"The Past"
ISANG malakas na tunog ng cp ang siyang gumising kay Kara Christine mula sa mahimbing niyang pagkakatulog at kahit nagulat siya'y, nagawa pa rin niyang abotin ang phone habang nananatling nakapikit ang mga mata saka sinagot ang naturang tawag.Ngunit bago paman siya makapagsalita ay na una na ang kabilang linya sa pagbati sa kanya ng
"Hi wifey, good morning, Happy 10 years anniversary to us." puno ng tamis at siglang bati ng kabilang linya sa kanya.
"Do you like my surprise to you Sweetie?" dagdag tanong ng mapagmahal niyang kasintahan na siyang nagpagising sa ina-antok na diwa ng dalaga.
At nang ma-imulat niya ng mabuti ang mga mata'y, hindi niya sukat akalain ang nasisilayan niyang suprisa.
Gulat at puno ng pagka mangha ang mga mata ni Kara Christine."Oh my goodness! Wooow!" buong giliw niyang bulalas saka napatulala sa saya.
Hindi siya makapagsalita sa galing ng ginawa ng mahal niyang si Axel. Kasi naman sino ba naman ang hindi magiging speechless kung pupunoin ng alitaptap ang kwarto mo. Imagine sa paghuli palang ng mga iyon, ay super effort na. Paano na lang kaya ang pag set up sa lahat ng ito habang nasa kwarto at natutulog lang ang sinu-surprise mo.
At nang mamasdan ni Kara Christine ay wari mga bitwin ito na bumaba at pumasok sa silid niya.
"So do you like it? Do I reach the star and gave it to you?" masayang tanong nito
Hindi maka-imik si Christine sa tuwa at kilig. Gusto niyang sumigaw at tumalon sa nakakalusaw sa sayang surprisa ni Axel. Ngunit lahat 'yon ay naging iyak sa tuwa.
"C'mon labas ka sa balcony mo." saad ni Axel ng marinig niyang humihikbi si Christine sa tuwang nararamdaman.
"W-why?" garalgal niyang tanong.
"Basta and please don't cry my Baby Love, dahil hindi pa tapos ang surprise ko sa'yo."
Yumango siya at tumalima sa pagbaba sa kinahihigaan niya. At nang makita niya ang sahig ay lalo siyang nalunod sa kilig. Tuloyan siyang napa-iyak at napapikit. Hindi niya alam kung maniniwala ba siya na totoo ang lahat ng ito o panaginip lang ba.
Nginig at kabang-kaba na bumaba si Christine saka naglakad sa nakalatag na ma-ala red petals na carpet na siyang ginawang daan patungo, palabas sa balkonahi ng silid niya.
At hindi lang iyon, bukod doon, may scented candles rin na nakahilira sa bawat gilid nito na siyang mas lalong nagbigay ng romantic ambience sa paligid.
Nang marating ni Christine ang mismong balkonahe ay isa na namang panibagong suprisa ang bumulaga sa kanya.Isang katutak na mga roses ang siyang pumuno sa buong lugar. Halos maging little garden na ito sa dami. At tanging itinirang espayo lamang ay ang dapit kung saan may two seater table na sadyang inilaan para sa dalawa.
"Nakaka-iyak naman sa tuwa ang lahat ng ito, Axel. Ang ganda ganda, ang sweet sweet mo talaga, Babe. Happy 10 years Anniversary hubby koh. I love you so much." mangiyak-ngiyak kong turan.
"Hep, theres more. C'mon tumingala ka sa langit." dagdag na naman nito.
Halos malunod na sa kilig si Kara Christine habang umaapaw sa hindi matatawarang sa saya naman ang puso niya. Matapos noon ay tumingala na nga siya sa langit at sa puntong iyon, ay nagsimula na ngang magsiliparan ang makukulay at nag gagandang mga fire works.
Halos hindi makahinga sa sobrang saya si Kara Christine at
naging sukdulan pa ang nadaramang tuwa niya sa ginawa ng kasintahan nito, nang magsimulang gumuhit ng hugis pusong ang sunod pa na mga fireworks.
BINABASA MO ANG
I Love You Dangerously ( Ongoing )BestFriend BestEnemy Series Book 2 "The Twist"
RomanceWhen bitter meets bitter equals together forever