"Long Lost Best Enemy"
Kristoff's POVA night before new year's eve...
Dahil malungkot mag-isa. Mas maigi siguro na doon na lang ako magme-media nuche kina Ninong Romolo. Dahil doon, mas maaaliw pa ako at baka mas maramdaman ko ang sayang dala ng bagong taon.
Matapos makapaghanda ng madadala ay tinahak ko na nga ang daan patungo sa lugar nang Ninong ko. Mahigit walong oras rin ang layo nito mula sa condo na regalo pa ni Ninong Romolo sakin mahigit sampong taon na rin ang nakalipas.
Hindi ko na rin pinaalam sa kanya na darating ako. Dahil plano ko surprisahin siya. It's been 10 years since noong huli kaming nagkita. And I know kung gaano ako ka favorite ni Ninong Romolo.
If he will know na darating ako ngayon. I'm sure magpupuyat na naman iyon. Para lang paghandaan ang pagdating ko. Saka sa edad niyang 85 years old. Panigurado mabilis na siya napapagod.
Pagkadating ko sa harapan ng gate ng mansyon. Napansin ko na mukhang ang tahimik ata ng buong kabahayan.
"Ba't mukhang walang tao? Asan kaya si Ninong?" taka ko at dinukot ko ang phone para agad ko itong matawagan. Ngunit panay ring lang ang phone ni Ninong.
Bumaba ako sa kotse para mag door bell na lang dahil baka nasa loob lang si Ninong Romolo at maaring nagpapahinga na ito.
"Ano ba itong door bell na ito, sira? Tsss!" dotdot ko ngunit mukha ngang hindi na ito gumagana.
Sinubukan kong kumatok at mag tao po. Ngunit wala paring sumagot. Ilang besis ko ring pinindot ng paulit-ulit ang doorbel ngunit ganoon pa rin.
Nang silipin ko ang siwang sa may gate. Tanaw ko na may ilaw naman sa kaloob-looban ng masyon. Iyon nga lang, tahimik at walang kabakas-bakas na tao sa buong bahay.
Nang wala talagang nag-respond sa door bell at paulit-ulit ko na pagta-tao po, ay bumalik na lang ako sa kotse.
Nakakapanibago lang dahil mula noon, lage namang may naiiwang kasamabahay sa mansyon ni Ninong sa mansyon na ito, kung sakali man na aalis si Ninong for a vacation.
"Asan kaya siya?" kamot ko sa ulo habang muli akong pumasok sa koste.
Nag-antay muna ako ng mahigit bente minutos sa loob ng kotse. Dahil baka may pinuntahan lang ito at uuwi lang rin naman. Ngunit lumipas na lang ang sampung minuto. Wala pa rin hanggang sa ma-inip na lang ako. Kaya napagdesisyon na bumalik na lang talaga sa condo. Mukha naman kasing nagbakasyon si Ninong Romolo at baka isinama nga nito lahat ng kasambahay niya.
Papaandarin ko na sana ang kotse ko. Nang mapansin ko ang isang tao na kakadating lang. May suot itong dark blue na pantalon at naka black jacket na may hood. Sa suot niya hindi ko matukoy kung anong kasarian nito. What I know is may balingkinitan siyang katawan.
Tumigil ang tao ito sa tapat ng gate. Saglit itong nagmasid. Nang mapansin nito na walang katao-tao sa kapaligiran ay sinilip nito ang loob mula siwang ng gate.
Nang masigurado pa nito na wala siyang napansi na kwardya sa loob ng mansyon, ay bigla umatras ang kahinahinalang tao. Matapos ay kumuha ng bwelo saka tumalon na ito nasampa sa gate ng mansyon.
Agad akong na alarma sa nasaksihan. Dahil panigurado, masamang tao ang hinayupak na ito at malamang magnanakaw ang balasobas na tinapa na ito.
Dali-dali akong bumaba sa kotse at patakbo kong nilapitan ang estranghero
"Hoy! Magnanakaw!" sigaw ko sa maala-spider na tao.
Sa pagsigaw ko. Lalong nagmamadali sa pagtawid ang nahuli kong akyat bahay. At bago pa niya matawid ng tuloyan ang naturang gate, ay mabilis kong naabot ang isang paa niya't agad ko itong pinigilan at hinila pababa.
BINABASA MO ANG
I Love You Dangerously ( Ongoing )BestFriend BestEnemy Series Book 2 "The Twist"
Roman d'amourWhen bitter meets bitter equals together forever