Chapter Thriteen

80 3 0
                                    

Kristoff's POV

_
Matapos ko siyang pagmukhain na walang kwenta, ay natameme ang baliw at na mukhang nagising sa pagiging mayabang niya. Kaya't bago pa siya maka-bawi ay inunahan ko na siya sa pagpasok sa mansyon saka iniwan na naka nga-nga.

KASALUKOYAN kong tinitingnan kung ano na ang kalagayan ni Ninong at basi sa aking pagsusuri ay isang simpleng panic attact lang ang naranasan niya. Bukod d'yan, everything is fine and okey. Ang kailangan lang niya ngayon ay kumalma at magpahinga ng maayos.

"Kristoff nasaan si KC?" tanong nito habang kinukuhanan ko siya ng BP.

"H'wag n'yo na ho 'yong aalalahinin Ninong, okey lang siya. And as usual, nand'yan lang ho iyon at abala sa paghahasik ng kasamaan sa paligid. So don't mind her, okey? Baka kasi lala lang ang stress n'yo po." birong payo ko na kinangiti ni Ninong.

Inangat ng matanda ang kamay niya at tinapik ako sa balikat.

" You have to take good care of her, okey? Alam mo, may sakit kasi siya sa puso, kaya kailangan niya ng isang tulad mo, Kristoff. Ikaw lang ang tanging makakatulong sa kanya." seryusong nitong saad.

"Ano 'yon Ninong literal o emotional?"

"Both." ngiti nito

"You think Ninong Doctor sa puso ang kailangan niya? Hindi kaya sa utak?" patanong kong pagtatama

"I guess that's just her mechanic defense, Kristoff. If you will know her better. I can assure that she's a good and a sweet kind hearted woman."

"Oh siya Ninong, kailangan n'yo na pong magpahinga. Padadalhan na lang kita ng maiinit na sopas dito kay Manang Sela, para mainitan ang sikmura, okey?"

"Wala pa rin ang Yaya Sela mo. Hindi pa rin bumabalik hanggang ngayon at gusto ko si KC ang gumawa ng pagkain ko."
tugon ng matanda.

And speaking of the baliw. Biglang bumukas ang pintoan at iniluwa ang hinahanap ni Ninong. May dala itong pagkain.
At kung makapagtiming pa,  parang may telepathy sa utak. Dahil talagang chicken sopas ang dala niya. Ang bango bango pa, nakakatakam. Shit!

"Ninong heto na ho 'yong food niyo." masigla nitong lapit kay Ninong saka inilapag ang tray ng food.

Biglang  sumigla ang matanda at umayos agad ito sa pagkakaupo.

"Ay salamat at dumating ka. Akala ko hindi ka pupunta KC. Alam mo bang gutom na gutom na ako at miss ko na ang luto mo." turan pa nito at nagsimula ng kumain.

"Naku, ikaw talaga Ninong oh. Ang sabihin n'yo po gusto mo lang makita ang pinakapaborito mong inaanak." riing pagmamayabang ng baliw sa sarili saka nagtawanan ang dalawa.

Iniripan ko ang sinabi niya at mukhang hindi na ata ako kailangan dito.

"Ninong paano po, lalabas ma ho ako, ah. Basta tandaan mo 'yong bilin ko, huh? H'wag masyado papagod and take a rest.  Saka uuwi na rin po ako  dahil mukhang may mag-aalaga naman atah sayo dito. Hindi ba?"

Ligpit ko sa mga kagamitan ko.

"Kristoff I want you to stay, pwede ba na dito ka na lang magpalipas ng gabi. Dahil masama pa rin ang pakiramdam ko and anytime pwede akong atakihin ulit ng alta presyon ko, so I still need you." pigil ni Ninong sa akin kung kaya't napayango na lang ako.

HATING gabi ng magising ako at naramdaman ko ang biglang pagmalat ng lalamunan ko. Napabangon ako sa uhaw na nararamdaman. At dahil walang mini ref ang guest room ni Ninong ay kailangan ko tuloy bumaba. Kaya kahit antok na antok,  ay napilitan akong tumungo sa kusena.

Madilim ang loob ng kabahayan at tanging sa labas lamang may ilaw. Sapat para hindi ko na kailangang buksan pa ang ilaw dito sa loob.  

Matapos kong uminom ng tubig. Mula sa tahimik at malalim na gabi. Isang kaluskos ng gitara ang siyang lumalatag sa katahimikan ng gabi. Napalingon ako sa salamin ng binatana at napasilip sa abot tanaw na harden.

I Love You Dangerously ( Ongoing )BestFriend BestEnemy Series Book 2 "The Twist"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon