"Moving On"Kristoff's POV
ONE YEAR LATER...
LAHAT na lang ata ng kamalasan sa lovelife ay nakuha ko na. Kaya para maibsan ang kalungkotang na nagpapahirap sa akin. Heto ako, gabi gabi na lang umiinom at nagpapakalunod sa alak. Nagbabakasakali na kahit sa ditong paraan ay maibsan man lang ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
Ngunit kahit anong laklak ko ng alak at kahit magdamag na akong nag-aabang at nagwawalwalan. Kinaumagahan ay si Zaphie pa rin ang iniisip ko. Hindi pa rin mawala ang pangungulili ko sa kanya.
At kahit sa panaginip, si Zaphie pa rin ang aking nakikita at patuloy na tumatakbo sa isipan ko. Pagod na pagod na ako sa ganitong sitwasyon. Gusto ko nang makalimot. Gusto ko ng wakasan ang buhay ko ng sa ganoon makalimutan ko na siya at makapagpahinga na ang pagod na pagod kong pusong ito.
'Pesteng damdamin na 'toh!'
pagwawala ng utak ko saka tinungga ang isang bote ng alak. Walang putol ko itong nilagok hanggang sa masimot ko ang pinakahuling patak ng laman nito.
Lulunorin ko ang puso ko hangang sa mamatay ito. Nang sa ganoon habang buhay na akong lalayo sa minamahal kong araw araw nagpapahirap sa damdamin ko.
'Bweset na bweset na ako sa buhay na ito!'
"Waiter!" Kaway ko sa napadaan na serbedor.
"Serve me the hardest drinks that you offer to me,"
"Right away sir," tugon nito at inabutan ako ng isang basong alak.
Agad ko itong tinanggap at nilagok ng mabilisan. Pagkuwan ay padamog pang ibinalik sa hawak niyang wine tray.
Hinila ko siya palapit sa akin at sinabihan ng
"May muriatic wisky ba kayo na inomin dito? Pwedeng 'yon na lang ibigay mo sa akin? Kasi walang kwenta iyang mga ibinibigay mo sa akin eh." naiinis kong turan sa pagmumukha niya
"Walang panama dito sa puso ko." dagdag ko pa sabay makalas kong tapik ko sa aking dibdib.
Napaatras ang waiter mula sa pa pagkakahawak ko at mukhang natakot pa.
Kaya inagaw ko na lang mula sa kanya ang bote ng alak.
"Give me that to me at kumuha ka pa ng isa pang bote- hhmm, make it one case. Okey?" nahihilo kong utos at itinungga ang nakuha kong alak sabay laklak.
"Sir, lasing na ho kayo." awat pa sa akin
"Nope, I'm not, kaya ko pa. Basta kumuha ka pa doon." sagot ko sabay tulak ko sa kanya para umalis na.
Kahit anong paglalasing ang gagawin ko. Parang lalo ko lang na-alala si Zaphie. Halos dalawang case na nga naauubos ko. Ngunit siya pa rin ang iniisip ko. Hanggang sa kalagitnaan ng pagpapakalasing ko. Isang eksina ang siyang umagaw sa atensyon ko.
Isang babae ang gumagawa ng dramatic scene sa tapat ko. Babaeng may labanos na mukha at mukhang sabog ang utak sa itsura niyang parang ewan.
Iyong pananamit niya'y parang walang ka kwenta-kwenta sa sobrang ikli nito. She's like a bullshit slut na halos nakaluwa na ang lahat na meron siya.
BINABASA MO ANG
I Love You Dangerously ( Ongoing )BestFriend BestEnemy Series Book 2 "The Twist"
RomanceWhen bitter meets bitter equals together forever