hanggang sa hindi niya inaasahan ang biglang pagsulpot ng isang babaeng may suot na budang puti habang walang lingon na tumatakbo papatawid sa daang may four lane na kasalukuyang tinatahak ni Kristoff.

Bago pa niya makabig ang break ng sasakyan ng binata, alam na niya na hindi na niya kakayanin pang pahinto-in ang kotse. Alam niya na masasapol niya ang dalaga. Ganoon paman, pinilit pa rin niyang kinabig ang manubela para iwasan ang dalaga. Buong lakas niyang tinapakan ang break.

Ilang distansya na lang at masasalpok na niya ang babae. Hanggang sa—

Booooogggssshh!

Nasapol pa rin  ang babae at humandusay ito sa kalsada habang 50 50 ang kalagayan nito.

Dali dali siyang bumaba at dinaluhan ang babae.

Nakabulagta ito at naliligo sa sariling dugo. Iyong wedding gown nito na sobrang puti, ay mistulang naging pula sa dami ng dugo mula sa natamong pangyayari.

Sabog ang buhok ng babae. Mukhang nasira ang pagkakahairdo nito sa lakas ng pagkakahampas nito at ni hindi niya mamukhan dahil sa dugong bumahid sa buong mukha nito.

Dalidali niyang dinalohan ang kawawang babae at dahan dahan niyang inangat ang ulo, para ma-elevate ito sa katawan ng babaeng nag-aagaw buhay.

"Miss? Miss! Wake up!"

Pukaw ni Kristoff, dumilat ito wari may  diwa pa ang kawawang babae

Mabuti na lang din na may mga netizen sa paligid at mabilis naman naka tawag ng ambulance kaya agad nasaklolohan ang kawawang biktima.

Bago paman dumating ang ambulance ay nalapatan na ng first aid ni Kristoff ang babae. Matapos ay inilipat na nila ito sa ambulance para isugod na sa ponakalapit na hospital.

Sumama na rin si Kristoff sa pagdala sa babae sa hospital. Dahil si Kristoff pala ay isang general doctor and at the same time he's a cardiologist and hemologist doctor too.

Kaya naman hindi niya hinayaan na pabayaan na lang ang babaeng na salpok niya. Siya ang tumabi nito at nagrevive sa nag-aagaw buhay na biktima.

"H'wag kang matutulog hanggangat kaya mo. We're almost there. Just hold on until we reach to the hospital. Just listen to me, okey? Don't you ever go to sleep. Maco-coma ka, kaya pilitin mong labanan na 'wag kang mawawalan ng malay. Did you hear me?"

Yugyog na saad ni Kristoff habang ni re revive niya ang babae sa loob ng ambulansya.

Sino kaya ang kawawang babae na nakasuot ng bridal gown? Abangan sa Book 2 ng Best Friend Best Enemy Series

_____________ Writer's Note ______________

Don't forget to Vote and leave Comments.

____________________________________________

I Love You Dangerously ( Ongoing )BestFriend BestEnemy Series Book 2 "The Twist"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon