Chapter Ten

94 2 0
                                    

.

KC's POV

_
"Interior designer at engineer ka hindi ba? So I guess you can help me professionally, gaya ng pagmamalaki sayo ni Ninong sa'kin." turang nagpapitlag sa aking pagkabalisa.

Magsasalita na sana ako ngunit ng makita ko ang tinutukoy na bahay ni Kristoff ay biglang kumabog ang puso ko matapos ay nanigas pa ako lalo sa kaba.

Bigla akong naparalisa at natulala. Ramdam ko ang galit na sumisiklab sa puso ko, maging ang sakit at pagkamuhi na pakiramdam ay humahalo na rin saddamdamin ko.  Muli sa isang kurap, biglang bumalik sa akin ang lahat ng ala-ala ng kahapon ko.

Napatapik ako sa dibdib kong naninikip sa muling pagkabuhay ng galit na sana'y kinalimutan ko na. Naisin ko man na pigilan ang nararamdaman kong ito, ngunit hindi ko mapigilan ang muling pagsiklab ng lahat ng pait at sakit na sana'y nakabaon na sa kaibuturan ng puso ko.

Iyong lahat na mga pangyayari noon, ay biglang naging sariwa sa aking mga gunita at sa tindi ng bugso nito'y, hindi ko na alam kung paano o ano ang gagawin ko.

All I knew is that, I don't want to get out of this car. I don't want see or even just to glance the house that I was dreaming of. Iyong bahay na pinangarap mo mahigit 15 taon at bahay na inakala mo na magiging tahanan ng pagmamahalang inakala kong panghabang buhay na.

It's been 10 years ago simula ng umpisahan namin ang paggawa ng bahay na ito. Napayuko ako at napapikit hanggang sa padamog na pinahinto ng kumag na si Kristoff ang kotse dahilan para maalog ako ng bahagya sa unahang upoan.

"Aray ko!" tili ko ng bahagyang mauntog ang ulo ko sa sandalan ng upoan.

"C'mon, where already here,"

"No, I'm sorry pero hindi kita matutulongan. And correction, I am not an engineer. I'm an architect." pagtatama ko.

"Phsss... there we're the same." he smirk

"Hindi kaya, for your info engineer is the who make structural analysis, estimated bill of materials. They focus more on technical. While architect is the one who make design, draw a sketch plan. We specialize in artistry. You got it?"  taray kong sagot.

"What ever, basta pareho na rin iyon." kamot nito sa batok saka padamog na lumabas.

Napalunok ako at mas lalo kinabahan dahil paano ko nga ba ito haharapin? Tinanaw ko ang naturang bahay saka napapikit ako. Hindi ko pa talaga kaya na muling pasokin ang bahay na ito.

'Shit!' mura ko saka bigla kong na-alala

'How come na naging for sale ang property na ito without my consent?'

Taka ko na mas lalong pagtatangis ng ngipin ko sa galit sa taong pasimuno ng pagsusubasta ng bahay ko.

'Talaga bang kinuha na niya ang lahat ng karapatan ko maging sa property na ito? Ang kapal kapal talaga ng pagmumukha niya!'

buong pagpipigil ko na 'wag magpadala sa bugso ng galit. Ngunit sa pagtitimpi ko'y lalong
tumindi ang bigat na nararamdaman. Lalo tuloy nagsitakasan ang mga luha ko.

"Oh ano pang hinihintay mo, halika na!"

Pagmamadali pa ng ungas sa akin, saka pinagbuksan ako ng pintuan at imbes na sundin ang timang ay yumuko ako at pinilit na kinukubli ang mga luha sa aking mga mata.

Ngunit hindi ko sila kayang itago at pigilan, kusa silang nagsisibagsakan. Pumilig ako para 'wag makita ni Kristoff. Ngunit huli na at halata na niya ang pamumula ng pisngi at ilong ko.

"Umiiyak ka ba?"

Kumunot ang noo ng kumag sabay pilit pinapalingon pinihit ang ulo ko sa kanya. Tinigasan ko ang leeg ko at hindi ako lumingon. Dahil  Im sure pagnakita niya, tiyak aasarin na naman ako  nito.

I Love You Dangerously ( Ongoing )BestFriend BestEnemy Series Book 2 "The Twist"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon