"So Much Insane""M-may Zombie! Ta-tak... Takbo!" malakas pang tili ng isa pang ingot.
'Ah Zombie ba kamo?' Pwes, ganito ang totoong zombie!'
sabay panlilisik ko sa mga mata ko at pinatindi pa ang acting na parang asong mananakmal na sa pagiging ulol.
Tinangis ko pa ang nanggigil kong mga ngipin at pinakita sa kanila kung ano nga ba ang itsura ng isang zombie.
At dahil minsan na akong naging best actress sa acting class namin, noong college pa ako. Yakang-yaka ko, kung paano ba ang tamang pag ganap ng isang zombie.
Sobrang dali ko itong na e-internalize at pang FAMAS pa talaga ang facial expressions and deliver ko. Talagang mapa Awww! ko sila sa takot.
Dahil dito, lahat nagkagulo at takbohan sa taranta. lahat sila nagsitulakan at unahan sa paglayo at labas sa maturang grocery.
'Success! Eh 'di nawala ang mahabang linya. Hay naku! Ang dali nilang oto-in. Tsss'
Binalingan ko ang Cashier.
Sa takot pa ng itsura nito ay wala itong magawa. Kundi manigas sa kinalalagyan niya, habang shock na shock at tanging nagawa, ay titigan ako habang namimilog ang kanyang mga mata sa kaba.Tulak tulak ko ang cart habang buong panlilisik ko siyang nilapitan. Lalo ko siyang tinakot at umakto na parang nasasapi-an at pangingisay.
Pasagadsad kong inihakbang ang mga paa ko. Habang tirik at pinaputi ang mga mata.
Umaakto akong, parang nababali-an ng mga buto sa tuhod. At sa bawat hakbang ko pa'y parang pilay akong napapagiling sa bawat usad ko.
At para may kakatawanan naman. Sinabayan ko ang pananakot ko ng mga ngawa. Ngawa parang iniihaw na baka.
Ngunit imbes na matawa ang dalagita, ay mas lalo lang itong natakot.Nang malapitan ko ang namumutlang cashier. Pahablot ko siyang inabot. Mahigpit kong hinawakan ang napakalamig niyang pulsohan.
Matapos ay pinanlilisikan ko siya ng mata. Kaya lalong bumilis ang pintig ng pulso niya. At nginig na nginig ito habang hindi niya maalis ang mga mata sa akin.
"Pu- puuunch m-moo na to-oooh, kundiii ka-kagatiiin kiiitaaahh!"
saad ko sa boses na parang sinasapian ng masamang ispirito.
Sa takot ng cashier. Nataranta ito at mabilis na pi-nunch ang lahat na laman ng cart ko. Pagkuwan ay mabilis pa niyang inilagay sa supot.
At sa taranta hindi na niya nagawang e punch lahat ng bibilhin ko. Nilahat na niya itong ipinasok sa lalagyan. Saka mabilis na inabot sa akin.
Inangat ko ang nakakuyom kong kamay. Para inabot sa kanya ang bayad nungit humalukip-kip lang ang daligita sabay sabi ng
"H'wag po!" nais kong matawa sa itsura niya ngunit pinigil ko ang sarili ko at manatili sa ganoong huwesto.
Habang patuloy na pinaninindigan ang pagiging isang baliw na zombie.
Pumihit ako paikot na paraang tulad ng zombie.Isang lalaking maangas ang nakita kong naiwan sa likuran ko. Mukha itong hindi tinalaban sa ginawa kong kahibangan.
Iyong mukha niya, ay walang kasing samang nakatingin sa akin. Galit na galit ang mamang naka jersey cup habang suot ang dark shade.
At dahil hindi ko siya masyadong mapagsino binaliwala ko na lang ang mukha niyang galit.
Ang nakikita ko lang, mukhang may appeal ang mokong ma ito. Matalino rin siya at hindi tanga gaya ng mga na oto ko at nagsitakbohan.
Ngunit kahit gwapo pa siya. Wala akong paki. Patuloy kong pinanindigan ang pagiging zombie ko at sinabihan siya ng
BINABASA MO ANG
I Love You Dangerously ( Ongoing )BestFriend BestEnemy Series Book 2 "The Twist"
RomanceWhen bitter meets bitter equals together forever