Chapter Sixteen

71 2 0
                                    


"And the crown goes to..."


AT THE RESORT.

"Wow, ang ganda! Ang ganda ganda dito, grabe!" manghang turan ni KC habang na mimilog ang mga mata niya sa taglay na kagandahan ng kapaligiran.

"At iyong buhangin Kristoff oh. Parang powder lang ng orange juice. Naku ang galing!" tuwang-tuwang daklot niya sa maala pulbong buhangin na kulay at inilagay pa sa bulsa niya.

"Hoy ba't mo inilagay 'yong buhangin sa bulsa mo, oi." kaltok ko sa kanya. Sumimangot ang baliw at tinaasan ako ng kilay.

"Anoh ba! Kaunti lang naman it at pang-remembrance 'toh. Katunayan na nakapunta ako sa orange na resort. Paki-alam mo ba!" sungit niyang tugon saka
tumakbo ito dalampasigan para pagsawaan ang kahil na buhangin.

'Ignoranteng baliw tagala. Pssh.' napapa-iling kong turan habang pinapanood ko siya naparang batang tuwang-tuwa.

Habang abala ang isa. Ako naman ay pinagmasdan ko ang bagong  Paradise Resort na pagmamay-ari ni Miguel Alaya. Kasalokoyan pa itong inaayos ngunit malapit na ring buksan para sa publiko.

Tunay ngang nakakamangha ang resort na ito. Dahil bukod sa makapigil hiningang ambience ang masasaksihan mo sa t'wing sunrise, sunset at sa t'wing gabi , ay tatak natural na kalikasan rin siyang bibighani sayo.

Sa katunayan nga'y para itong isang harden na nasa tabi dalampasigan na pinamumugaran ng iba't ibang foreign at local ornaments pati mga bulaklak.

Napaka relaxing ng scenery ng naturang lugar. Dito, you can feel that you are in the enchanted paradise.

"Pwede bang magbakasyon na lang muna tayo dito, kahit 1 week lang?" tanong na umabala sa'king pagmamasid.

Paglingon ko, na nakangisi na ang babaeng abosada.

'Ang kapal rin ng mukha!
Sarap talagang batukan.'  hilaw na ngiti ko siyang binalingan.

"Bakit may pambayad ka, huh?"pasuplado kong tanong

"Wala eh," ngisi pa ng mapagsamantalang baliw.

"Pwes galingan mo sa pag kombinsi sa may-ari nito na ikaw ang kunin nilang designer, kung gusto mo na makapag- staycation sa resort na ito ng libre." saad ko sa tanga niyang mukha.

"Oh dito pala 'yon? Panigurado 'yan mapapa-Oo ko ang kaibagan mo, ako pa." hangin niyang sagot

"Siguroduhin mo lang, kundi lagot ka sa'kin." pananakot ko

"Sure 'yan, ako pa ba." yabang pang ngiti nito saka na una pa itong naglakad patungo sa entrance ng hotel habang ako ay iniwanan.

' Grabe kung maka-aboso ng kabaitan ah. Matapos niya akong pagmaniho-in ng kotse at yatch, papunta sa isla na ito. At maka asta-asta siya kanina na parang VIP na patulog-tulog lang sa kahabaan ng byahe. Ngayon naman ay na gawa niya akong pabayaan at hayaang magdala sa mga baggage namin. Talagang sumusobra na siya ah.' napipikon kong protesta saka padamog kong binitiwan lahat ng dala kong baggage saka iniwanan.

Matapos pumasok na nga kami sa looby ng naturang resort at doon isang special welcome blash ang ibinigay nila sa'min at may cirtrus drinks pa sila na pampaalis ng init.

"Dude, welcome to Paradise Resort." ngiting bati ni Miguel at bahagya niya akong niyakap sabay tapik sa balikat ko sa paraang panlalaki.

"Congrats Dude, this place is such wonderful." tugon ko.

"By the way I would like you to meet, KC. She's the one I was telling you, Miguel."

"Oh, hi KC nice meeting you." kamay niya at nakipagkamay naman ito ng matino saka ngumiti. Pagkuwan ay muling bumaling si Miguel sa'kin at umiba ang timpla ng mukha.

I Love You Dangerously ( Ongoing )BestFriend BestEnemy Series Book 2 "The Twist"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon