"The Who?"
Kristoff's POV
_
NALUNGKOT ako sa kweninto niya sa'kin. Ramdam ko at alam ko, kung gaano ito ka sakit sa parte niya kaya't hinayaan ko na lang muna siyang magpatuloy."Noong magising ako, okey na ang puso ko. Kasi nagkataon na ang nakabangga sa'kin ay isang dalubhasang Heart surgen Doctor..." Malalim na hiningang saad niya saka napatingin sa kawalan habang naluluha sa mga na-aalala niya.
"kaya 'yon, nailigtas nga niya ako sa araw na iyon. Ngunit kapalit naman ng isang araw ay ang araw-araw napaghihirap ko ngayon." napapatiim bagang pagpapatuloy niya.
At sa sinabi niyang iyon ay napalunok ako. Dahil paano ko nga ba sasahihin sa kanya na ako ang nakabundol sa kanya?
"Kaya alam mo, 'pag nakita ko ang hinayupak na Doctor na 'yon, talagang dudukotin ko ang puso niya at pipigain ko hanggang sa madurog ito." gigil niyang saad habang inangat pa nito ang kamao niya at pinapakita sa'kin kung paano niya ito dudurogin.
"Nang sa ganoon, maramdaman niya kung paano kasakit ang nararamdaman kong ."
dagdad niya. Napalunok ako sa pinagsasabi niya.
Hindi ko kasi nagawang kilalanin kung sino ang babaeng nabundol ko noon. Dahil bukod sa wala akong interis na kilalanin ito ay hindi ko rin nagawamg tingnan man lang ang mukha niya dahil sa puno ito ng dugo.
Matapos rin ang operasyon, ay agad na rin akong nagmadaling umuwi pabalik sa Paris, for some urgent meeting na hindi ko magawang e pagmamaya. Hanggang sa hindi na rin sumagi sa isip ko na alamin pa ang pagkatao ng babae sa paglipas ng mga buwan.
Napahinga ako ng malalim at na konsensya sa pagiging pabaya ko sa kanya.
"Dapat nga, you must be thankful sa doctor na 'yon. Hindi ba?"
Umismid si KC
"For what? For making my life more miserable?" irip nito
"Basta, pagnagkita kami, talagang sasapakin ko ang pagmumukha niya at kung naabutan ko lang talaga siya noong magising ako. Naku! pinalupotan ko na ang leeg niya ng dextrox habang ipapakain ko sa kanya ang syringe hanggang sa mamatay siya." gigil pang turan ni KC.
"What? Hindi ba dapat kay Axel ka magalit? Why you keep on blaming that doctor?" inis kong usisa.
"Ba't ka ba affected? Pinsan mo ba iyong Doctor, kapatid, ama, huh?" pilosopo pa nito
"Because you're acting like an idiot! If I we're in your shoe. Pag nakilala ko ang doctor na 'yon ay magpapasalamat pa ako kasi he gave me a chance, to know you, to have you and..."
Hinawakan ko ang pisngi niya at marahan na hinaplos. Nang hindi ito kumuntra ay buong ingat ko itong pinalapit sa akin. And I look at her eyes. Staring like she's the only girl in this world.
"....to love such like you." sincerely I said as I try to kiss her lips if she would allow me. Pero bago ko pa magawa ang inuudyok ng puso ko na una na itong umatras saka nagbago ang timpla ng kanyang mukha. Para itong na asiwa sa ginawa ko. Pagkuwan ay tumayo si KC at tinalikuran ako.
I try to stop her but I admit na mali ang ginawa ko, so I decided to let her go for the mean time. Ngunit isang hakbang pa nga lang mula sa kinatatayoan niya, ay biglang napaigtad si KC at napa-igik sa sakit.
Saglit itong napatigil at napapihit pabalik sa deriksyon ko. Matapos ay kumunot ang mukha niya wari may iniimpit na sakit. Saka sumunod ang isang mahinang putok na likha ng isang silencer na baril at sa pangalawang pagkakataon ay napaigtad na naman si KC saka napasapo sa balikat niya.
BINABASA MO ANG
I Love You Dangerously ( Ongoing )BestFriend BestEnemy Series Book 2 "The Twist"
RomansaWhen bitter meets bitter equals together forever