Chapter Eleven

85 6 0
                                    

"Si Christine." mahinang tugon nito at sapat na para marinig ng lahat.

Then Kristoff look at me like he so impress

"Really?" hindi makapaniwalang turan ng shongak. At hindi ako nagpa-apekto sa flattery reaction niya. Dahil I'm sure drama lang ito. All I do is to stare at him with all the anger in my face.

"Kaya pala ang ganda ganda eh, may pinagmanahan pala ang design ng bahay."

puri o pang-aasar niya sa akin.

"Alam mo Babe, mukhang hindi naman ang bahay ang may problema dito, kundi ang taong nakatira sa bahay na ito. Nasa bahay naman ang lahat, ngunit sadya lang talagang bulag ang nagmamay-ari nito. Sayang dahil hindi nakita ang kahalagahan at kung anong meron ang bahay na ito." matinong turan niya na nagpa-antig sa puso kong nagpupuyos sa galit. Napa-angat ako ng mukha at napatingin kay Kristoff.

Huminga ng malalim si Axel at aminado siya na natamaan siya sa sinabi ni Kristoff.

"Pwede na ba tayong magpermahan na lang? So we can settle down and close the deal?" pagmamadali na niya

"Okey nang sa ganoon ay mailipat na rin sa'kin ang mahahalagang bagay na dapat ay iningatan." second strike pa nito.

Walang masabi si Axel kundi tumamlay at tumalima sa paghahanda sa mga dapat na pepermahan na mga kontrata.

Hindi ko nga sukat akalain na pati sa properties na binili namin noon ni Axel ay nagawa niyang agawain lahat ng share sa akin. Na kaya niyang ipangalan lahat ng ari-ariang napundar namin, sa pangalan niyang na naging conjugal property na nila ni Leslie.

At habang nagpepermahan na sila Axel at Kristoff ng mga papeles, muli kong naramdaman ang sakit sa puso ko.  Tila bawat pahina na pinipermahan ni Axel ay wari puso ko na winawasak at pinupunit. Hindi ko maatim na panoorin si Axel sa ginagawa niyang pagbibinta sa property na  pinaghirapan namin noon.

Gusto ko siyang sapakin at wasakin ang makapal niyang pagmumukha. Iyong tipong ipapakain ko sa bunganga niya ang hawak niyang dokumento, nang sa ganoon ay malasahan niya kung gaano ka pait ang lahat ng mga pangako niya noon sa akin. Iyong tipong ipapalasap ko sa kanya kung gaano pumakla ang lahat na matatamis na sinabi niya noon sa akin na puro kasinungalingan.

Ang bigat pa rin pala. Akala ko nawala na lahat. Akala ko nakapag move on na ako. Ngunit hindi pa pala. sumabog na ang puso ko sa pagtitimpi at bago pa ako maubos ng pasensya, ay padamog na akong tumayo sa kinauupo-an ko.

Patakbo akong lumabas, papalabas na ako sa gate, biglang may pumigil sa braso ko. Di ko nilingon dahil alam ko si Kristoff lang naman ito.

"Utang na loob Kristoff bitiwan mo ako. Gusto ko ng umuwi, pwede ba!" singhal ko habang hindi ko siya nilingon at tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko.

"Christine!"

bigkas nito at doon ko napagtanto na si Axel pala ang pumipigil sa akin.

"I'm sorry if I hurt you. I'm sorry for all the pain that I cause to you. Oo, aaminin ko, kasalan ko ang lahat. Pero kailangan na nating mag-move on. May Kristoff kana, may asawa na rin ako. Wala ng halaga ang bahay na ito, dahil may kanya kanya na tayong mga buhay, Christine." malumong saad niya sa akin.

Ngunit kahit ano pa ang sabihin niya. Hinding hindi niya ako madadala sa paawa effect at goodie looks niya. Co'z what he did is a bullshit boom in my life!

Ramdam na ramdam ko ang galit  na yumayanih sa kalamnan ko. Halos mamula na ako sa tindi ng pagkamuhi ko sa kanya. Buong panggigil ko siyang hinarap at sinumbatan.

"Ang kapal kapal ng pagmumukha mo para sabihin sa akin na wala ng halaga ang bahay na ito! Bakit, ikaw lang ba ang may-ari nito, huh? At napaka walang hiya ng pagmumukha mo, para sabihin sa akin na mag move on ng ganoon kadali matapos ng lahat?" buong panggigilaiti kong singhal sa kanya.

I Love You Dangerously ( Ongoing )BestFriend BestEnemy Series Book 2 "The Twist"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon