Chapter Fifteen

90 2 3
                                    

"The Make Over"

Kristoff's POV

_
Nang lingunin ko si KC upang ibigay sa kanya ang iba pang napili ko, ay anak ng tinapa. Bigla na lang siyang nawala.

"KC? KC!" tawag ko habang umikot ako sa kabilang sections ngunit hindi ko siya mahanap-hanap.

"Miss napansin mo ba 'yong kasama ko kanina?" tanong ko sa isang sales lady.

"Iyon po bang may kulay green na buhok?"

"Oo, 'yon nga."

"Nakita ko po siya na lumabas, Sir." tugon nito

"Sige salamat" saka binayaran ko na ang pinamili ko at hinanap ko na ang baliw.

Tamang tama rin na pagkalabas ko ay agad ko siyang namataan. May kasama siyang isang lalaki at nasa isang refreshing stool ng ice cream.

Napansin ko na may ginagawa na naman itong kabulastogan sa binatilyong mukhang tanga. At nang magkagulo na nga ang mag-jowa, ay pa simpleng nagwalk out ang maysayad na si KC.

Masayang masaya pa siyang lumalantak sa ice cream na hawak niya. Habang iyong dalawang ginulo niya ay halos magkarambulan sa perwesyong dulot niya.

'Sira ulo talaga. Pssh...'  gigil kong turan sa isipan saka buong pikon na nilapitan ang baliw.

"Ano na nama ba ang ginawa mo, huh? Bakit mo ba pinakiki-alaman ang dalawang 'yon? Ganyan ka na ba ka bitter talaga, huh? Hindi ka lang talaga inggitera, disperadang kawawa ka pa." sitang sermon ko sa baliw na ito.

Napatigil siya sa ginagawa niyang pagdila sa natutunaw na ice cream. Pagkuwa'y sinamaan ako ng tingin sabay taas ng nagmumura niyang kilay.

"Bitter agad? inggitera agad? Hindi ba pwedeng gusto ko lang kumain ng ice cream?"

tanggol pa niya sa sarili.

"Grabe na talaga 'yang tama ng utak mo, anoh?  Talagang sisirain mo relasyon nilang dalawa, para lang sa ice cream? Your really out of you mind."

Ngunit iniripan lang ako sabay sabi ng

"Whatever!" paikot eyeball ng timang saka umakma na ito sa  pagwo-walk out. At bago pa ito tuloyang makahakbang ay mabilis ko siyang  tinisud dahilan para ma-out of balance ito.

Natawa ako sa muntikang pagkatumba niya. Buti na lang at maagap siyang nakabawe ng balanse, kaya hindi siya natumba. Ngunit sa pagbawi niya ng balanse ay hindi niya inaasahang masusobsob pala ang mukha niya sa hawak niyang ice cream.

Sa nangyari halos magmukha siyang pandang tililing sa umbok ng ice cream tumaklap sa mga mata niya. Halos mapahagalpak ako ng tawa sa itsura ng baliw.

Tinapon niya ang cone saka inalis ang ice cream sa mga mata. Sinamaan niya ako ng tingin habang hindi ko maawat ang tawa ko.

"Nakakatawa pala, huh? Pwes!"

Pikon nitong saad habang ako ay napahagalpak pa rin ng tawa. Hanggang sa bigla na lang niyang pinunas sa mukha ko ang ice cream na  nasa sahig at walang pakisabing hinilamos sa mukha ko. Matapos akong gantihan ay mabilis na nakatakbo ang timang.

"Shit! Ang lagkit lagkit!"

Sigaw ko sa inis at lalo akong na inis sa baliw.

"Ahhhgrrr... Kara Christiiiinnnnnneee!" hiyaw ko sa gigil at hinabol ko na siya.

'Ang sarap niyang kurotin ng pinung-pino. Nakakapikon at nakaka-asar talaga ang baliw na ito.'

Habol ko hanggang sa maabotan ko siya't mahawakan.

I Love You Dangerously ( Ongoing )BestFriend BestEnemy Series Book 2 "The Twist"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon